Chapter Twenty-One

5K 149 18
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE

Try

Kaya pala nandito kanina sina kuya Drian at kuya Pao ay para yayain na naman akong manood ng laro nila. Since alam nilang hindi pala kasama sa laro ngayon si Brian ay iniwan na nila ako. Tinaglay pa nila ang cookies 'n cream kong ice cream. Kainis lang.

Inubos ko ang oras ko sa pagbabasa na may halong pagre-review ng notes para sa nalalapit na exams. Ganoon lang mostly ang ginawa ko hanggang sa mag-Monday na ulit.

"He did that?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Ran. Ikinwento ko kasi sa kanya iyong ginawa ni Brian nitong Sabado.

"Cute nga raw kasi ako." biro ko pa. "Paz." Iniabot ko sa Student Assistant ang receipt ko para makuha ko na ang exams permit ko.

"Ang hangin mo, Nat. I cannot believe you."

May itinype ang SA sa computer at naiprint na nito ang permit ko.

"Oh, you can't believe me? Wait 'til I tell you more." Ngumisi ako. "Kunin mo na ang permit niyo ni Yas. Fast!"

Itinulak ko siya palapit sa Window K nang makuha ko na ang permit ko. Agad ko itong itinago at umupo muna sandali habang hinihintay si Ran.

May klase ngayon si Yas kaya ipinakuha na lang niya sa amin ang permit niya. Sa pagkakasabi ko nga ay sa aming tatlo ay si Yas ang nakakuha ng pangit na schedule. Ayon pa sa kanya ay miracle na bilang niyang free periods.

Pagkatapos makuha ni Ran ang permit nila ni Yas ay naglakad lakad kami sa loob ng campus. May ten minutes pa naman ako bago ang susunod kong klase, at ang schedule naman ni Ran ay hindi ko rin alam.

"Oras ng next class mo?"

"Within fifteen minutes."

"Eh iyong akin hindi mo tatanungin?"

Inirapan ako nitong gwapo naming alalay, "Hindi ako tulad niyo ni Yas na makakalimutin when it comes to class schedules. Lalo na't ginagawa niyo akong driver."

Itinaas ko ang kamay ko para makipag-high five sana sa kanya pero tinignan niya lang ito, "Ito naman. Ang KJ KJ mo talaga!"

He hissed at me again, "Don't wait until I kill your joy, Nat. Hinding hindi na kayo makakasakay sa sasakyan ko."

Hinampas ko ang likuran niya nang maraming beses. Nakakagigil ang kagwapuhan nitong si Ran eh! "'Wag mong gagawin 'yon kung ayaw mong ikaw ang i-kill namin ni Yas!"

Napaayos ako nang sarili noong makita ko si Jeremy. Paniguradong kasama niya si Brian kaya natahimik ako from nagging Ran. Tinignan naman ako nitong kalapit ko na parang I just transformed into someone he doesn't know.

"What's up with you?"

Slow motion kong nginuso ang direksyon kung nasaan si Jeremy, at kung saan kasusulpot lang din ni Brian. I should have worn Mac lipstick today!

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon