Chapter 8

86 8 0
                                    

↑↑Alisia and Berlin↑↑

BIANCA'S POV

Pagkabukas na pagkabukas ni Caz ng pinto ay bumungad na kaagad saakin ang isang maliit na sala at sa gilid naman ay kusina, tapos may 4 na pinto sa loob. Gosh! Ang ganda!! Para na siyang pangmayaman na hotel...

“Dali pasok kayo!” Sabi ni Cazel sabay lapag ng susi sa table.

“Wow! Ang ganda dito! Dito ba kayo tumatambay kapag walang klase?” Tanong ko.

Naku, minsan lang pag may time.” Sabi ni Kai.

“May 2 kwarto dito. Tapos eto yung CR.” Turo ni Caz sa pintuan na magkakasunod lang. Naglakad si Caz papunta sa isang pinto na hiwalay sa tatlo.

Eto naman yung garden.” Pagtutuloy ni Caz. Binuksan niya ito at bumungad saakin ang isang hardin na hindi kalakihan pero puno ng mga bulaklak. Meron ding isang puno sa dulo.

Ang ganda!!!

Pinic tayo!! Caz nandyan pa ba yung picnic blanket?” Tanong ni Kai.

Oo nandito pa. Nandyan sa kabinet malapit sa kusina.” Sabi ni Caz.

Pumasok ulit kami sa loob. Si Caz pumunta sa isa sa mga kwarto. Ako naman pumunta ng kusina para kumuha ng pagkain. Binuksan ko ang ref...
(0o0) ang daming pagkain.

“Wow! Ang dami ng pagkain dito.” Sabi ko sabay kuha ng leche fan na bagong gawa, at tatlong softdrinks.

Pumupunta rin kasi dito minsan si Ms. Kim. tinext niya ako kagabi na merong leche fan siyang ilalagay dito.” Sabi ng kalalabas lang ng kwarto na si Caz. May dala siyang sampung pocket book.

“Caz, may stock ka ba dito ng mga chichiriya?” Tanong ko.

Meron, nasa itaas ng ref.” Sabi niya. Tinignan ko naman. Marami ring chichiriya ang nandito. Kumuha ako ng isang malaking nova at tempura. Nagpunta ako sa garden. Nakita kong nakalatag na ang picnic blanket kaya nilapag ko doon lahat ng dala ko.

“Bianca, nasaan si Dimple?” Tanong ng kararating lang na si Caz.

“Hindi ko alam.” Sabi ko.

“Nandito na ako.” Sabi ni Kai. Napatingin naman ako sa kanya. May dala dala siyang apple tablet.

“San galing yan? Sayo ba yan?” Tanong ko.

“Sa kwarto ko. Akin to noh! Movie Marathon tayo!” Sabi niya sabay takbo pa puntang picnic blanket. Malaki ito kaya kasya ang anim na tao dito.

“Ano naman panonoodin natin?” Sabay na sabi namin ni Caz. Lumapit kami sa kanya tapos umupo. Sakto naman at hindi maaraw ngayon kaya hindi kami maaarawan.

“Ano nga ba?! Eh puro korean novela ang mga ito eh.” Sabi niya habang kinakalikot ang hawak niyang tablet.

“May USB ako eh, horror yung mga movie doon. Sa laptop na lang tayo manood.” Sabi ko. Napalingon naman sila saakin.

“May dala ka?!/Nasaan?!” Sabay na sabi nila.

Tumayo ako't pumasok sa loob para kunin sa bag ko ang laptop at USB ko. Pagkakuha ko ay bumalik agad ako.

Ito oh! Ang mga movies dito ay insidious part 1-3, annabelle, conjuring, at bloody crayons.” Sabi ko. Hindi naman sila nakakatakot, nakakagulat lang..(base sa karanasan ni otor.)

“Annabelle na lang!” Sabi ni Caz. Nilapag ko ang laptop tapos sinaksak yung USB.....

Nakakatawa silang dalawa, nagdala pa ng mga unan. Haahahaha....









Kyahhh!!!/ Oh shoot!!!/ Kyahhh!! Run!! Run for your life!!” Sabay sabay naming tili.







Pagkatapos naming manuod ay humiga na muna kami. Binigyan ako ni Caz ng isang pocket book kaya napatingin ako sa kanya.

Pampalipas oras...” Sabi niya tapos binigyan din si Kai.

Tinignan ko ang title ng story, hindi siya teen fic. hindi rin romance, mistery/thriller siya. Ang tittle ay Hell University.. (Fan lang po talaga ako ni kuya kib!)

Habang nagbabasa ay kumakain ako ng tempura. Nakakarelax dito! Malamig ang simoy ng hangin.

“Girls, tara na it's 12:09. Kumain na muna tayo.” Sabi ni kai.

Nagtext si Bunny Girls sa cafeteria tayo kumain.” Sabi ni Cazhabang nakatingin sa phone niya. Napag-usapan namin na hindi na lang muna ligpitin dahil babalik pa kami dito. Kinuha na namin ang mga bag namin bago pumuntang cafeteria.

Pagdating namin doon ay umupo na kami sa table namin. Wala pa naman sila Asher kaya nagkwentuhan muna kami....




Almost LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon