CJ's POV
Monday na ngayon at nandito na ako sa school. Hindi ko kasabay si Dimple ngayon dahil may gagawin pa daw siya. Si Bunny naman ay maagang umalis sabi ng kasambahay nila.
Kanina ko pa nakikita na ang daming naeexcite at yung iba naman ay malungkot. Bakit? Ano bang meron?
Lumapit ako sa isang studyante na malapit saakin. “Excuse me, ano pong meron at nagkakagulo ang mga studyante?” Tanong ko.
“Ah... Kasi may surprise po kasi si Asher eh, doon sa transferee..” Sabi niya.
So, ngayon na yun? Bakit ang aga naman ata? Kakikilala niya lang sa babaeng yun liligawan niya na? How pathetic.
“Ah, okay salamat!” Nakangiti kong sabi sa kanya. Ayaw ko namang maging rude eh. Nang makalayo ako ng kaunti sa kanila ay may binulong siya..
“Dapat si Cazel na lang yun eh!”
Napangiti naman ako sa narinig ko. Kung hindi ako nagkakamali, yung mga malulungkot dito ay kalahati CazTon shipper daw (si dimple kasi eh) yung iba fan ni Asher...
Naglakad na lang ako papuntang classroom... May nakakasalubong ako na nagsisitakbuhan. Kung hindi ulit ako nagkakamali sa classroom namin yun. Tumakbo na rin ako dahil sa kuryosidad.
Nang makapasok ako sa classroom ay naabutan ko ang mga kaklase kong manghang-mangha sa classroom namin...
May mga nakadikit na baloons sa dingding tapos yung mga upuan ay nasa gilid. At may lima akong mga kaklase na may hawak ng illustration board. May nagiisang upuan na nakalagay sa gitna, sa gilid nito ay isang gitara... Ang masasabi ko lang ay maganda, napakacreative. Kaso masakit..
Bakit ang aga yata? Parang kakikilala lang nila ay close na agad sila tapos ligawan stage na agad? Bakit ganun? Eto na ba ang kinatatakutan ko? Na sa oras na may magpatibok ng puso ni Asher ay iiwan niya na lang ako basta-basta? Na mawawalan siya ng time para saakin? Kasi may bago na siyang bagong proyalidad? Paano na ako? Paano ako bilang bestfriend niya manlang?
“Andyan na si Alisia at Asher!!” Napatingin naman ako sa dalawang tao na naglalakad. Nakablind fold si Ali tapos inaalalayan siya ni Asher. Makikita mo talaga na masayang masaya si Asher ngayon... Bakit ko pa sisirain diba? Isa lang naman akong bestfriend para sa kanya...
Pagkapasok nila sa classroom ay inalis na ni Bunny ang blind fold ni Ali. Itinaas naman ng limang studyante ang hawak nilang mga illustration na may mga nakasulat na mga katagang...
Can i court you ?
Nakita ko naman si Ali na ngumiti. Pumunta si Bunny sa upuan sa gitna at kinuha ang gitara..
“Al, this is for you...” Sabi niya sabay strum ng gitara...
Diskarte by Daniel Padilla
Simpleng tao lang na nagmamahal sayo....
Di ako katulad ng ibang manliligaw mo...
Pasikat sa porma,
Sa Ipad o sa hightech na cellphone..
Hindi man ako nagsusuot ng mamahaling relo...
Pero sayong-sayo ang oras ko...
“Oh! Caz anong— Ohhh....” Sabi ng kadadating lang na sila Bianca at Dimple...
Gagawin ko ang lahat para makapiling ka...
Kapag kasama kita, di mapigilan ang saya...
You know it feels so good kapag nagmamahal sayo..
Pag-ibig ang diskarte sa puso mo...
“Caz...” Sabi nila. Ayaw kong lumingon sa kanila kasi paglumingon ako doon babagsak ang kanina ko pangpinipigilang luha...
Hanggang sa matapos ang kanta. Tumayo si Bunny tapos may nilabas na kulay pulang rosas at binigay ito kay Ali. “Ali? Can i court you?” Tanong ni Bunny.
Tumakbo na ako palabas ng classroom.. Narinig ko pang tinawag ako nila Bianca pero hindi ko na lang pinansin. Narinig ko pa ang sagot ni Ali.
“Yes!”
Umupo ako sa isang bench dito sa field. Nilagay ko ang mga kamay ko sa mukha ko at nagsimula nang umiyak...
“Hindi dapat sinasayang ng isang babaeng katulad mo ang mga luha niya sa taong hindi kadapat dapat para sa kanya.” Sabi ng isang boses lalaki siya...
Itinaas ko ang ulo ko para makita siya...
†—†—†—†—†—†—†—†
Sino kaya yun? Abangan next Update!!
Happy 106 reads!!! Sana suportahan niyo pa po itong first story ko.
——————————
Sino kaya yun? Abangan sa next Update!!
BINABASA MO ANG
Almost Lovers
FanfictionThis is a fan fiction of Eunkook. If you don't like my story or the characters, please leave, simple as that. I'm not forcing you to read this... Kaibigan... Ito ang turing mo sa kanila... Maaasahan, Masasandalan o Takbuhan, Maraming pwedeng ilarawa...