CHAPTER THIRTY-NINE
Bawat Sulyap
I still got the shivers, pero dahil naging kumportable naman na ako sa kanya ay mahina ko na lang na hinampas ang balikat niya.
"Ang..." hindi ko maituloy kasi natatawa ako at hindi ko na alam ang susunod na sasabihin, "Ang ano..." Natatawa pa rin ako dahil mismong siya rin ay natawa na.
"What, Natalie?"
Umiling na lang ako nang may ngiti, "Wala po."
Kinabukasan ay nagpasama sa akin si Yas at Ran sa school, so babalik na naman ako. Na-miss ko sila at ang mga routines namin. Ngayon ay balik na rin kami sa dating gawi. May driver na ulit ako at may ka-fangirl na. Well, except when it comes to Bry.
Napaisip ako at biglang kinabahan. Iyong Exes Club na hindi ko na naiintindi. Lagot na! Na-stuck na ako sa isang assignment sa amin at hindi na ako nag-attend ng susunod na meetings. Ngayong nandito na si Yas, patay na talaga!
Minabuti kong i-enjoy muna ang oras at kamustahin sila hanggang sa makarating kami sa school, setting aside that perennial dilemma. Nagkwento si Ran about sa getaway niya sa Camea, at nakita niya nga raw ang simpleng bahay ni Arista roon. We saw his photos, too. Grabe! Sa pictures pa lang ay naiingit na ako. Gusto ko talagang makapunta roon. Ang ganda pa ng sceneries!
Nagpakita rin ng photos si Yas noong nasa California sila. They stayed in Hotel del Coronado so dakilang suki siya sa seaside roon; the Coronado beach. Medyo naging tanned din si Yas, pero mas lalo lang siyang gumanda. Lalo na't wala ang nerdy-type look niya rito. She's wearing a bikini top pero short shorts naman ang pambaba. Still, she looked hot with that curvy body. Gusto ko sanang ipakita kay Ran pero baka mamaya ma-distract siya sa pagddrive at mapanganga na lang. Haha! Although I doubt na hindi pa 'to nakikita ni Ran.
"You look good tanned, Yas." kumento ko habang nags-swipe pa rin through her phone while browsing photos.
"Talaga?" may hint ng relief sa boses niya, "Pakiramdam ko nga ang super itim ko na."
"Hindi 'yan." I assured her, "Diba nga, Ran?" bumaling naman ako sa aming gwapong driver.
"Oo naman."
Simple lang 'yung sagot niya pero alam kong tamang tama at tagos iyon kay Yas. Nangiti ako dahil sa kanilang dalawa.
Dahil magkaiba ng department na pupuntahan si Yas at Ran ay napagpasya kong maglakad lakad muna. Hindi ko namalayang malapit na pala ako sa Engineering department nang may nabangga ako.
Pumasok ako sa hallway ng department nila at tumingin tingin. Heehee! Hinanap ko ang bulletin board ng Civil Engineering. Nang mahanap ko ay nakita ko ang lists ng mga dean's lister at top students ng CE by year level. At tulad nga ng sinabi ni Jeremy ay DL at nasa top si Brian. Top 3.
Nangiti ako. Hindi man kami o kung ano pa man, pero as a friend ay nakakaproud din. Tulad na lang ng pagkakaproud namin ni Yas kay Ran na, DL din ng ComSci. And of course, Yas!!! The ever-matinding-magaral hidden chick ng Summerridge.
Nang medyo tapos ko nang pansinin ang listahan ng mga DL ay nahagip na ng pandinig ko ang boses ng ilang estudyante. I looked at the far end of the hallway at nakita ko si Brian na nakatayo habang kinakausap ang ibang CE students na mga nakaupo naman. Nanlaki pa ang mata ko nang nakita ko ang pag ngiti niya at bigla siyang tumingin dito sa gawi ko.
I think he knows I saw the list! At siguro ay nagtataka siya kung bakit nandito ako sa department nila.
Grabe!!! Hindi ko alam kung anong irereact ko pero ang unang ipinagawa ng instinct ko ay tumalikod at mabilis na lumakad paalis dito.
BINABASA MO ANG
The Exes Club (Chase Series #1)
RomansaI said Brian was my boyfriend just so my friend and half of my family would leave me alone from finding my own perfect guy. Naging boyfriend ko si Brian nang hindi niya alam. He's my instant boyfriend. More like, emergency boyfriend. Nagbreak "kuno"...