October 30, 19--
Tumatakbo kami ng asawa ko ngayon, kahit kabuwanan nya ay wala kaming magagawa dahil hinahabol kami ng tauhan ng daddy nya.
"Francis let's just stop this. Sundin na lang natin si papa."sabi ng asawa ko sa pagitan ng kanyang mga hikbi. No hindi pwede.
"We can't."sabi ko naman at tumakbo pa, alam kong nahihirapan na sya at hinihingal na ren, dama ko na ren ang pagod nya, hawak hawak nya ang ibaba ng kanyang tyan habang tumatakbo.
*BANG!*
"FRANCIS STOP OR WE WILL SHOOT THE TWO OF YOU!!"sigaw ni Seven sa likod.
"SHOOT! AND SEE WHAT WILL HAPPEN NEXT ASSHOLE!"sigaw ko naman pabalik, tumakbo lang kami ni Cristine, alam kong hindi na nya kaya dahil pabagal na ng pabagal ang pagtakbo nya.
"Mahal di ko na kaya."sabi ni Cristine sa likod ko, SHIT! JUST SHIT! Hinila ko sya sa isang puno na malaki at dun muna kami nagtago.
"Sit here."sabi ko at dahan dahan ko syang pinaupo. Sinilip ko muna kung nasan na sila Seven, buti naman at wala pa. Hinawakan ko si Cristine sa magkabilang balikat.
"Wife are you ok?"sabi ko habang nakatingin sa mga mata nya pero di sya sumagot bagkus ay niyakap nya ako.
"Mahal sumunod na lang tayo sa kanila. I believe na tatanggapin ka rin ni papa tulad ng pagtanggap nya kay Seven. Tatanggapin ka pa rin nya sa kabila nito Francis."sabi nito sa akin at umalis sa pagkakayakap.
"Magkaiba kami ni Seven mas tanggap sya ng papa mo kesa sa akin. Ito lang ang paraan para maging malaya tayo."
"Mahal, Francis..."banggit ni Cristine sa akin at tumulo ang luha sa kanyang mga mata. "Hindi ko na kayang tumakbo pa. Mamamatay lang tayo pag di tayo sumunod. Tatanggapin ka rin ni papa, please Francis sumuko na tayo."sabi nito at nagpatuloy pa ang pagpatak ng mga luha nito. Oh crap! She's crying! Fvck this shit!
"No."sabi ko at itinayo sya. "We will continue, hanggang sa mamatay tayo."dugtong ko at pinagpagan ang suot nya, binigyan nya lang ako ng mahinang ngiti, tatakbo na sana kami ng biglang.
"Ahh."sabi ni Cristine at binitawan ang kamay ko nakita ko namang pumutok na ang panubigan nya. Nanginginig sya habang nakatingin sa hita nya.
"Fvck!"sabi ko at agad na sinalo sya dahil bigla syang nanghina.
"Francis buhayin mo ang bata ha."sabi ni Cristine sa akin na para bang malapit na ang kanyang huling hininga.
"Shit Cristine stop talking in that tone."sabi ko at dahan dahan kaming umupo.
"I'm begging you. Ilayo mo sya sa ganitong mundo. Give her a normal life."sabi nito.
"Hindi lang ako ang bubuhay sakanya tayong dalawa. Ugh~"sabi ko at binuhat sya.
BINABASA MO ANG
Yung Lalakeng Feeling Pogi
БоевикYung Lalakeng Feeling Pogi, yun yung katabi mong lalake kanina, kaya magingat ka kung ayaw mong matulad sa storya ng dalawang to, ingat ingat ha, lalo na't nagkalat na ang mga LALAKENG FEELING POGI, Eto ngang katabi ko ang sarap nang sipain eh. [A...