CHAPTER 46

239 5 1
                                        

CHAPTER 46 - Paguusap.

Third Person's POV
The next day.
Nang makapasok si Ariella sa paaralan nila ay agad na hinila sya ni Kurt, papunta sa lugar kung saan wala masyadong estudyante. Nagpupumiglas si Ariella pero parang walang nararamdaman si Kurt ni naririnig sa pagkakalas ni Ariella.

"Bakit mo ba ako hinihila ha?" Sabi ni Ariella kay Kurt ng huminto sila sa lugar na walang estudyante. Unti-unting ibinaba ni Kurt ang kamay nilang dalawa at bitiwan si Ariella.

"Ano?" Sabi ni Ariella, tahimik lang at walang imik si Kurt ngunit nakatitig ito ng mariin sa babae. Tingin na para bang may gustong gustong sabihin ito.

"Kung wala ka rin lang namang sasabihin aalis na ako." Sabi ni Ariella, aalis na sana ito ng hawakan ni Kurt ang wrist nya.

"Bitawa--"

"Ano bang pumasok sa isip mo? Parang hindi ako nanliligaw sayo kung iharap mo sya saken." Sabi nito ng hindi nakatingin kay Ariella. Hindi alam ni Ariella ang sasabihin nya, gusto nyang saktan si Kurt at sabihin lahat ng naging problema nito, pero mas gusto nyang umiyak dahil sa nangyayare.

"Ariella." Isang tinig ang nagpalingon kay Ariella, si Brent. Habang naka bored look at nakalagay ang isang kamay sa bulsa.

"Bitawan mo ko Kurt." Sabi ni Ariella gamit ang boses na para bang nagmamakaawa ito na bitawan na sya. Ilang segundo ang lumipas bago unti-unting binitawan ni Kurt ang wrist ni Ariella. Huminga ng malalim si Ariella bago ito naglakad palayo kay Kurt.

"Kakausapin kita mamaya." Salita na nagpahinto kay Ariella sa paglapit nya kay Brent.

"ANO PA BANG DAPAT NATENG PAGUSAPAN?" Galit na sigaw ni Ariella, ngunit dinedma lang ito ni Kurt, tumalikod na ito at umalis sa lugar na yon.

Nang mawala na sa paningin ni Ariella si Kurt ay agad na nanghina ang mga tuhod nito at napaupo sa sahig. Agad naman na lumapit si Brent at binuhat si Ariella. Isiniksik ni Ariella ang mukha nya sa dibdib ni Brent at dun umiyak.

"Tingin ko mas mabuting kausapin mo sya ng matino mamaya." Sabi ni Brent habang nakalagay sa mesa ang dalawang kamay na magkahawak. Nasa canteen sila ngayon, binilhan ni Brent si Ariella ng maiinom para mapakalma ito. Tahimik at tulala naman si Ariella.

"Masasaktan lang ako, ba't ko pa sya kakausapin?" Sabi nito habang nakatingin sa kawalan. Napayuko naman si Brent sa sinagot nito.

"Hindi nyo maayos yan kung, hindi kayo maguusap." Nagsimula na namang mangilid ang mga luha ni Ariella.

"Pag ba may narinig akong masasakit na salita, pwede ba akong umiyak sa harap nya. Pag ba pinatawad ko sya, pwede na akong yumakap sakanya. Pag ba ayaw ko ng marinig pa ang mga sinasabe nya, pwede ko na ba syang talikuran at iwan. Sabihin mo... pag ba nagusap kame may magbabago pa?" Magkatama ang mata ng dalawa, patuloy lang ang pag-agos ng luha ni Ariella na di nya mapigilan.

"Tingin mo ba masasagot ko yan?" Nanaaig ang katahimikan sakanilang dalawa matapos sabihin yon ni Brent.

**

Natapos ang second to the last na klase nila Ariella. Napuno ng ingay ang buong klase dahil nabalitaan nila na wala daw ang susunod nilang guro. Nang maayos nya ang mga gamit nya ay agad na may tumabe sya kanya.

"Baket na naman ba?" Sabi nito habang nakatingin sa pisara ng room nila. Kahit hindi nya tingnan ang tumabi sakanya, ramdam naman nya ang presensya, na kay Kurt lang nakapangalan.

"Magusap tayo, wag dito. Sumunod ka saken." Sabi ni Kurt sakanya at lumabas ng room nila. Nagdalawang isip si Ariella kung susunod ba sya o hindi. Pero dahil gusto na nyang matapos ang lahat ay sumunod sya.
Pumunta sila sa tambayan ng Five Black Prince. Walang tao roon at silang dalawa lang. Nang makapasok si Ariella ay nakatalikod lang si Kurt sakanya habang nakatayo sa gitna ng kwarto. Umupo si Ariella sa pinakamalapit na upuan na nahawakan nya.

Yung Lalakeng Feeling PogiMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon