CHAPTER 48

229 7 2
                                    

Chapter 48 - I'm Sorry

"What are you doing here?" Hindi maipaliwanag ang nararamdaman ni Zero ng mga oras na yon ng makita nya si Misty. Tiningnan sya ni Misty ngunit hindi ito nagsalita bagkus ay tumingin ito sa kabilang panig.

"X oganization's Andrei." Salitang ibinulaslas ni Jessa habang nakatingin ng masama sa pinuno ng kabilang grupo.

"Oh Jessa. How nice to see you again. You look more beautiful while pointing a gun against me." Preskong saad ng nagngangalang Andrei.

"K-kilala mo sya?" Tanong ni Misty kay Jess. Huminga muna ng malalim si Jessa bago nagsalita. Ngunit nakatingin parin ito kay Andrei ng masama.

"Unang taong nakalaban ko sa grupo nila." Napalunok si Misty ng sabihin iyon ni Jessa. Hindi na nito mapaliwanag ang nadarama sa narinig. Unti unti na nitong nararamdaman ang kaba.

"Na muntikan na nyang ikamatay. Remember that." Nag gesture pa ang lalake na tinuturo nito ang sintido nya.

"Ang lakas mong mang-asar huh." Saad ni Jessa at nagpaputok ng deretso sa direksyon ni Andrei. Mabilis na nakailag si Andrei habang nakangisi.

"Not so fast baby."

Dahil sa ginawa ni Jessa nagsimula ng magpalitan ng action ang tatlong grupo, ngunit sa magkakampi rito ang grupo ni Zero at ni Misty. Hinila naman agad ni Zero si Misty palayo sa lugar na iyon. Nagtago sila sa isang malaking puno at dun pinaupo ni Zero si Misty.

"Ano bang ginagawa mo dito? Delikado dito." Tonong nagaalala ang bakas sa pagsasalita ni Zero. Napatingin muna si Misty sa hawak ni Zero na Desert Eagle bago ito tumingin sa mga mata nito.

"Hindi ko alam. Basta bigla na lang sumunod si Jessa sa inyo, matapos nyang sabihin na X Organization ang mga taong yon." Sabi ni Misty na may panginginig ng mga kamay. Tiningnan ito ni Zero at hinawakan. Tiningnan nya sa mga mata si Misty upang bigyan ito ng comfort.

"Trust me." Sabi ni Zero at hinila patayo si Misty. Tumakbo sila sa gitna ng gubat. Nagkakagalos si Misty ngunit di na nya iniinda ito sapagkat alam nya ang kapahamakan kung dun lang sila mage-stay.

"I guess, ok na tayo dito." Hingal na sabi ni Zero. Magkahawak ang kamay nila ngunit ang isang kamay ni Zero ay nakahawak sa tuhod nya. Hindi nagsalita si Misty at sumagap lang ng hangin. 

Hindi pinapansin ni Misty ang dugong tumutulo sa braso't binti nya. Napatingin si Zero sakanya. Tumayo ito ng diretso at marahan na bumitaw sa paghahawak nila. Nagpamewang ito at tinaasan ng kilay si Misty.

"Bakit kase ganyan ang suot mo?" Tanong ni Zero, napatikom naman si Misty sa sinabi ni Zero. Sa suot ba naman nitong plain white t-shirt at hanggang tuhod na pambaba ay masama parin tingnan para kay Zero?

"Hindi naman masama ang suot ko. Marangal pa naman ito." Sabi ni Misty, lumapit si Zero sakanya at hinubad ang suot nitong coat. Si Zero na mismo ang nagsuot ng coat kay Misty.

"Alam ko." Maamong saad ni Zero habang sinusuot ang coat kay Misty. "Pero dapat nakahanda lagi ang suot mo sa mga ganitong bagay." Dugtong pa nito.

"Tandaan mo lage kung anong klaseng tao ka." Nakatingin ng deretso sa mata ni Misty si Zero habang sinasabe iyon. Pinagpagan ni Zero ang coat sabay hinawakan ang mga braso ni Misty.

"Put yourself together Misty. Your a leader, so act like a leader." Nagbago ang expression ni Misty sa sinabe ni Zero. Huminga ito ng malalim ang yumuko.

"Not now. Hindi paren naa-absorb ng utak ko ang mga nangyayare."

"Ginagawa mo na to dati pa." Sagot ni Zero at halos sumilip kay Misty. Hinawakan ni Misty ang isang kamay ng Zero at pinababa ito.

Yung Lalakeng Feeling PogiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon