Chapter 17

96 10 11
                                    

CJ's POV

Tuesday ngayon at half day lang kami dahil sa nalalapit na Club week which is next week na kaya papunta na kami ni Dimple at Bianca sa Club Building. Ang kinuha ko pala ay photography club, si Bianca ay Art Club, At si Dimple naman ay DAS Club (Dancing and Singing Club).

May meeting lahat ng club, pag-uusapan kung ano ang booth na gagawin namin sa Club week. At sa Thursday at Friday ay ang Sports Day.

“Girls, dito na lang ako. Bye kita na lang tayo mamayang lunch!” Sabi ko. Nagpaalam naman sila sa akin.

Humarap ulit ako sa pinto ng photography club, huminga muna ako ng malalim bago ko buksan ang pinto. Bumungad agad saakin ang pader na may linya na parang thread ng notebook at may mga nakasabit na mga pictures. May ilaw din ito sa taas kulay pink. Ang ganda!

Pa rectangle ang kwartong ito. May bookshelf sa gilid nito kung saan malapit sa pinto. Sa kaliwa naman ay may pahabang lamesa na gawa sa kahoy at may mga monobloc chairs sa ilalim nito.

May tatlong babae akong nakita. Yung isa ay nakasandal ang likod sa mesa at nagbabasa ng libro. Mahaba ang kulay brown niyang buhok at may glasses din siya na kagaya ng kay Bianca. Malayo man ako sa kanya ay alam kong maganda siya.

Yung isa naman ay nakadapa sa lapag at naglalaptop. Hanggang balikat niya lang ang buhok niyang kulay black, may make up din siya pero light lang. Maganda rin.

Yung isa naman ay nakaupo sa gitna. Ito ang president namin. May hanggang bewang siya na buhok nakabraided at kulay brown. Maganda din.

“Good morning po...” Sabi ko bago ko isara ang pinto. “Oh! Good morning din sayo Zel.. Guys, siya pala ang bago nating member. Please introduce yourself...” Sabi ng president namin na si Neomi.

Annyeonghasaeyo! My name is Cazel Jhana Muñoz 17, and a 4th year high school student.” Pagpapakilala ko sa sarili. Lumapit naman saakin yung may maikling buhok at nilahad ang kamay niya.  Sophine Ann Castroverde, welcome to our club Zel!!” Sabi niya saakin. Tatanggapin ko na sana ang kamay niya ng yakapin niya ako. Naiilang man ay niyakap ko siya pabalik. Pagkakalas namin ay lumapit naman ang may eye glasses saakin. Sethia Tyhn Velasquez..” Sabi niya ng nakangiti. Ngumiti rin ako sa kanya.

“SORRY I'M LATE!!” Nagulat kami ng may biglang sumigaw kaya napalingon kami sa taong sumigaw.

“My ghad naman William! Aatakin ako sa puso dahil sayo!” Sigaw ni Phine dun sa William daw.

Bakit? May sakit ka ba sa puso?” Inosenteng tanong nito.

“Ay abang—” Hindi na tapos ni Phine ang sasabihin niya ng sumingit si Sethia. “Ops! Wag na kayong magbangayang dalawa, at mauuwi na naman sa sakitan. Cazel, siya pala si William Mendoza. Member din dito.” Sabi niya.

Napatingin naman ako dun sa William 'daw' at nakita kong inaayos niya ang buhok niya. Ngumiti siya saakin. Ehem!! Hi miss beautiful, William nga pala at your service.” Nakangiti niyang sabi habang nakapogi pose at nagtataas baba ang kilay. Natawa naman ako ng mahina. Inilahad ko ang aking kamay sa kanya. Cazel..” Sabi ko. Tinanggap naman niya. Narinig ko pa ang bulong niya. Sh*t! Ang lambot ng kamay niya....” Palihim akong napatawa.

“Tara na at mag-usap tungkol sa gagawin nating booth. Please cooperate, lahat kayo ay magbigay ng suggestion. Okay?” Sabi ni Ate Neomi habang naglalakad papuntang upuan niya. Tumango kami at umupo sa isa sa mga monobloc chair dito.

May kinuha siyang papel na nakafolder at nakalagay sa unahan ay GBU. Ibinigay ito saakin ni Freah which is your vice president ng SSG. List ito ng mga club na meron nang booth. Language Club ay nag-isip ng booth na related sa kanila. The name of there booth is 'State the Country'.” Sabi niya. State the country? Hmm.. related nga siya. At ngayon ko lang narinig.

This school teaching us every language in the world. Like Mandarin,Korean,Japanese etc. Kaya sigurado akong mag-eenjoy talaga sila.

“Next is Drama Club, there booth is not related to there club. The name is 'Cola ring toss'.” Sabi niya.

“Cooking Club. There booth will called 'Blind Eat'.” Pagpapatuloy niya.

“Adventure Club. There booth is 'Pill in puzzle'.”

“Horror Club. 'Try not to Scream'.” Sabi niya at iba pa.

Hmm... ano kayang pwede?













AHA!!!


~•~•~•~•~•~•~

Dedicated to my classmate/friend Neomi_25

Almost LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon