CHAPTER 49

159 3 0
                                    

Chapter 49 - Guarantee

Third person's POV
*One week past
Nanghihina at duguan ang apat na lalaki na lumabas sa Cuwarto. Wala ni isa sakanila ang may bakas na tuwa sa kanilang mga mukha, dahil sa mga natamo nito.

"Psh." Sabi ni Drei at dumura ng dugo sa gilid nya. Halos maligo na ito sa dugo, ang puting damit nito ay di na mawari kung puti pa nga ba.

Hindi umimik si Andrei at patuloy na naglakad pabalik sa kwarto nito. Sa kalagitnaan ng paglalakad nila ay nakasalubong nila si Francis. Agad naman nila ito binati ng nakayuko.

"Natutuwa akong nalagpasan nyo ang Cuwarto. Sige't magpahinga na kayo sa inyong mga silid." Ani nito at nilagpasan ang apat. Huminga ng malalim si Andrei at naglakad ng muli.

"Ilang araw kaya ang aabutin sa paggaling nito." Wala sa wisyong sabi ni  Drei sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakad. Nauna ng pumasok sa kanilang kwarto ang dalawa nilang kasamahan.

"Dre, pahinga na ako." Tinapik ni Drei si Andrei bago ito nagpaalam. Kinawayan pa nya si Andrei bago binuksan ang pinto ng kwarto nya. Wala namang imik si Andrei sa ginawa't sinabi nito.

Nagpatuloy na si Andrei sa paglalakad pabalik sa kwarto nya. Wala itong maisip na sagot para kay Drei, kaya't di nya ito sinagot. Tanging si Janice lang ang pumapasok sa isip nya.

Hindi nya mawari kung galit ba sya rito, dahil sa ikalawang pagkakataon si Janice na naman ang dahilan ng pagpasok nya sa Cuwarto. Ngunit may kakaiba syang nararamdaman pa at yun ang pilit nyang iniisip kung ano ba ito.

Pumasok sya sa kaniyang kwarto at agad na hinubad ang suot na polo shirt. Wala na itong pake kung saan mapadpad ang damit. Dumiretso agad ito sa banyo at naligo. Sa kanyang pagligo pilit nya paring iniisip kung ano pang mararamdaman nya para kay Janice.

"Damn." Isang malakas na suntok ang binigay ni Andrei sa pader ng kanyang banyo. Panibagong sugat na naman ang natamo nito, ngunit para bang hindi nito naramdaman ang hapdi ng sugat na nakuha nya.

Matapos nitong maligo ay agad na kinuha ang cellphone at tiningnan kung sinong natawag, habang pinupunasan ang buhok.

"Dre, labas ka dito. Nandito si Zero Dillard." Agad na sabi ng nasa kabilang linya.

"Yeah." Sagot ni Andrei at binaba ang tawag. Nagbihis na ito at agad na pumunta kung nasaan si Drei.

Naabutan nyang nasa labas halos lahat sa kwarto ni Francis ang mga ka grupo nito. Ng malagpasan nya ang mga kagrupo nya ay nakita nyang nasa harapan sila Drei.

"Dre." Bati ni Drei sakanya habang nakacross arms. Tiningnan ni Andrei ang pintuan ng kwarto ni Francis. Papasok sana si Andrei ng pigilan sya ni Drei.

"Wala daw iistorbo sakanila sabi ni Boss." Mas hinigpitan pa ni Drei ang hawak nito ng sinubukan pa ni Andrei na pumiglas.

"Sa Cuwarto bagsak mo." Ani ng isang kasamahan nila. Tumingin ng masama si Andrei sa nagsabi nito ngunit hindi nagpatinag ang nagsalita.

"Dre pwede ba." Pagaawat ni Drei, huminga na lang ng malalim si Andrei at pumiglas sa pagkakahawak sakanya. Dumiretso ito sa isang couch na nasa labas ng kwarto ni Francis.

.

"Ano bang gustong mong mangyare Mr. Zero Dillard?" Mahinahon na tanong ni Francis sa taong nasa harap nya ngayon.

Magisang pumunta si Zero sa mansyon ni Francis. Napakatapang nitong naglakad sa harap ng mga tauhan ni Francis. Walang pumigil sakanya dahil sa kakaibang presensya na taglay nito at tila ba may mahalaga itong sasabihin sa pinuno nila.

Yung Lalakeng Feeling PogiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon