CHAPTER THIRTY-ONE
Chickened Out
Yas is busy today preparing for their getaway. Sa California pala sila pupunta. And Ran is somewhere with his male buds. Yep, he has! Talagang mas mahal niya lang kami ni Yas kaya sa amin siya laging nakakasama. At tsaka I know he couldn't stay away from Yas.
Tapos ako? Ito! Almost done prepping for the dance workshop later with Sien. Exclusive iyon, naks! Aniya pa'y sobrang swerte ko raw dahil isang Sien ang magtuturo sa kanya. Marami raw naghahangad na makasayaw siya kaya kailangan ko raw maging thankful.
Thankful his arse!
And speaking of THE Sien, ito na, tumatawag na nga. Itinigil ko muna ang pagsusuklay para sagutin ang tawag niya.
"Hey!" nailayo ko ang phone ko sa tenga ko, "Hindi ka pa ba tapos? Nasa labas na ako ng bahay niyo."
"Pwede namang 'wag sumigaw, diba? And yes, I'm almost done. Pababa na ako."
I heard him tss-ed, "Alright. Pakibilisan."
Ibinaba niya kaagad ang tawag pagkasabi niya n'on. Naglagay na lang ako ng extra shirt sa bag ko bago ako bumaba. Nakita ko si Sien na nakasandal sa sasakyan niya habang nagtetext. Nakasuot siya ng white-rimmed na sunglass ngayon.
"Naks naman sa salamin, ah?" bati ko. "Pwede naman kasing pumasok muna sa sasakyan niya para hindi mainitan, ano?"
Tinanggal niya ang salamin niya at inismiran ako. Sumakay na siya sa driver's seat habang ako naman sa passenger. Naks! Hindi ako sa likuran ngayon. Weeee!
"Saan nga pala tayo?" tanong ko pagkalabas ng subdivision.
"Flow Dance Studio."
Tumango ako, "Malapit lang pala."
"Bakit nga pala ganyan ang suot mong pambaba? Fit." umiling iling siya.
Tumingin ako, "Bakit, ano ba dapat? Grabe naman, parang magsasayaw lang eh."
He's still shaking his head, ngayon ay parang natatawa nga lang siya. This guy's making fun of me!
Kinalikot ko ang glove compartment niya dahil nabo-bore ako sa biyahe. Wala naman siyang ginawa kundi ang paluin ang kamay ko kapag may nakikita akong unusual. Tumatawa lang ako tapos tinutuloy ko ang aking treasure hunt.
Sobra ang tawa ko nang may makita akong photo. Napasandal na ako sa katatawa.
"Sien, why do you have a photo of Mae in a sexy suit here?"
Naka-frame pa kasi ito tapos nakabalot pa ito sa bubble wrap. Grabe lang. Hinablot niya kaagad sa akin ang frame at itinabi ito sa likuran niya.
"Ang kulit mo, Natalie. Kanina ka pa." Naiinis niyang sabi pero may kaunting ngiti sa kanya.
Hindi naman nila kayang magalit sa akin talaga. Hihi.
"Tignan ko lang kung makasayaw ka pa sa susunod na araw."
Binelatan ko siya. As if I can't. Speaking of susunod na araw, "Mga ilang beses mo ako tuturuan?"
"Ikaw?" Napaisip siya, pero ang mata niya ang focused lang sa pagddrive, "It will take me seven years kung pagagalingin kita sa pagsasayaw."
I raised my balled fist at him, "So mean!"
Ganyan lang kami buong byahe papuntang dance studio. Tulad ng pang-counter ko kay kuya Drian ay inasar ko siya kay Mae. Nananahimik naman kapag ganon dahil wala na siyang masabi.
Ganyan ba talaga sila kapag in love? Talagang napapatikom ang bibig kapag 'yung other half na nila ang ipinanlaban?
He pulled over sa parking lot ng isang good-looking building for a dance studio. Napalabas ako kaagad para tignan kung gaano ito kalaki. I knew this place pero first time kong pumunta rito kaya naman excited na excited ako nang pumasok kami.
BINABASA MO ANG
The Exes Club (Chase Series #1)
RomanceI said Brian was my boyfriend just so my friend and half of my family would leave me alone from finding my own perfect guy. Naging boyfriend ko si Brian nang hindi niya alam. He's my instant boyfriend. More like, emergency boyfriend. Nagbreak "kuno"...