Eunha Jung in multimedia!!
Bagay sa kanya ang ganyang kulay nabuhok..
CJ's POV
Habang naghihintay kay Bunny ay nag-uusap usap lang kami ng girls...
“Bunny!!” Sigaw nang isang tinig na kilalang-kilala ko. Napangiti ako ng mapagtanto kung sino ito. Pero, napawi ang ngiting iyon ng makita kung sino ang kasama niya..
“Hello girls, ito nga pala si Alisia Felicity Chou yung transferee sa section natin.” Pagpapakilala niya sa kasama niya.
“H-hi! Ako nga pala si Alisia, Ali nalang.” Sabi niya ng nakangiti. Halatang peke.
“So?” Napatingin kami kay Dimple na hindi na maipinta ang pagmumukha. Napayuko na lang yung Ali.
“Dimple?!” Sabi ni Bunny na mahahalata mo na nagbabanta. Naghand gesture lang si Dimple na para bang sinasabi na 'whatever'.
“Bakit mo siya kasama bunny?” Tanong ko. Iniwasan kong mautal para hindi siya maghinala saakin.
“Niyaya ko siya eh. Saka friends kami.” Nakangiti niyang sabi pero sa ngiting iyon ay lalo akong nanghihina. Iba kasi ang ipinahihiwatig ng ngiting iyon eh. Ngiting inlove....
“Nasaan si Cad? Diba magkasama kayo kanina?” Tanong ni Dimple.
“Kasama yung isang transferee, sino nga ulit yun? Si Berlin, oo si berlin!” Sabi niya.
Napatingin ako sa reaksyon ni Dimple. Wala. Walang lumabas na ekspresyon sa mukha niya. Nawala ang masayahing Dimple na nakilala ko.
“Sige upo kana muna dyan. At oorder na ako.” Sabi ni Bunny habang inaalalayan si Ali.
“Hindi, sasama ako sayo.” Sabi nito. Tumango lang si Bunny bilang pagsang-ayon. “Ano order niyo?”Tanong ni Ali at Bunny. Nagkatinginan sila sabay tawa ng mahina. Tss, para silang sira.
“Kanin w/ chicken, Water, and french fries.” Sabay sabay na sabi naming tatlo. Kung nasa mood lang ako tatawa ako pero hindi eh.
“Oookkaayyy??...” Sabi ni Ali. Naglakad na sila papuntang counter. May nakita ako na dapat ay iniwasan ko nalang... Magkahawak sila ng kamay...
“Okay, lang yan guys. Okay?” Pagche-cheer up saamin ni Bianca.
“I'm not in a good condition today...” Sabi ni Dimple.
“Bilisan na lang natin ang pagkain mamaya para makaalis na tayo agad dito.” Sabi ko sa malamig na tono. Nakita ko namang napalunok ng laway si Bianca.
BINABASA MO ANG
Almost Lovers
FanfictionThis is a fan fiction of Eunkook. If you don't like my story or the characters, please leave, simple as that. I'm not forcing you to read this... Kaibigan... Ito ang turing mo sa kanila... Maaasahan, Masasandalan o Takbuhan, Maraming pwedeng ilarawa...