↑↑Bianca Serrano↑↑
New character po siya and sana suportahan niyo rin siya!! Lovelots!
CJ's POV
Paglabas ko ng sasakyan ay papasok na sana ako nang tawagin ako ni Bunny..
“Bunny, goodnight!” Sabi niya saakin. Lumapit siya at kiniss ako sa ulo. “Dream of me..” Natawa na lang ako sa sinabi niya.
“Goodnight din bunny..” Sabi ko. Kiniss ko naman siya sa cheeks. Hindi ko abot yung ulo niya eh. Ang liit ko kasi. T_T
Nagwave lang siya saakin. Pagpasok ko sa bahay binati ako ni manang kaya binati ko rin siya.
Dumeretso ako sa kwarto ko para magpalit. Pagkatapos kong magpalit ng damit ay kinuha ko ang phone ko.
Ano kaya ang pwedeng gawin? Nunuod nalang ako ng FMV ng Eunkook at Taerin. Kilala niyo sila readers? Ha? Ships ko yun eh. Hahaha!
“Anak! Cazel! Halina't kakain na..” Sabi ni Manang sa likod ng pinto.
“Sige po, susunod na lang po ako.” Sabi ko. Nilagay ko ang phome ko sa bulsa ng pajama ko. Tumingin ako sa salamin na nakasabit sa pader ng kwarto ko.
Ang gulo ng buhok ko! Kinuha ko yung suklay sa study table ko at nagsuklay, pinusod ko ito bago bumaba.
Pagkasara ko ng pinto tinignan ko ang kwarto ni Dimple na kaharap lang ng kwarto ko. Wala na siya dito siguro ay nauna na. Nagpatuloy na lang ulit akong maglakad pababa.
Pagbaba ko dumeretso ako ng dining area, nakita ko si Dimple na kumakain na.
“Good evening Cazel! 'Lika kain kana. Dito ka sa tabi ko.” Sabi niya habang pinapat ang katabi niyang upuan. Walang ano-ano'y umupo ako sa tabi niya.
Ang ulam namin ngayon ay adobo na may sitaw. May favorite!
Naglagay ako ng kanin sa aking plato at ng adobo. Tamihik lang kaming kumakain ni Dimple at Manag Elise. Lagi kasi namin siyang kasabay kumain dahil kami kami lang din naman ang nasa bahay. Ang ibang maids ay naglilinis pa.
Si Manang Elise ang unang bumasag ng katahimikan. “Oh, mga anak, kamusta ang unang araw ng inyong klase? Naging maayos ba?” Tanong ni manang.
“Ay, opo! Opo naman po. May bago nga po kaming kaibigan ni Cazel eh. Diba Cazel?” Sabi ni Dimple.
“Opo, si Bianca po. Transferee sa school. Wala naman pong masyadong nangyari dahil orientation palang naman po eh.” Sagot ko.
“Mabuti kung ganun, basta mag-aral ng mabuti ha?” Nakangiting sabi niya saamin.
“Opo!” Sabay na sabi namin ni Dimple.
Pagkatapos naming kumain ay si Manang na ang naghugas ng mga pinagkainan namin. Nagprisinta na nga ako sa kanya kanina pero hindi niya tinanggap.
Umakyat na lamang kami ni Dimple sa mga kwarto namin. Pagkapasok na pagkapasok ko ay nagpunta ako sa aking banyo para magsipilyo at maghilamos.
Hayss, nakakapagod naman ng araw na ito.
Napatingin ako sa bag ko at nakita ang keychain na binili ko. Nanlaki ang mga mata ko sa aking natuklasan.
Nakalimutan kong ibigay kay Bunny yung keychain siguro bukas na.
Nagpunta ako ng balkonahe ng kwarto ko. Tumingala ako para makita ang mga bituwing nagniningning sa walang hanggang kalangitan.
Ang ganda!
Isang paglalarawan sa mga nagkalat na palamuti sa kalangitan. Napatingin ako sa bahay na nakaharap saakin.... ang bahay nila Asher.
Nakatingin lang ako sa balkonahe ng bahay na ito kung saan ang kwarto niya..
Sana walang magbago sa atin...
Sana ay buksan mo ng mabuti ang mga mata mo para makita mong nandito lang ako para sayo...
Sana wag kanang maghanap pa ng iba na mag-aalaga sayo sa pagtanda mo...
Kasi... nandito lang ako lagi bilang bestfriend mo... kapatid mo... at ang taong nagmamahal sayo...
BINABASA MO ANG
Almost Lovers
FanfictionThis is a fan fiction of Eunkook. If you don't like my story or the characters, please leave, simple as that. I'm not forcing you to read this... Kaibigan... Ito ang turing mo sa kanila... Maaasahan, Masasandalan o Takbuhan, Maraming pwedeng ilarawa...