CJ's POV
“Ma, pwede po ba kaming lumabas ni Bunny ngayon?” Napatingin kami kay bunny nang magsalita siya.
“Oo naman! Basta mag-iingat ha?” Sabi ni Tita ng nakangiti. Tumango lang siya sabay hila saakin.
“W-wait lang! T-tita thanks sa brownies!!” Sigaw ko. Kumaway lang si tita.
Pagkalabas namin ay agad akong kumawala sa hawak niya sa kamay ko. “Why you drag me? Where we going?” Tanong ko sa kanya.
“At the park, Where we met each other...” Sabi niya ng nakangiti. Nginitian ko din siya pabalik.
Naglakad na kami sa park kung saan kami nagkita noon. Malapit lang naman ito saamin kaya hindi na namin kailangan magkotse. Nang makarating kami doon ay umupo kami sa mga ugat ng puno na nakaukit ang aming mga pangalan.
Cazel <3 Asher
Katahimikan. Yan ang namayani saamin ng ilang minuto. Magsasalita na sana ako ng inunahan niya ako. “Bunny? May sasabihin sana ako sayo...” Bigla naman akong kinabahan... hindi ko alam pero iba ang kutob ko sa sasabihin niya...
“A-ano yun?” Nauutal kong tanong... Siguro—No! It can't be....
“Plano kong ligawan si Ali. Pwede mo ba akong tulungan?” Naeexcite niyang sabi saakin.
Pagkaguho. Gumuho na ang mundong ginagalawan ko ngayon. Bakit siya? Bakit siya pa? Ako na matagal niya nang kilala... Bakit siya?? May mali ba sa pagkatao ko? May kulang? Ano ang meron si Ali na wala ako? Ano ang kaya niyang gawin na wala ako? Bakit siya?
Yan. Yan ang gumugulo ngayon sa isip ko. Naiiyak na ko pero pinigilan ko na lang. Ayokong magpakamartir... Ayoko..
“H-hindi ba m-mas maganda k-kung sarili m-mong pagsisikap? P-para malaman n-niyang seryoso k-ka talaga s-sa kanya?” Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang mga nagbabadyang luha na pwedeng pumatak kahit ilang oras mula ngayon..
“Oo nga noh.. Pero kailangan ko nang konting tips..” Sabi niya. Umiling ako. “W-wala akong a-alam sa pangli-ligaw eh, Si C-cad na lang kaya...” Sabi ko. Ayaw kong masaktan ng talikuran, mas lalong ayaw kong masaktan ng harapan...
“Oo nga pala, yung lalaking yun ang mas expert! Salamat Bunny! Suportahan mo ko ha?” Sabi niya. Tumango lang ako kahit ayaw ko talaga. Sino naman kasing makakatanggi kong ang bestfriend mo na mahal mo higit pa dun ay suporta manlang kahit masakit na...
“Ge, uwi na tayo. 11:23 na baka hinihintay na ako ni manang elise eh..” Sabi ko at nauna ng maglakad. Liningon ko siya pero dapat hindi na lang pala... magkasama nanaman sila ni Ali dito sa park kung saan kami nagkakilala. Tss... walang originality!
Pagkabukas ko ng pinto nang bahay namin ay naabutan ko si Dimple na nanunuod ng tv show sa tv habang kumakain ng popcorn..
“Oh! Caz saan ka galing?” Tanong saakin ni Dimple.
“Kila Bunny...” Cold kong sabi. Nabitawan niya yung popcorn na kinakain niya.
“Why so cold Caz? Is everything okay?” Nag-aalalang tanong ni Dimple sa akin. Umupo ako sa tabi niya bago nagsalita. “Yeah! Okay! Very Okay!” *note the sarcastism*
Biglang tumulo ang kanina ko pang pinipigilang luha. Hindi ko na kaya, kaya napahagulgol na ako. Niyakap na lang ako ni Dimple.
“Shhss.... tahan na.” Sabi ni Dimple. Niyakap na rin niya ako. “Wala naman magbabago diba? Kahit ligawan pa niya o kaya maging girlfriend si Ali, walang magbabago diba?” Nahihirapan kong sabi sa kanya.
“Sa buhay walang bagay na sigurado, dahil bawat segundo pwedeng magbago...” Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya...
BINABASA MO ANG
Almost Lovers
FanfictionThis is a fan fiction of Eunkook. If you don't like my story or the characters, please leave, simple as that. I'm not forcing you to read this... Kaibigan... Ito ang turing mo sa kanila... Maaasahan, Masasandalan o Takbuhan, Maraming pwedeng ilarawa...