CHAPTER 37

937 20 9
                                    

Chapter 37 - Night Vission.


 Elton's POV 

"Nako patay."Hayss buset naman oh baket ba kasi di muna ako nakatok eh. 

"Ahmm ehhh boss Zero baka pwede naman naten tong pagusapan." 

"Sure. You want some little talk."Sabi nito ng cold.

"Ay sabi ko nga hindi."Mas malala pa ata kung mag lilittle talk pa kami neto. Pano na lang mga babae ko neto. Hays talaga naman. 

"Boss naman pasensya na hindi ko naman sinasadya na makita na..."sabi ko at tumingin kay Misty. 

"Na..." 

"Na?"tanong naman nito.

"Na..."Putek ba't di ko masabe? 

"Elton?" 

"Na hahalikan mo si Ms. Kingston eh!"mabilis na sabi ko. Nagbuntong hininga ito at unti unting lumapit sakin. 

"Boss naman wag ganyan."Patay na talaga ako neto. Pahamak! 

"E-eto oh, eto yung cellphone ko oh."sabi ko nang makita ko yung cellphone ko. Buti naman at huminto sya. 

"Elton."Warning tone mga babies, argh. Elton sisante ka na! 

"Boss naman."sabi ko bumuntong hininga lang ito. 

"Don't tell anyone about this." 

"Yes boss."sabi ko tiningnan naman ako ni Zero. 

"Uuwi na sya bukas. Magaling na sya." 

"Nagkasakit sya?" 

"Yah."sabi ni Zero at umupo sa gilid ni Misty. Tiningnan ko lang ang dalawa, tss buti pa si boss may forever na pano naman ako? Hanggang mga babae lang ba jan sa tabi tabi makukuha ko? Hay nako. 

"Ah boss alis na ako, madami pang babae naghihintay sa akin sa labas ng bahay nyo."bigla naman tumingin sa akin ng masama si Zero kaya tinaas ko ang dalawang kamay ko na para bang may kaso ako at huhulihin na ako. 

"Sasamahan mo kong iuwi sya."sabi bigla ni Zero at tumingin ulit kay Misty. 

"Boss naman." 

"At dito ka matutulog ngayon." 

"Boss Zero wala namang ganyanan. Madami ng chikababes sakin ang naghahantay sa bar." 

"Wala akong pake." 

"Zero." 

"Stay or die?"sabi ni Zero at humiga na, tsaka tumingin sa akin. 

"Ahmm. Go?"sabi ko bigla naman syang kumuha ng balisong sa loob ng higitan ng side table nya. 

"I repeat stay? Or die?" 

"Boss kailangan ko nang umalis, pwede naman ako matulog dito mamayang ala una eh."sabi ko pero hinagis nya ang balisong na hawak nya matapos kong sabihin lahat ng yon, putek onti nalang yun, kung umiwas ako natamaan pa siguro ako, dama ko yung balisong na dumaan sa gilid ng tenga ko, grabe mga babies pinagpapawisan na ako ng malamig dito e. Kumuha ulit sya ng balisong, nasa ilalim naman ito ng unan nya. 

"This time pag mali ang sagot mo o wala sa pinagpipilian, tatamaan ko na talaga yang ulo mo."sabi nito at pinaglaruan ang balisong. Naman oh pano na yan hinihintay pa ako ni Blessy, ni Allyson, ni KC, ni Angel at yung iba ko pang mga babae sa bar. Hayss. 

Yung Lalakeng Feeling PogiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon