CHAPTER NINE
The Exes ClubNaging maayos naman na after that. I ordered crispy fish fillet Katsudon, and Ran did the payment. Rich kid talaga ang loko. Hindi lang naman ako ang nilibre, syempre, magpapatalo pa ba si Yas?
As much as I want to bring up the Saturday-issue, I just remain silent. Kaya lang gustong gusto ko talagang malaman. Pero dahil ayokong masira ang mood ni Yas, at ayokong kabahan ay nanatili na lang akong tahimik... at curious. Nakauwi na ako sa bahay at around 7:45pm. Hindi naman ako pinagalitan, dahil, what the heck; college student na ako, ano!
"Where have you been, Nat?" tanong ni dad habang umiinom ng kape sa sala.
"Kumain lang po kami nina Yas at Ran sa labas." sagot ko. Bumeso ako kay dad at sumunod naman kay mom.
Malisyosang ngumuso si mom, "Friends mo nga ba? O, ang boyfriend mo na?" May kasabay pa iyang tawa.
"Mom." pabiro kong pinanliitan ng mata ang nanay ko, "Quit it."
"Oo nga naman, Nadalia." hinarap ni dad si mom nang natatawa, "Hayaan mong si Natalie na ang magpakilala sa atin ng swerte niyang nobyo in time."
Ngayon ay si dad naman ang tinignan ko, "Wag po kasi kayong excited much. Baka mamaya maging matandang dalaga ako nito, e."
Napasinghap si mom kaya nabaling ang tingin namin sa kanya. Nabitiwan niya ang hawak niyang bulaklak na kaninang inaayos niya sa vase.
"No, Natalie! Kailangan mong mag-asawa! You're our only daughter, at kailangang lumaki ang family tree natin."
Nagkatinginan muna kami ni dad bago sabay tumawa. Ito na nga ba ang sinasabi ko, e. Sana may kapatid na lang talaga ako. Masaya naman ako dahil kasama ko naman ang mga pinsan ko sa mga family gatherings, o kung hindi si Yas at Ran ang kasama ko. Pero iba pa rin kasi diba iyong may kasama ka talaga sa bahay? Kasi at the end of the day, kahit may masaya akong relative, kahit swerte ako sa mga kaibigan ko ay magisa pa rin talaga akong anak ni Nadalia Gutierrez at Lewis Paz.
"At tsaka, Natalie, kung magkakaanak ka ay gusto ko lima. Gusto ko ng limang apo, ha?" seryosong sabi ni mom. Hindi ko tuloy alam kung tatawa na ba ulit ako o kakabahan na.
Napaisip ako. Kung si Brian lang din naman ang magiging asawa ko, why not? Gawin pa natin 'yang sampu! Pero syempre joke lang. Baka ayawan na ako ng asawa ko sa pagkalosyang ko noon, ano. I have to still be gorgeous even when married. Kailangang attracted talaga sa akin ang mapapangasawa ko, para win win. I have his eyes, and he has my heart.
Naging normal na mga sumunod na araw. Hindi kami masyadong nagkakausap ni Brian, because I'll face it; there really is nothing to talk about. Hindi kami close at magkaklase lang kami sa iisang subject. Magshift na kaya ako sa Engineering?
"NATALIE!!!"
Napatayo ako sa kama dahil sa sigaw ni Yas. Ginigising na naman niya ako ngayon. And as usual, nagtalukbong lang ako ng kumot. Gusto ko pang matulog! Sabado naman ngayon, e.
BINABASA MO ANG
The Exes Club (Chase Series #1)
RomanceI said Brian was my boyfriend just so my friend and half of my family would leave me alone from finding my own perfect guy. Naging boyfriend ko si Brian nang hindi niya alam. He's my instant boyfriend. More like, emergency boyfriend. Nagbreak "kuno"...