Pagkatapos i-send ni Kai 'yung groufie nila, hindi pa s'ya ulit nag-oonline.
"Ano ba naman 'yan, kung kelan naman kiring-kiri tayo tsaka antagal n'yang magreply," dismayadong pahayag ni Mae.
"Anong tayo? Ikaw lang kaya. Hahaha. Ano bang sabi mo?"
"Sino-sino sa mga tropa mo 'yung gwapong single? Send ka ng mga pics, reto ko sa friends ko. Hahahaha."
"Baliw talaga 'to e. Hahaha."
Habang hinihintay namin 'yung reply ni Kai, binuksan ko muna 'yung facebook ko.
Scroll...
Scroll...
Scroll...
Andami kong nababasang rant mula sa mga fb friends ko tungkol sa pagkakaroon daw ng "My Day" sa messenger. Kesyo ano na naman daw bang pakulo at may ganyan pang nalalaman, ginaya raw 'yung insta, h'wag daw mag-uupdate kasi panget daw at kung ano-ano pa. Mga kabataan talaga daming reklamo pero sa huli tatangkilikim din naman.
At dahil isa akong usisera, na-curious ako sa My Day na 'yan kaya pumunta akong playstore para i-update 'yung messenger ko.
Pagkatapos ng download nung bagong update ay dali-dali kong binuksan 'yung messenger ko.Ayun! May My Day na nga, pwedeng mag-post ng picture o video for 24 hours. Tiningnan ko 'yung preview ng My Day ng mga friends ko. May OOTD, selfie, pagkain, at rant pero nag-My Day. Papansin lang daw ba, ganern. Anyway, kanya-kanyang trip naman 'yan. Hahaha.
Hmm... Masubukan nga.
Syempre anggulo muna ko, wait lang mga bes! Baka mga after wampipti na selfie may mapili na 'kong isa.
After struggling sa pagpili kung alin ba i-popost ko sa dami ng picture ay nakapili na rin ako sawakas!
Add to your day
Sinelect ko 'yung picture na napili ko kani-kanila lang. Pagpindot ko dun sa arrow sa baba, may nakalagay na Add to My Day dun sa taas tapos may check sa gilid. Aba pwede ding i-customize kung sino lang 'yung gusto mong makakakita at i-hide sa mga pinagtataguan mo. Makikita mo rin daw kung sino-sino 'yung makaka-seen.
Post
Ayern!! Nakababa na ako ng bundok!! Hahaha.
"Okay na mga lodi, malinis na. Uwi na tayo!" anunsyo ni Joey habang hawak hawak 'yung plastik ng basura.
"Atat na atat talaga 'tong umuwi, aga aga pa e," sagot ni Gerald habang tutok na tutok sa cellphone n'ya.
"EZ guys. Maya-maya na pahinga ka muna tayo," dagdag pa ni Mae.
"Miss ko na si Mama e," kakamot kamot na sagot n.ya.
"Dinahilan mo pa si Tita ah pag ako tumawag sa inyo at di ka pa nakakauwi. Yari ka!" tugon naman ni Gerald
"May karugtong kasi 'yun! Miss ko na si mama kaya magddota lang ako saglit tapos uwi na. Tara na LOL na tayo, kanina pa tayo hinihintay nila Gabo."
"Edi lumabas din 'yung katotohanan. May nauna na palang nag-Dota proposal sa'yo!"
"Loko. Tara na!"
"Hoy anong dota? Hindi! Uweee." protesta ni Aly.
"Sige na babe, saglit lang. Minsan lang ulit kami magkasama-sama ng tropa. Pleaseeee." 😁😊😚😅
"Oo nga Aly, akong bahala dito kay Ge. Babantayan ko 'to, derecho uwi 'to." singit ni Joey sabay akbay kay Gerald.
"Sige! Pag ako nag-chat sayo tapos di mo nireplyan, humanda ka sakin!"sagot ni Aly habang nakaduro kay Gerald.
"Okay po. Hehe."
Pagkatapos nilang magtalo-talo ay napagdesisyunan na rin naming umuwi na.
~*~*~*~*~*~*~*~*~
Pagkauwi ko ng bahay, inopen ko 'yung messenger ko. Matingnan nga kung may nang-seen ba sa My Day ko. Baka wala ng nakakakilala sakin sa social media, bihira lang kasi ako mag- post.
After two hours, 27 na kaagad 'yung nakaseen. At aba, akalain mo nga naman oh! Kanina lang nag-iisip ako ng paraan para makita ng ex ko 'yung post ko, ngayon nasolusyunan na! Sineen ng gunggong!
Pero paano n'ya na-seen? Pinindot ko name para mapunta ako sa chatbox namin. Ahhh so connected pa rin pala kami sa messenger kahit na hindi na kami friends! 🙊🙊
An evil grin suddenly formed in my face. 😏😏

BINABASA MO ANG
My Day [Short Story (COMPLETED)] 💕
Short StoryThis will appear in Messenger for 24 hours, and you can see who views it.