CHAPTER 38

907 18 6
                                    

  ENJOY READING!  <3

Chapter 38 - Relax. 


Misty's POV 

"Te-teka Ivy, may tama sya ng baril. Ivy saan mo ko dadalhin?"sabi ko habang hinila ako ni Ivy pataas ng hagdan. 

"Ivy-ah!"sabi ko ng pwersahan nya akong pinapasok ng kwarto ko. 

"Huminahon ka Misty."sabi nito sa akin at tinutok ang baril nya sa akin. 

"Pa-pano ako hihinahon kung nakatutok yang baril mo sakin?"sabi ko nanginginig na ang mga kamay at tuhod ko. 

"Huminahon ka lang, relax Misty."sabi nito, umiling iling lang ako at unti unting umatras. 

"Relax lang."sabi pa nito pero nakatutok parin ang baril nito. Naiiyak na ako. Unti unti pa akong umatras hanggang sa mapaupo ako sa kama ko. 

"Ganyan nga relax lang."sabi nito at unti unting binaba ang baril tsaka isinuksok sa likod ng bewang nya. Tsaka lumapit sa akin at niyakap ako. 

"Shh. Ok lang ang lahat, ligtas ka na."sabi nito habang hinihimas himas ang likod ko. 

"I-ivy pano sya? May tama sya ng baril."sabi ko habang naiyak ako, kumalas naman sya sa pagkakayakap at hinawakan ang dalawang balikat ko. 

"Ok lang yun sakanya. Masamang tao sya. Hindi ka dapat lumapit sa kanya."sabi nito umiling iling ulit ako. 

"Hindi. Mali kayo ng inaakala. Mabait sya, hindj nyo dapat sya binaril." 

"Shh. Hindi mo naiintindihan Misty."sabi nya, kumalas ako sa pagkakahawak nya sa akin at tumayo.

"KAYO ANG HINDI NAKAKAINTINDI! MABAIT SYA! INALAGAAN NYA AKO NUNG MAY SAKIT AKO! SYA YUNG NASA TABI KO NUNG WALA KAYO!"sabi ko at marahas na pinunasan ang mga luhang pumapatak saking mga mata. 

"Misty."sabi nito at tumayo na. 

"SABI NYO AALAGAAN NYO KO DIBA?! EH BAKIT SYA YUNG NASA TABI KO NUNG KAILANGAN KO KAYO? KAYA SA AYAW AT SA GUSTO NYODADALHIN NYO AKO SAKANYA!" 

"Hindi Misty." 

"DADALHIN NYO KO!!" 

"Misty!"sabi ni Jessa pagkapasok na pagkapasok nya ng pinto. 

"Jessa nasan sila?"tanong ko 

"Umalis na sila Misty."sabi pa nito 

"Dalhin nyo ko sa kanya."sabi ko 

"Hindi pwede Misty."sabi naman ni Mae. 

"Hindi hindi hindi."sabi ko at umiling iling. 

"Dalhin nyo na ako."sabi ko. 

"Misty."sabi naman ni Janice at unti unting lumapit sa akin. 

"Wag kayong lalapit."sabi ko pero unti unti parin silang lumapit. 

"SABI KO WAG KAYONG LUMAPIT!"sabi ko at umiyak na naman. 

"Jessa, Ivy linisin nyo muna yung kalat sa baba."sabi ni Janice tumingin muna ang dalawa sa akin at sabay na binanggit ang pangalan ko bago sila lumabas ng kwarto. 

"Janice dalhin mo ko sa kanya."sabi ko 

"Pero Misty-" 

"PLEASE! Please Janice."sabi ko. 

Yung Lalakeng Feeling PogiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon