Kinabukasan
pagkatapos ng exam....Nagmamadali akong lumabas ng classroom kasi gutom na gutom na ako. Nakakagutom kaya mag-exam. Hahahaha. Magpapaalam muna ako sa mga kasamahan ko na mauuna na muna ako.
"Mae mauna na muna ako ah, gutom na gutom na kasi ako e."
Si Mae 'yung isa sa kabarkada ko.
"Ay sige pero after mo punta ka sa library, kasi gagawin natin 'yung project sa Filipino."
"Sige sige punta kaagad ako dun."
Pagdating ko sa cafeteria akalain mo nga namang umatras ata gutom ko. Wala pa akong kinakain umay na umay at sukang suka na ako sa nasisilayan ko. Kundi ba naman kasi napakamalas ko, bubungad sa harap ko 'yung ex ko at 'yung kabayo n'yang kumakain ng damo este 'yung jowa n'ya pala. Sorry guys, tao lang ako nagkakamali. Nalito talaga ko, pasensya na.
Fan siguro 'tong dalawang 'to ng fairytale e. 'Yung ex ko si Prince Charming kahit di naman sya charming tapos 'yung jowa n'ya 'yung kabayong sasakyan n'ya. Match made in heaven! Hyahhhh!! Watch me whip, watch me neigh neigh!!! Wooooh. Break it down, yo!
Tipid na sa pamasahe pauwi, dumagdag pa sa skills n'ya na kaya n'yang magpaamo at magpatakbo ng kabayo. Dagdag rin 'yun sa resume n'ya ah, baka 'yun ika-hire nya.
Eh kung ako nga ba naman 'yung jowa n'ya ililibre na n'ya ko ng pamasahe at pagkain, mapapagod pa s'ya sa byahe pauwi kasi sobrang layo mula sa bahay nila.
Eh kung kay Kabs wala s'yang gastos sa pamasahe kasi basic na basic lang naman sa kabayo n'yang itakbo s'ya pauwi. Libre na rin pagkain kasi damo lang solve solve na si girlfie. Wala rin s'yang oras at pagod na masasayang kasi imbes na s'ya maghahatid, s'ya na ihahatid kasi magkalapit lang 'yung bahay nila tapos mas mauuna pa bahay nila. Hyahhhhh!!! Ibang klase talaga tong ex ko e, wais! Petmalu ka lodi, werpa!
Pero minsan nakakainsulto pa ring isipin na ipinagpalit ka lang sa isang kabayo e. Antanga-tanga nya kasi! Nasa kanya na yung ginto, pinambili lang ng kabayo! Ano ba!
Naaalala ko tuloy 'yung mga panahon na parang pinipiga 'yung puso ko sa tuwing gigising ako sa umaga simula nung iniwan n'ya ko. Magigising na lang ako bigla sa kalaliman ng gabi tapos pangalan nya unang papasok sa isip ko at 'yung mga memories namin. Kataksilan nga naman ng utak, oh, oh. Kahit di mo gustong alalahanin hirap iblock sa isip. Nako ayoko ng balikan 'yung mga ganung pangyayare.
Hindi naman na ako bitter kasi ilang months na rin naman 'yung lumipas mula nung naghiwalay kami. Ansarap lang kasi nilang laitin together. May time lang na naiinis ako tuwing nakikita s'ya tulad ngayon kasi anlaki n'yang paalala sa kabulagan at pagkakamali ko noon.
He's a mess and a total complete opposite of whom I want to be with, yet I still chose to love him of all people! Ika nga nila, "Opposite attracts." Wala e! Nadaan sa effort at ik4w Lh4Ng s4ph4t nu4h!!
Alam mo ba yung isa pang version ng opposite attracts? Iyon 'yung crush mo s'ya pero iba 'yung crush nya.
Papanget s'ya ng papanget sa paningin ko sa bawat dumadaang araw na nakikita ko sya. Kaloka! Di ko alam kung dati na talagang ganun 'yung pagmumukha n'ya at nabubulagan lang ako noon kaya ngayon ko lang napansin. Lalo n'yang pinapatunayan na wala akong dapat pagsisihan at ika-guilty sa paghihiwalay nmin. Tapos alam mo 'yun nakapambabae pa 'yung g*go. Hahahaha. Akalain mo nga nmn.
Nung naghiwalay kami dun ako nakakita, mga bes! Ngayon alam ko na kung bakit takang taka at walang umiimik sa mga nasa paligid ko nung naging kami. Ayaw daw nilang makialam kasi mukha naman daw talagang nagmamahalan kami. Akala raw nila noon na-orasyunan ako at nagustuhan ko 'yun. Nung nalaman nilang break na kami doon lang nila nilabas mga hinaing nila, sa wakas daw at natauhan na ako. Ang lakas pa daw ng loob na s'ya pa mang iwan. Iba na talaga panahon ngayon, di na applicable 'yung kanta ni Andrew E na humanap ka ng panget at ibigin mong tunay!
Tapos eto pa mga bes s'ya pa may ganang mag-iiwas at umasta na kala mo ako nang-iwan. Oh c'mon! Pa-victim alert!
So iyon, naikwento ko lang naman. Hahahaha. Ang mahalaga happy na akong single ngayon at di nakadepende sa iba 'yung kasiyahan. 'Yung fact na naka-move on na ako sapat na dahilan na 'yun para muling magpatuloy at mas makapag-focus sa mas mahahalagang bagay.
Not until may nabalitaan akong kumakalat na isyu na kaya s'ya umiiwas at umaasta na akala mo s'ya iniwan kasi naaawa na raw s'ya sa akin at tinutulungan lang daw n'ya kong mag-move on.
G*go! Di ko kailangan tulong mo! Nabuhay ako ng labing walong taon na wala ka sa buhay ko. Tapos aartehan mo ako ng ganyan? Patawa masyado 'yung fake news mo ginigigil mo 'ko! What makes you think na hanggang mahal pa rin kita?
Wala akong time para gumanti o tularan s'ya, gusto ko lang iparamdam sa kanya kahit isang beses manlang 'yung panghihinayang at pagsisisi.
Gusto kong ipakita sa kanya at sa mga pinagkwentuhan n'ya kung gaano na ko kasaya ngayon at di manlang nahirapang mag-move on tulad ng inaakala at pinaniniwalaan nila.
Hmm... Blinock ko sya dati sa lahat ng social media accounts ko pero in-unblock ko na, baka isipin pa nun bitter pa ko. Ano pa kayang ibang paraan para makita n'yang wala na siyang silbi sa buhay ko? Mukhang di nya makita 'yun sa personal kasi bihira na kaming magkita, baka sakaling pag nakita n'ya 'yung mga bago kong post matauhan s'ya.
Nawalan na ako ng ganang kumain dito. Hahanap na nga lang ako ng ibang lugar na pwedeng makainan.
Author's note: Guys, how was chapter 2? Dama n'yo ba ako? Hahahaha. Hi sa mga ex n'yo!
BINABASA MO ANG
My Day [Short Story (COMPLETED)] 💕
Short StoryThis will appear in Messenger for 24 hours, and you can see who views it.