Chapter Sixteen

4.7K 130 7
                                    

CHAPTER SIXTEEN
Second Day

Okay na sana ang gabi ko yesterday eh, kung wala lang nag text sa akin na talagang iniiwasan ko. Iyong kinikilig na ang puso ko sa ginawa ni Brian tsaka pa may sisingit na panirang text.

Unregistered Number
Good evening! The Exes Club would just like to inform that the next session will be tomorrow.
5PM, Multi-Purpose Hall, Mission Hills Blvd. 

So they are still having session even if it's school days? Malapit na ang exams week at baka maging sagabal itong club na ito sa pagrereview ko. Golly!

"And so I've heard na mamaya na ang second day mo sa Exes Club?" panimula ni Yas nang tumigil siya saglit sa pagsusulat.

Nakaupo kaming tatlo ngayon sa study area ng university dahil pare parehas naming free period ngayon. Ran is doing something on his iPad while medyo nagsi-study ngayon si Yas. At ako? Wala, chill pa muna.

"Paano mo nalaman?" tinignan ko siya.

She shrugged while I sighed. Wala talaga akong takas. Pero wala pa rin namang ako planong tumakas dahil sayang naman ang bayad ni Yas para rito. Halos lumuwa na nga ang mata ko nung nakita ko 'yon sa flyer.

"Hatid niyo ako?" tanong ko na lang since I really have no choice.

Syempre tumango si Yas kaya tumango na rin si Ran. Together three, we're unstoppable! Oh, yeah. Joke.

Nagklase pa ulit kaming tatlo after ng free period na 'to. So mga at around four-thirty kami nakaalis sa school. Mabuti na lang at maagap ngayon si Yas. Palagi kasing siya ang may malas na sched sa aming tatlo.

"What time raw matatapos, Natalie?" tanong ni Ran. Nagpark siya sa harap.

"Hindi ko alam. I'll text you both na lang."

Tumango si Ran. At bago pa makapagreklamo si Yas ay inayos ko na ang gamit ko para makababa na ako.

"Hey, yung puso mo ha?" natatawang biro ni Yas bago ko isinara ang pinto.

I playfully glared at her while I stuck my tongue out. Natatawa niya na lang akong kinawayan as they drove off. Nakakainggit iyong dalawang 'yon. Walang Exes Club na kailangang puntahan.

Loner na naman ako. Tss. Awkward akong naglakad papasok ng Hall at hinanap 'yung grupo ko noong nakaraan. Nahanap ko naman sila kaagad. As usual ay tahimik sila dahil wala rin naman yatang magkakakilala personally dito sa grupo.

Why can't they be friends? Pareparehas naman silang mga BH diba? Joke!

Tumatabi ulit ako kay Vinky kahit alam kong wala naman siyang pakielam sa pagdating ko at lalo na sa presensya ko. Wala eh, siya lang naman kasi ang natandaan kong pangalan from last time. Maya maya ay dumating na rin si Sharra para asikasuhin na kami.

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon