CJ's POV
Gabi na at wala parin si Dimple. Saan kaya nagpupupunta ang isang yun? Nandito ako ngayon sa sala at hinihintay si Dimple. Hayss... Nakakainip!
Pumunta muna ako ng kusina para kumuha ng makakain. Nakakagutom kaya ang paghihintay! Kumuha lang ako ng piatos at isang bottled water at bumalik na sa sala. Sakto namang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Dimple.
“Oh! Ngayon ka lang?! Kanina pa kita hinihintay ha!” Sabi ko at naupo sa sofa. Napansin kong sobrang ganda ng awra niya at Hindi na siya nakauniform .Ano kaya ang nangyari?
“Marsh!!!! KAMI NA NI CAD!!” Nagulat man sa sigaw niya, pero mas nagulat ako sa narinig ko. S-sila na ni CAD?!?
“H-how?” Hindi ako makapaniwala.!
Lumapit siya saakin at sinabi Simula hanggang dulo, kompleto. “Jinjja?! Mala, Pelikula pala yung pagko-compest niyo sa isa't isa eh! Hmp! SS na lang sa inyo.” Malungkot kong tugon.
“Don't worry, someday there will be someone who will love you as much as you do...” Sabi niya saakin. Ngumiti na lang ako.
“Kumain kana ba? Meron pang ulam Kong gusto mong kumain?!” Tanong ko sa kanya.
“Hindi na, Gabi na rin kasi eh.” Sabi niya.
“Sige una na ako sayo. Goodnight!” Sabi ko at nauna ng umakyat.
Hayss, buti pa si Dimple, yung taong mahal niya mahal din siya. Ako kaya, kailan ako mamahalin ng taong mahal ko? Ay, Hindi na pala dahil may mahal na siyang iba. At ako? Ako ang hamak na best friend niya.
“Marsh! Gising na malalate na tayo!!” Automatic na napaupo ako sa pagkakahiga.
“Dalian mo na jan! Baka, ma-detention pa tayo!” Hysterical na tugon ulit ni Dimple at nagmamadaling lumabas ng kwarto.
Kaya dali-dali akong nagtungo sa banyo. Naman eh! Bakit ba nakalimutan kong i-alarm yung orasan ko! Yan tuloy malalate pa ako! Ay mean kami.
Pagkatapos Kong maligo ay sinuot ko na ang uniform at kinuha ang mga gamit ko ng walang suklay-suklay. Mamaya na sa kotse.
Pagbaba ko ay nakita ko na din si Dimple na tumatakbo papalabas ng bahay. Huta! Nakakastress!
“Manong! Dali! Pasok na sa loob! Late na po kami!!!” Sigaw ni Dimple.
Dali-dali naman siyang pumasok sa loob at pinaandar and kotse. Habang patungo kami sa school ay nagsuklay na ako at nagpulbo. Mukha along haggard.
“Ma'am nandito na po tayo.” Sabi ni Manong.
“Sige manong ingat sa pagmamaneho!” Sabi ko at hinatak na si Dimple. Wala ng studyanteng nagkalat sa daan at kanina pa nagsimula and klase. 15 minutes late gosh! Kahit naman anak ako ng may-ari ng school ay dapat kumilos ako sa naaayon.
Pagdating namin sa room ay rinig ko na si Ma'am na nagtuturo. Paktay!
“Oh M G! Yare na talaga tayo!” Nailing na tugon ni Dimple.
Huminga muna ako bago kumatok. Pagbukas ng pinto ay sumalubong ang teacher namin.
“Good morning miss, sorry we're late...” Banggit ko.
“You may now go inside, next time don't be late again... ” Sabi ni ma'am at naupo ako sa upuan ko. Lumingon ako sa likuran at nakita ko sila Asher at Ali na naghaharutan.
Tsk, paaralan ito at hindi club, ang lalandi!
“Mr. Mirren and Ms. Chou,
Stop the unnecessary things, we are in school to study not to learn to flirt..” Sabi ng guro namin at tumingin ng masama kila Asher.“Sorry ma'am..” Nahihiya nilang tugon at umayos ng upo. Napailing na lang ako. Mga malalandi😏
N/A: Yow!!! Sorry sa napakatagal na UD katatapos lang kasi ng test namin eh, hope you like it!~
BINABASA MO ANG
Almost Lovers
FanfictionThis is a fan fiction of Eunkook. If you don't like my story or the characters, please leave, simple as that. I'm not forcing you to read this... Kaibigan... Ito ang turing mo sa kanila... Maaasahan, Masasandalan o Takbuhan, Maraming pwedeng ilarawa...