Chapter 11

100 7 1
                                    

CJ's POV

Ahh... Ma'am? Here's your order po. Thank you for coming...” Nabalik ako sa realidad ng mag-salita yung kumuha ng order ko. Tumango lang ako, Tapos binigay ko na ang bayad ko.

Pagdating ko sa table namin ay naabutan ko silang nagtatawanan. “Oh, saya natin ah? Ano pinag-uusapan niyo?” Tanong ko ng makaupo na ako.

Wala lang naman, nagkikilanlan lang naman kami ni Kai. Alam mo bang may gusto toh kay Cad?” Tanong niya. Oo, masyado naman kasing halata eh.” Sabi ko.

Masyado bang halata?” Hindi makapaniwalang tugon ni Dimple. Natawa nalang kami sa reaksyon niya.

Hayss, tara na nga! Saan next stop natin?” Tanong ko. Uminom muna ako ng inorder ko bago ko ulit ibaling ang tingin ko sa kanila.

“Shopping tayo!” Sigaw nila kaya napatingin ang mga tao saamin. Nilingon ko naman ang mga tao at tinignan kung nandito pa ba sila Bunny. Nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi ko na sila nakita.

Lalim nun ah? May problema ba Caz?” Nag-aalalang tanong saakin ni Dimple. Umiling ako. Wala noh! Nuba kayo! Tara na nga!” Sabi ko't nauna nang maglakad palabas ng Starbucks. Liningon ko naman sila at nakita kong nagkatinginan sila sabay kibit balikat.

Pumunta kami sa bilihan ng mga casual na damit. Nilibot namin yon at pumili ng mga gusto namin hindi naman ako mahilig magshopping kaya ang binili ko lang ay dalawang blouse, tatlong t-shirt, at isang pantalon.

Pagkabigay ko ng credit card ko ay inasikaso na ng sales lady ang mga pinamili ko. Nung binigay na ito saakin ay nilapitan ko na sila Dimple at Bianca na nakaupo sa isang sofa na malapit sa counter.

“Tara na?” Tumango lang sila, sabay-sabay kaming lumabas ng shop na yun at dumeretso sa bilihan ng mga furniture at design para sa mga dingding, pader sa bahay.

Pumunta ako sa bed sheet section. Habang namimili ako ay nakita ko nanaman si Bunny at Ali na nasa bilihan ng mga design. Ano naman kaya ang dahilan at bakit sila nandito? Pinaglalaruan ata ako ni tadhana ah?

Hindi na ako nakatiis at naglakad na ako papunta sa kanila. “Oh? Bunny, nandito ka pala. Galing ako sa bahay niyo sabi naman ng isa sa mga maid niyo ay umalis ka daw. Oh, kasama mo pala si Ali. Hello Ali!” Sabi ko. Pagtingin ko kay Ali ay nakatingin siya saakin ng masama. Anong ginawa ko sa isang toh? Wala naman diba? Pero bakit ganyan inaasta niya? Kaloka toh ah!

“Bunny! Nandito ka rin pala. Sino kasama mo? Ah oo, kasi nagpasama siya saakin eh. Bibili daw siya ng mga new designs para sa kwarto niya.” Tanong ni Bunny.

“Sila Bianca at Dimple ang kasama ko. So, nagdadate kayo? Nice naman. Dumadamoves kana pala ngayon bunny ha?” Nakangiti kong sabi sa kanya pero deep inside malungkot ako. Pakiramdam ko kasi si Ali ang dahilan para mapalayo saakin si Bunny at mawalan ng oras saakin.

“Huh? Ah... eh... H-hindi naman...” Nahihiyang sabi nito. Nakita ko ring namula ang mga tenga niya.

“Ah.. Ash? Tara hanap na tayo ng iba ang papanet ng design dito eh. Dun tayo sa iba. Nice to see you here Cazel.” Sabi ni Ali ng nakangiti pero mahahalata mo na naiinis siya dahil nandito ako. Wala naman akong ginawang mali pero bakit siya ganyan?

“Sige Bunny kita na lang tayo mamaya ha? Mag-ingat ka sa pag-uwi.” Sabi niya sabay halik sa noo ko. Nakita ko naman si Ali na masama ang tingin saakin. Napalitan lang ng malambing nangiti ito ng tumingin si Bunny sa kanya.

“Sige ingat ka ha? Baka matuklaw ka ng ahas na yan...” Binulong ko na lang ang huli kong sinabi mahirap na baka makagawa pa kami ng eksena dito.

Pumunta ulit ako sa bed sheet section at nakita ko ang color baby pink na bed sheet kaya kinuha ko ito. Pumunta ako sa wallpaper section. Nabaling ang tingin ko sa isang wallpaper na nakalagay sa dulo. Nilapitan ko ito. Wow! Ilalagay ko toh sa dingding ng kwarto ko. Alam niyo kung anong design? Galaxy. Glow in the dark din siya. Kinuha ko to at nilagay sa cart na dala dala ko.

Habang naglalakad ako ay may nakita akong mga letter siya na may ilaw, may switch din ito sa gilid. Nilapitan ko ito. Kumuha ako ng limang letters. Bunny...

Naisipan ko kasing ayusin na ang kwarto ko. Matagal-tagal narin kasi nung magdecorate ako doon eh. Siguro nung 12 years old palang ako. Pain white lang kasi yung room ko. Walang nakadikit sa dingding. Simple lang. Gusto ko rin na lagyan ng design pero simple lang.

Pagkatapos kong bumili tinext ko si Bianca. Tinanong ko kung nasaan na sila. Sabi niya nasa counter na sila kaya pumunta na ako....



Nandito na kami sa bahay pagkatapos naming mamili. 1:28 pm na at hindi pa kami kumakain ni Dimple. Sakto naman at nagluto si manang kanina kaya kumain na kami. Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na ako sa kwarto ko. Ngayon ko aayusin ito. Nilagay ko lahat ng pinamili ko sa gilid at nag simula na....

———————————————

Super lame nang update... Yaan niyo bawi na lang ako next ud.

Dinedeticate ko toh sa new friend ko EunkookTaerinYumin!!

Almost LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon