CHAPTER 50

232 1 0
                                    

Chapter 50 - Great Day

Third Person's POV
Dalawang araw ang lumipas mula ng mangyare yon, payapang nagbalik sa dati ang buhay ni Misty. Masaya man syang kasama na nila muli si Ivy, di parin maikakaila ang pagkalungkot nito sa nangyare.

"Aakyat lang ako." Pagpapaalam ni Misty sa mga kaibigan nya. Tahimik nyang binagtas ang hagdan patungo sa second floor.

Huminto sya sa isang pinto, maganda ngunit tila nakakalungkot ang kulay nito. Pilit na ngumiti si Misty bago nito ito buksan. Isang magarbong kwarto ang nasa likod ng pinto, ngunit gano man kagarbo at kaganda ang disenyo nito isa lang ang gustong makita ni Misty.

Ang nagiisang lalaking nakahiga sa napakalaki at napakagarbong higaan. Naka oxygen mask at may monitor sa gilid, na tanging nagpapaingay sa loob ng kwarto. Nakangiting nilapitan sya ni Misty. Umupo sya sa tabi nito at hinaplos ang buhok.

"Kamusta ka na?" Nagumpisang mangilid ang mga luha ni Misty ng banggitin nya iyon. Nakangiti parin ito kahit na naiiyak na sya.

"Alam mo ba? Ikaw ang una kong hinanap pagkagising na pagkagising ko kahapon." Isa isang pumatak ang luha ni Misty sa kanyang pisngi. Nakabenda pa ang ulo nito at ganun rin ang ibang mga sugat ng lalake sa katawan.

"Andaya mo naman." Humagulgol na si Misty dahil sobrang init na ng kanyang lalamunan.

"Lagi mo nalang akong nililigtas. Kahit na lagi kitang inaaway." Walang luhang hindi makalabas sa mga mata ni Misty, patuloy lang ito sa pagtulo na animo'y hindi nauubos.

"Gumising ka na oh." Muling hinaplos ni Misty ang buhok nito.

"Isang araw pa lang pero feeling ko antagal tagal mo na jan."

"Zero gising na. Bati na tayo diba." Sabi ni Misty at hinawak ang mga kamay ni Zero.

"Wag ka namang ganyan."

"Lagi na lang ba ganito?" Pinagdikit ni Misty ang mga noo nila.

"Pagiisipin mo ko kung kailan ka ulit gigising?" Patuloy na umiyak si Misty, hindi nito pinapansin miski ang patulo ng luha nya sa mukha ni Zero.

"Look. There she is again, nakakatulog na lang sa kakaiyak sa tabi ni Zero." Sabi ni Janice, habang nakasilip silang tatlo ni Jessa at Ivy sa pintuan ng kwarto kung nasan sila Misty.

"Mabuti nga't pumayag sila Kurt na dito i-stay si Zero." Sabi ni Ivy at nag pout.

"How I wish na sana magising na yang si Zero ng di ko na makitang nagkakaganyan si Misty." Sabi naman ni Jessa, dahan dahan na nyang sinarado ang pinto ang nagharap harap silang talo ng naka cross arms.

"How I wish. Nang di na pumunta dito ang manyakis na Elton na yon." Dugtong pa ni Janice.

"At ang hambog na Ken Cruz na yon." Napangiwi si Ivy ng marinig ang reklamo ng dalawa. Bakas sa mga boses nito ang pagkairita at pagkainis.

"There you are guys." Isang mahinhin na tinig ang narinig nila mula sa gilid nila. Agad nilang nilapitan at inalalayan ang may ari ng tinig na yon ng makilala nila kung sino iyon.

"Ano ka ba Mae. Sabing magpahinga ka muna, ba't lakad ka na ng lakad huh?" Panenermon ni Janice habang nakahawak sa bewang ni Mae at tinutulungan sa pagtutulak ng stand ng dextrose nito.

"Kaya nga. Di ka pa masyadong magaling, one week pa lang mula ng magising ka." Sabi naman ni Ivy.

"Ano ba kayo. Para namang hindi ko pa kaya. Relax ok? Kalma, ayos lang ako." Sumbat ni Mae sakanila, tinaasan lang sya ng kilay ni Jessa.

Yung Lalakeng Feeling PogiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon