Chapter 19

94 11 5
                                    

CJ's POV

Naglalakad ako ngayon papuntang cafeteria kasama ang mga kaco-members ko. Nagtext saakin si Dimple na doon na kami magkita-kita.

Pagdating namin doon ay konti palang ang mga tao, siguro ay kumain nalang sila sa club room nila, o kaya naman ay may meeting pa.

Cazel, dito na lang kami. See you tomorrow!” Sabi ni Ate Neomi. Ngumiti ako sa kanila. “Sige babye! Ingat.” Saad ko. Kumaway naman sila Sethia saakin.

Naglakad ako papunta sa table namin. Nakita ko roon sila Bianca, Dimple, JN, Cad, Bunny at Ali. Napawi ang ngiti ko nang mapagtantong sinali ni Bunny sila Ali at Berlin sa barkada.

“Caz, dito! Sa tabi ni James..” Sigaw ni Dimple. Si Bianca naman ay tahimik na kumakain habang si Cad naman ay nagse-cellphone.

Pumunta ako sa tabi ni JN. “Hi, musta try-out?” Tanong ko. Si Cad at Bunny ay kasama sa Basketball team kaya wala silang sinalihang club. Si JN naman ay nagtry-out palang remember transferee siya.

“Okay naman nakapasok..” Sabi niya at ngumiti. Ngumiti rin ako. Buti naman kung ganun.” Sabi ko.

Ito oh, inorder na kita yan naman lagi mong inoorder eh.” Sabi niya sabay lapit ng tray na naglalaman ng, leche fan, chocolate cake, lasagna, french fries at pineapple juice.

Napatingin ako sa kanya at ngumiti. Tumingin ulit ako sa tray na binigay niya. Wala na nga siguro ako para sa kanya. Kasi noon siya ang kumukuha ng order ko eh. Wag nang magpakatanga Cazel, may bago na siyang pinagkakaabalahan at hindi ikaw yun.

Kumain nalang ako nang tahimik. Tahimik lang naman sila eh except sa dalawang naglalambingan. At malas ako, sa harapan ko pa.

Napatingin ako sa kanila. Nagtatawanan sila. Biglang pinunasan ni Ali si Bunny ng Strawberry cake sa mukha kaya ginaya ito ni Bunny at yun na nga nagharutan na..

Nasasaktan ka na nga, tinitignan mo pa..” Nanindig ang balahibo ko ng may biglang bumulong sa tenga ko. Kaya napatingin ako— wrong move! Paglingon ko ay nakita ko ang mukha ni JN na malapit sa mukha ko at isang galaw na lang pwede nang maglapat ang aming mga labi. Haysh! Ano bang pinagsasasabi ko.

“Ho-Ho-Hoy! Ano yan ha? Kayo ha wala kayong sinasabi saamin. Lately, lagi na kayong magkasama. Ano bang meron?!” Sigaw ni Cad kaya napalingon kaming dalawa sa kanya. Bigla namang nag-init ang mukha ko ng makita kong nakatingin sila saamin kaya yumuko ako. Gosh! Nakakahiya >////<

May narinig akong tumawa ng mahina kaya napalingon ako kay JN. Mas lalong pumula mukha ko ng mapagtantong ako ang pinagtatawanan niya. Base sa gesture na ginawa niya. Kaya hinampas ko siya sa braso.

“Ang sweet niyong dalawa, rdjcornakowkcnrnxfrjccjfo.” Sabi ni Bianca. Hindi ko na narinig ang huling sinabi niya dahil binulong niya lang ito.

Shh... kalang baka makahalata sgnedkrkckddjdnr.” Sabi naman ni Dimple at binulong rin ang hulihan. Napakunot ang noo ko. Ano ba yun?

Pagkatapos naming kumain ay nagpunta na kami sa parking lot.

Ahh.. guys, una na ako. Ingat!” Sabi ni Cad at nagpunta na sa kotse.

Ahh.. Caz, hindi ako sasabay sa inyo ng Bunny mo umuwi dahil may bibilhin kami ni Ian co-member ko.  Para sa booth namin. Ingat na lang kayo bye! Tara na Bianca.” Sabi ni Dimple sabay hila kay Bianca.

“Sige ingat kayo ha?” Sigaw ko. Nakita ko naman siyang nagthumbs up.

Bubuksan ko na sana ang pinti ng kotse ni Bunny nang magsalita siya. Ahm.. bunny may pupuntahan pa kami ni Al eh, hindi kita maihahatid sa inyo. Sorry...” Sabi niya.

Wala na talaga, ni magbonding manlang kami kahit sa kotse lang wala na rin. Siguro nga tama sila may panahon ding makakalimutan kana ng taong naging bahagi ng buhay mo kapag nakahanap na sila nang makakasama na mas matimbang pa sa pinagsamahan niyo.

Ga-ganun ba? Si-sige i-ingat ka-yo ha?” Sabi ko sa kanila.

CJ, saakin ka nalang sumabay, ihahatid na kita.” Sabi ni JN. Katabi lang kasi ng kotse ni Bunny ang kotse ni JN.

Tumango lang ako at ngumiti. Umikot ako para pumunta sa passager seat. Pagpasok ko ay inis-start na ni JN ang kotse.

Tahimik lang kami habang bumabyahe. “Okay ka lang ba?” Pagbabasag niya sa katahimikan.

Ngumiti ako sa kanya, at tumango. “Wag mong ipakitang masaya ka kahit nasasaktan kana. Ang taong nagkukunwaring hindi apektado, paniguradong nasasaktan ng todo..” Nanlabo ang mga mata ko. Ito nanaman ako eh..

Iniliko ni JN ang sasakyan at pinahinto ito. Bigla niya akong niyakap. “Kung ako ang nasa lagay niya, yung taong hinahanap kong makakasama sa buhay ay nandyan lang at umiiyak sa katangahan ko.” Sabi niya. Yumakap din ako sa kanya.

Thank you JN... for always beside me when i'm feeling down...

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Sabaw! Next Chapter will be the first Special Chapter. Hulaan niyo kung sino.

Silent Readers, paramdam naman kayo!

Btw, Almost Lovers is #983 in Teen Fiction!! (=^_^=) 

Kamsahamnida<3

~•~Lovelots~•~

Almost LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon