↑↑Cliana Mirren↑↑
CJ's POV
“Hindi dapat sinasayang ng isang babaeng katulad mo ang luha niya sa taong hindi kadapat dapat para sa kanya...” sabi ng isang boses. Lalaki siya...
Itinaas ko ang ulo ko para makita ko siya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siya... napalitan ang lungkot na naramdaman ko ng saya...
“Jn? JN!!!” Sigaw ko. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. “A-a-aray! CJ hin-di a-ko makahi-nga!” Sabi niya kaya bumitaw ako.
James Nathan Sebastian. Kaibigan namin ni Bunny noong grade 6 kami. Pumunta kasi siya ng Korea para doon ituloy ang pag aaral niya.
“JN! Musta na? Dito ka na ba mag-aaral?” Sunod sunod kong tanong.
“Eto okay lang naman. Oo, dito na ako mag-aaral dahil nandito ang mga magulang ko. May problema kasi sa isang business nila dito eh...” Sabi niya. Ah! Kaya naman pala...
“Maiba tayo bakit ka umiiyak? Tungkol ba ito kay Asher?” Sabi niya. Yeah, alam niyang may gusto ako kay bunny simula grade school palang kami. Tumango lang ako.
“Bakit naman? Hulaan ko, may nililigawan na siya.. hindi ba?” Sabi pa niya. Tumango rin ako. Ito nanaman tong mga luhang toh!
“Hayss, wag na nga lang natin pag-usapan yan. Anong oras na oh? Nga pala ano section mo?” Tanong ko. Sinukbit ko ulit ang bag ko bago lumingon ulit sa kanya.
“4A ako.” Sabi niya. “Parehas tayo, tara na baka malate pa tayo.” Sabi ko sabay hila ng kamay niya.
Pagpasok namin sa classroom ay maayos na ito ulit. Habang naglalakad kami ay nakatingin ang mga kaklase namin sa amin. Bakit? Anong problema?
Nakita ko naman si Bunny na katabi ni Ali. So, doon na siya uupo? Edi doon na siya pake alam ko?! Hmp!
Napatingin din siya saamin ni JN tapos bumaba sa.... wait! Tinignan ko ang tinitignan niya. Yung kamay nga pala namin ni JN.. tinignan ko lang si bunny ng walang reaction. Tumaas ang kilay niya at tumingin saakin. Bakla ba toh?
Hindi ko na lang yun pinansin at hinatak si JN sa upuan DATI ni Bunny..
“Caz, who's this guy?” Sabay na sabi ni Dimple at Bianca. Oo nga pala hindi pa kilala ni Bianca si JN. Eto naman si Dimple ay baka nakalimutan lang..
“Si James Nathan Sebastian nga pala. JN si Bianca at Dimple.” Pagpapakilala ko. “James ikaw ba yan? Oh my! Laki ng pinagbago mo ah!” Sabi ni Dimple. Ngumiti lang si JN kay Dimple. Napansin naman ito ni Cad kaya na palingon siya sa gawi namin.
Tumayo siya at naki-manly hug siya rito. “James? Bro! Musta na?” Sabi niya. “Okay naman, kayo? Kayo ni Dimple? Ano pre nan—” Tinakpan agad ni Cad ang bibig ni JN. May alam ba tong mokong na toh na hindi namin alam?
“Excuse me? Ano yung sinasabi mo?” Tanong ni Dimple. “W-wala!” Sabi ni JN.
Nagsimula ang klase hanggang sa nagbell. Breaktime na!!
Lumapit ako kay Bunny pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko. “Bunny, tara na sa Cafeteria.” Sabi ko sabay hatak sa kanya. Pero ang ikinagulat ko ay yung tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kanya.
“Sorry Bunny, sabay kami ni Al eh.” Sabi niya. “P-pero—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may umakbay saakin. Iniangat ko ang tingin ko at nalaman kong si JN pala. “Tara na CJ?” Tanong niya saakin pero nakatingin kay Bunny. Tumango lang ako.
So, ganun na lang yun? Porket may nililigawan na siya kakalimutan niya na ako? Kala ko ba walang iwanan. Kung sino pa ang nagsabi siya pa ang gagawa...
“Hayaan mo muna siya CJ..” Sabi ni JN saakin. Tumango lang ulit ako.
Nakarating na kami sa Cafeteria ng hindi ko namamalayan. “Dahil wala si Asher, Ako muna ang oorder ng sayo CJ. Ano order mo?” Tanong niya saakin. “Siya lang? Paano kami?” Tanong ni Dimple.
“Kumuha ka ng sayo, tignan mo si Bianca nandoon na!” Natatawang sabi ni JN. “Tss, fine...” Maarteng sabi nito at naglakad na papunta sa counter.
Lumingon ako kay JN na naghihintay ang order ko. “Caramel cake, Lasagna, Leche fan at Sprite.” Sabi ko. Tumango lang siya at nagpunta na doon.
Nilibot ko ang aking paningin sa buong Cafeteria at natanaw ng aking mga mata di kalayuan saaking inuupuan ang pwesto nila Bunny. Kitang kita ko ang mga ngiti niya mula dito. Masaya na siya. Guguluhin ko pa ba? Sabi nga ni Dimple 'Sa buhay walang bagay na sigurado, bawat segundo pwedeng magbago' at ang bagay na yun, ay nagsisimula na.....
BINABASA MO ANG
Almost Lovers
FanfictionThis is a fan fiction of Eunkook. If you don't like my story or the characters, please leave, simple as that. I'm not forcing you to read this... Kaibigan... Ito ang turing mo sa kanila... Maaasahan, Masasandalan o Takbuhan, Maraming pwedeng ilarawa...