CHAPTER 51

222 7 4
                                    

Chapter 51 - A Friend

Misty's POV
Nakasakay kame ngayon sa kotse ni Zero. Sabi nya may pupuntahan daw kame kaya nagayos agad ako. Isang simpleng jeans at plain white t-shirt lang ang suot ko na medyo fit sa katawan ko.

"Uhmm. Zero sabi ni tito Seven bumili na lang daw tayo ng makakain para mamayang lunch. Aalis daw sila ni tita Clarabelle." Sabi ko habang deretso paren ang tingin sa kalsada.

"Ahh sige. Dadaan na lang tayo sa convenience store mamaya." Sabi nya, tahimik sya mula kanina. "Wala akong ganang kumain sa restaurant ngayon e."

"Ganun ba? Sige."

"Ok lang ba sayo?" Ikinanan na ni Zero ang kotse sa kanto na nadaanan namen.

"Oo naman." Nginitian ko sya pero di nya paren inaalis ang tingin nya sa daan. Tingin ko malalim ang iniisip nya.

Nilingon ko ang isang bouquet na nakalapag sa back seat. Maganda ito at mababango. Naku-curious talaga ako kung ba't kame may dalang ganon.

"Uhmm Zero pwede mag tanong?"

"You know what. Kahit onti onti lang pagsasalita mo. Madaldal ka paren." Napangiti sya sa sinabi nya, saglit nya akong tiningnan at pinisil nya ang ilong ko. "Ano ba itatanong mo?"

"Para kanino yung bouquet sa likod?" Saglit ko ulit tong tiningnan at tumingin muli kay Zero. Sigurado akong mamahalin ang isang yon.

"Para sa kaibigan." Nang sabihin yon ni Zero para akong nasaktan na ewan. Kaibigan? Bulaklak? So babae? But why do it seems na malungkot ang bulaklak kahit na napakaganda nito.

Mula nang sabihin yon ni Zero, hindi na ako umimik pa. Hanggang sa nakarating kame sa tapat ng isang napakalaking gate. Bumusina sya ng tatlong beses.

"Hey. You suddenly stop talking, why?" Paguusisa nya saken, habang unti unting nagbubukas ang gate.

"Wala naman. Nasabihan mo kong madaldal e." Pabiro kong sabe sakanya, hinawakan naman nya ang buhok ko at ngumiti.

"Di ako sanay." Sabi nya at pinaandar na muli ang kotse, pagpasok namen sa loob. Isang napakagarbong mansyon ang bumulaga saken.

-

"It's been two weeks and two days since his consciousness leave us." Nasa harap kami ngayon ng isang lalakeng nakahiga sa isang hospital bed.

"At first we thought that we totally lost him. But then, look at him. Stable and sleeping." Napayuko si Zero habang nagsasalita. Nilagay nya ang mga palad nya sa likod ng ulo nya.

"Akala ko talaga mawawala na sya. Because I'm already two minutes late." Feeling ko umiiyak si Zero.

"We can't lose him. His the geek of our group."

"Kahit lage kameng nagaaway nyan. Kaibigan ko paren yan. Mas kilala nya pa nga ugali ko kesa saken."

"His Johann after all." Sabi ko at hinawakan ang balikat nya. Napatingin sya saken at ngumisi.

"Yeah. Yung crush mo date." Nabatukan ko naman sya sa sinabe nya. Tumawa naman ang loko, bwiset na to akala ko umiiyak. Naguumarte lang pala.

"Baket? Crushable naman sya ah. Gwapo, matalino, mabait. Kahit sino magkakagusto sakanya." Pangaasar ko sakanya. Tingnan naten tatag mo ngayon.

"Kahit ikaw?" Nilapit nya ang mukha nya saken. Ok? Naaasar ka na ba? Nakatayo na sya at magkaharap kame ngayon.

"Oo naman." Hinapit nya ako papalapit sakanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yung Lalakeng Feeling PogiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon