Chapter 40 - My name is Brent.
Misty's POV
The next day, iba yung pakiramdam ko, i feel so tired, nilalamig den ako. Ano na? Lagnat na naman? Argh. Dahil sa nararamdaman ko eh hindi na ako nakapagluto para sa almusal nila Janice. Kaya nagiwan na lang ako ng note na. 'Sorry di ako nakapagluto. Medyo masama pakiramdam ko eh. Pero don't worry kaya ko naman.' Tsaka ako umalis ng bahay.
Pagpasok ko ng gate sinalubong ulit ako ni Ariella, kaso medyo namumugto yung mata nya. Umiyak kaya sya kagabe?"Moo."sabi nito
"Hi"
"Ahmm. Kumain ka na ba? Tara kain muna tayo, maaga pa naman."sabi nya, kaya pumunta kami ng canteen. Nang makarating kami sa canteen ay sya na ang umorder at umupo sa harap ko.
"Tara kain na tayo."sabi nito at nagumpisa ng kumain.
"May problema ka ba?"sabi ko.
"Huh wala ah"
"Umiyak ka ba kagabe?"
"Hindi baket?"
"Ba't namumugto yang mata mo?"
"Sobra sa tulog, ano ka ba."
"Ah nga pala anong sasabihin mo saken?"
"Ahh about kay Zero, kase si Maxine nakita ko sa kwarto ni Zero."
"Tapos anong meron kay Maxine?"
"I think narinig ko na yung name nya eh"sabi ni Ariella at pilit inisip with matching tusok tusok sa pisngi nya. Ako naman napahawak sa pisngi at nag pout sa harap nya.
"AHA! ALAM KO NA SYA YUNG GIRLFRIEND NI Zero."sabi ni Ariella at binulong ang pangalan ni Zero.
"Tapos?"
"Anong tapos ka jan? Sya lang naman ang sumampal sayo."
"Huh? Talaga? Sumampal?"
"Oo. Hays ba't ngayon ko lang naalala."parang asar na sabi Ariella.
"Nako tara na nga at baka malate pa tayo sa klase."sabi ni Ariella at tumayo na, tumayo na rin ako. Kaso bigla akong nahilo kaya napatungkod ako sa lamesa.
"Uy ok ka lang?"sabi ni Ariella at hinawakan ang noo ko.
"May lagnat ka? Ba't ka pa pumasok? Tara punta tayo ng clinic."
"Huh? Wag na. Kaya ko to."pero ang totoo nyan eh parang nalindol.
"Tapos ano? Tatlong araw ka na naman hindi papasok?"
"Hindi ok lang talaga--"
Ariella's POV
"Hindi ok lang talaga--"hindi natapos ni Misty ang sasabihin nya ng matumba sya, sasaluhin ko dapat sya ng saluhin sya ni... Wait? Sino to?
"Ok ka lang?"sabi nung lalake.
"I'm dizzy."
"Dadalhin ka namen sa clinic ng kaibigan mo."
"O-k."sabi ni Misty, binuhat nya si Misty ng pangkasal at hinatid sa clinic. Pinasok namen sya sa loob, nung medyo ok na sya, sinabihan ko si Misty na matulog muna at nagusap kami nung lalake sa labas ng clinic.
"Uhm. Thank you."sabi ko
"No thanks."sabi naman nya at nagbalak ng umalis.
"Wait. Uhm ah eh kase."sabi ko tumingin naman ito saken.

BINABASA MO ANG
Yung Lalakeng Feeling Pogi
ActionYung Lalakeng Feeling Pogi, yun yung katabi mong lalake kanina, kaya magingat ka kung ayaw mong matulad sa storya ng dalawang to, ingat ingat ha, lalo na't nagkalat na ang mga LALAKENG FEELING POGI, Eto ngang katabi ko ang sarap nang sipain eh. [A...