CHAPTER 39

645 13 0
                                    

Chapter 39 - Ariella. 


Misty's POV 

Maaga akong gumising para magluto, akala ko naman maaaga magsigising tong mga to, hindi pala, kung titingnan pa sila eh mukhang mamayang hapon pa magsisigising.
 Nagluto na ako ng makakain nila atsaka nag ayos ng sarili. Nagiwan na lang ako ng note sa lamesa. 'Eat well. Smile.' Nang malapit na ako sa gate parang nakararamdam ako ng kakaiba, pagpasok na pagpasok ko bigla na lang may sumigaw na. 

"Mooooo!"at nakita ko ang babaeng papalapit sa akin, iiwas sana ako pero bigla na lang ako nito niyakap at nagtatatalon pa ito. 

"Moo miss na miss na kita, san ka ba nag punta? Ano bang nangyare sayo? Hindi mo ma lang ako sinabihan na aalis ka, di mo rin ako ininform na babalik ka ren pala, ano bang nangyare sayo?"sabi nito tumigil na ito sa kakatalon, pero nakayakap parin ito. 

"Nakakaasar ka sabi nila last week ka pa daw nila nakita dito. Eh absent ako nyng monday at tuesday."nararamdaman ko na rin ang pagiyak nito, dahil unti unti nang nababasa ang uniform ko, hinawakan ko ang mga siko nya at pinabitaw sa akin. 

"Bakit?"utal na tanong nito. 

"I'm sorry but i don't know you."sabi ko. 

"Ano?! So totoo nga yung mga sinasabe nila na may amnesia ka?"sabi nito habang pinupunasan ang mga luha nito. 

"Think so."sabi ko. 

"Pero kahit na. Ba't mo ko kinalimutan sabi mo walang kalimutan."sabi nito at nagbabadya na naman ang mga luha nito. 

"Tsk. Tara na nga moo ihahatid na lang kita sa room mo."sabi nito at niyakap ako sa braso tsaka ako kinaladkad. Nagpahila na lang ako mukha naman syang mabait eh. 

"Ano bang nangyare sayo ba't di kana pumasok ng wednesday hanggang friday?" 

"Nagkasakit."sabi ko 

"Eh san ka pala nag stay na ospital?" 

"Ospital?" 

"Oo bakit? Eh wala ka sa inyo eh."sabi nito, sasabihin ko ba? 

"Ah sige dito na ako. Nandito na room ko oh"sabi ko. 

"Ay oo nga no, sige mamaya na lang recess."sabi nito at tumakbo na. Mabilis naubos ang oras ng klase at nag recess na, wala rin si Johann, siguro nagaalala talaga sya kay Zero. Nagayos na ako ng bag ko at lumabas, paglabas na paglabas ko ay agad na bumungad ulit yung babae kanina. 

"Moo!"sigaw nito at yumakap na naman sa braso ko tsaka ako nginitian. 

"Tara."sabi nito. 

"Ahm moo alam mo ba nagawa ko pang pumunta sa bahay ng hayo-- este Zero na yun para lang makita kita, pero boset lang wala namang nangyare."sabi nito habang nakain kami. Zero... 

"Ano palang name mo?" 

"Talagang kinalimutan mo na. Ariella."sabi nito at inilahad ang kamay nito, inabot ko naman agad ito pero ng magsasalita na ako ay agad nitong binitawan ang kamay ko. 

"Oo, Misty, alam ko."sabi nito. 

"Ahm nga pala bakit M-moo? Yung tawag mo sakin?"sabi ko 

"Eh. Pati ba naman yun? Kasi takot tayong dalawa sa multo kaya moo. Moo-moo"sabi nya at tumawa, ako naman eh napangiti. Ang cute nya. 

"Ah nga pala may gagawin pa pala ako. Shit male-late na ako."sabi nito at tumayo na. 

Yung Lalakeng Feeling PogiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon