CHAPTER 47

194 2 0
                                    

CHAPTER 47 - DNA

Third Persons POV
Present.
Naging maayos na muli ang ugnayan
nila Kurt at Ariella. Naging magkaibigan naren si Kurt at Brent.
Dahil sa seryosong operasyon ang ginagawa nila Zero. Nakakalimutan na nitong pumasok minsan. Madalas naman ay nakakatulugan nya ang mga subject teacher nya dahil sa pagod, na di naman kinaiinisan ng mga guro dahil sa sanay na sila. Ganun rin naman sila Elton.

Natukoy na nila Johann kung saan sa America nakatira si Crystal Compston, maging ang mismong lokasyon ng bahay nito. Si Zero naman ay napapadalas sa underground upang makakalap ng impormasyon sa babae. Sila Elton at Ken ay wala paring mahanap na karagdagang impormasyon sa babae. Tanging mga impormasyon lang na naibigay ni Elton ang lumalabas.

"Parang si Misty ren ang babaeng ito. Di na ako magtataka kung may kaugnayan talaga sila." Sabi ni Elton at may kung anong hina-hack na account sa computer na ginagamit nito.

"Yeah." Sabi ni Ken habang nasa likod ni Elton at umiinom ng kape.

"Teka nga. Ba't ba kase ako ang nandito? Mas marunong ka sa computer kaya dapat ikaw ang nandito." Sabi ni Elton sa paglingon nya kay Ken.

"Maya na ako." Sabi nito at inubos na ang kape. Dumiretso ito sa lababo at hinugasan agad ang ginamit na baso. Si Elton naman ay napailing na lang sa sinabe ni Ken at nagpatuloy sa ginagawa.

Nasa basement sila ngayon ng bahay nila Ken, sa basement kasi nito mas kompleto ang mga pang hack na devices.
Ilang oras pa ang lumipas pero wala paring nakukuhang iba pang detalye tungkol sa babae.

"AHHHH! PAGOD NA AKO!" Singhal ni Elton, habang ine-extend ang mga kamay at paa nya.

"Quiet please." Sabi ni Ken pero di man lang nito tiningnan si Elton at nakafocus paren ang paningin sa computer.

"Tsk." Sagot ni Elton at humiga sa couch, na malapit lang sa computer na ginagamit nya. Pero bago pa man to makahiga ay tumunog ang cellphone nito na para bang ang daming nagtext dito.

"Hays. Mga babae nga naman isang araw lang akong di nag pakita miss na agad ako." Sabi ni Elton habang kinukuha ang cellphone nya. Nang makita nya ang mga notification sa cellphone nya ay napansin nyang lima ang nag message sakanya.  'Bihira maging lima ang text saken. Di kaya...' mabilis nyang hinanap ang text message ni Zero, dahil alam nyang ito lang ang pwedeng sumingit sa text ng mga jowa nya.

"Meeting in 30 minutes. My house." Basa ni Elton sa natanggap nitong message. Napalingon si Ken sa ginawa ni Elton.

"Tara na Ken. Baka matraffic pa tayo. Pasabugin pa isa sa mga resthouse ko." Sabi ni Elton habang inaayos ang mga gamit nito, sunod naman ay ang sarili nya. 

"Tara." Sabi ni Ken matapos nitong mashutdown ang computer na gamit nya. Nang makarating ang dalawa sa kwarto ni Zero nakita nilang sila na lang ang hinihintay. Tahimik silang umupo sa upuan kung saan sila nakaupo nung araw na nagmeeting sila.

Katabi ni Kurt si Johann ngunit bukod ang upuan nila. Si Zero ay nasa gitna paren. Maraming dokumento ang nakalapag sa lamesang nasa pagitan nila Elton at Johann. Nakalagay sa mga dokumento ang mga impormasyon na kailangan nila.

Sa dinami dami ng dokumentong nasa lamesa, tatlong larawan lang ang nangingibabaw sa lahat. Tahimik at wala paring umiimik ng mga sandaling iyon. Kinuha ni Zero ang isang picture ng lalakeng nasa mid fifties na, nakasalamin at nakasuot ng dark blue na suit habang may dala-dalang brief case.

Inilapag ito ni Zero sa isang pile ng documents. Sunod ay kinuha naman ni Zero ang isa pa. Ito naman ay late sixties na kung titingnan. Nakaupo ng prente sa isang eleganteng upuan, habang suot suot ang ngisi nitong nakakakilabot kung tingnan, may hikaw sa kaliwang tenga sa itaas na bahagi at nangingibabaw ang isang gintong dragon na pendant sa suot nitong kwintas na may itim na mata.

Yung Lalakeng Feeling PogiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon