Makalipas ang isa't kalahating oras natapos na rin kami sawakas! Wooooh! Laking kabawasan na 'to for now para makaraos ng tuluyan this sem. Nagliligpit na lang 'yung boys ng mga kalat namin. Hahahaha. Makapag-fb nga muna.
Ano ba naman 'yan! Bungad na bungad naman sa timeline ko 'yung post ng jowa ng crush ko. Sa sobrang dalas n'yang mag-post ng selfie nila with long caption alam na yata ng buong sambayanan 'yung love story nila. Hmf! Kaloka dinaig love story ng lolo't lola ko!
"Oh bakit nakasimangot ka dyan??" tanong ni Mae.
"Mukha ko lang 'yan, friend."
"Hay nako Darlaaa.. Don't me," panggagaya n'ya sa tono ng boses ni Kris Aquino.
Pinakita ko naman sa kanya 'yung phone ko na bungad 'yung picture ng crush ko at girlfriend n'ya.
"Hanggang ngayon pala crush mo pa rin si Leo," komento n'ya nakita matapos n'yang makita 'yung picture.
"Konti na lang. Hehez."
Mag -iisang taon ko na yatang crush si Leo, bago pa naging kami nung ex ko bet ko na 'to kaya mas mahirap mag-move on. Hahahaha. Walang progress e. Buset!
"Wag kang mag-alala walang forever! Maghihiwalay din 'yan! May kilala nga ako 10 yrs na sila pero naghiwalay din. Gaano katagal na ba sila?"
"Magpipitong buwan na."
"Ay kaya! Bago palang sila kaya ganyan, sa una lang 'yan, sa una lang naman lahat e!"
"Based on experience ba 'yan, 'te?"
"Di naman masyado, girl!" sabi n'ya sabay kindat.
Pagkasabi n'ya nun biglang tumunog 'yung messenger tone nya, meaning may nag-chat sa kanya. Maya-maya lang humahagalpak na s'ya ng tawa.
"Anyare, 'te?""Kasi... AHA-AHAHAHAHAHAHAHA"
"Ano?! Hahahaha."
Hinarap n'ya sa akin 'yung phone n'ya. Tumaas bigla 'yung kilay ko.
"Shhhhhh, keep quiet!! Grupo n'yo na naman ang pinakamaingay, malapit ko na talaga kayong iban!" saway ng librarian.
Lakas kasi ng tawa n'ya e. Pagkaalis ng librarian, nagkatinginan kaming lahat sabay tumawa ulit pero mas mahina na. Hahahahaha.
Ang sungit kasi ng librarian na 'yun, palibhasa tumandang dalaga. Lagi na lang kami nakikita samantalang andami-daming ibang nag-iingay. Nung isang linggo nga muntik na kaming ma-banned temporarily dahil nahuli kaming kinakain 'yung tirang sushi ni Nicole. Pinagbalot n'ya kasi kami ng sushi tapos nilagay n'ya sa dyaryo para 'di halata, last bite na lang nahuli pa! Partida nasa kasuluk-sulokan pa kaming table nun. Hmp! Di naman kami magkakalat e.
Hinarap n'ya sa 'kin 'yung phone n'ya habang tumatawa pa rin.
"Sino ba 'yang mga 'yan?" takang tanong ko.
Nakakita ako ng anim na totoy na animo'y may lahing Ita at Badjao sa picture. Throwback picture to be exact. Ang iitim at jejemon ng mga itsura nila, inedit pa sa pizap. Botcha! Hahaha.
Wala akong kilala ni isa sakanila. Hahaha. Di ako makarelate. Pero makikitawa muna ko kasi nakakatawa naman talaga 'yung itsura nila. Hahahahaha.
"Si Kai 'yan tsaka 'yung mga tropa n'ya nung high school. Hahaha."
"One word to describe them, ALAMAT! Isa silang alamat bes! Hahahaha. Masyado nilang na-enjoy ang jeje days. Teka pamilyar 'yung background, sa school ba natin ng high school 'yan?"
"Yes bes. Nung high school days natin nauso 'yung jeje days. Pamilyar ba sila?"
"Hindi masyado. Alam mo naman sa school natin dati."
Iyong pinanggalingan kasi naming eskwelahan nung high school, masyadong hayok sa mga contest kaya hiwalay 'yung building nung mga nasa pilot section sa lower sections. Doon kasi sila kumukuha ng contestants na pinanglalaban sa iba't-ibang schools. Kaya 'yung mga nasa pilot section aral lang talaga, walang social life. Iba din 'yung oras ng recess sa mga normal students para wala raw panahon para mag-aksaya ng oras.
Makakakita ka lang ng ibang estudyante maliban sa mga kaklase mo pagpasok mo ng school papunta sa classroom kasi pareho pa rin naman ng oras ng klase.
Isa ako sa mga inaakala kong pinalad noong napabilang sa pilot section, pero nung nalaman ko na ganun pala 'yung patakaran nila parang mas gusto ko na lang sa ibang section. Nakaka-pressure kasi talaga, wala silang ibang ginawa kundi mag-aral at magpataasan. Kapag hindi ka nakipagsabayan sakanila kawawa ka. Umikot 'yung apat na taon ko sa ganung sistema, daig ko pa 'yung feeling ng isang bilanggo.
Laking gulat ko nga noong nalaman ko na pareho pala kami ng school ni Mae, dahil doon naging close kami. Pero s'ya nung nalaman daw n'ya ay di na s'ya nagulat kasi naramdaman daw n'ya kaagad sa reaksyon ko.
Kapag kasi first year pa lang nung nag-enroll ka at di ka nabilang sa amin, taon-taon iba 'yung magiging kaklase mo kasi ni-rarandom nila. Maswerte kang may maging kaklase ka na tatlo hanggang apat mula sa mga naging kaklase mo noong nakaraang taon. Kaya halos lahat sila magkakakilala at pamilyar sa isa't isa.
Ilag sila samin noon kasi pinagbabawalan ng school makisalamuha sa amin, grabeng ipagmalaki ng school namin 'yung mga nasa pilot section at taunang pinopost 'yung ranking kaya karamihan sa kanila kilala kamim Mayroon ding recognition every quarter sa mga top 10 outstanding students.
Mayroon din namang iba na pinapalad at napapabilang sa pilot section, kapag naging top l dun sa section na pinanggalingan mo. Choice mo 'yun kung magpapalipat ka at kung kaya mo bang makipagsabayan.
Si Kai at Mae magkakilala sila elementary palang daw kaya mag-bestfriends sila. Isang taon sa apat na taon lang sila naging magkaklase nung high school pero magkaiba sila ng circle of friends. Kuntento na ata chat o text lang. Nagkakahiyaan pang magkaaminan, pero 'yung mga galawan naman akala mo mag-jowa.
"Asan d'yan si Kai?"
Di kasi ako gaanong pamilyar sa mukha nun kasi madalas lang n'yang nakukwento pero friends naman kami sa fb.
Pagkatingin ko sa tinuro n'ya lumipat 'yung tingin ko dun sa isang lalaki na naka-bonnet. Hindi s'ya mukhang jejemon bagkus ay mukhang may cancer.
May lumitaw na chathead, nagchat ulit si Kai.
"Be careful who you bully, thanks to puberty 😂😂😂" 'yan 'yung caption ng picture na sinend n'ya. Mukhang recent na groufie nila ng mga barkada n'ya.
"Parang wala namang nagbago sa mukha n'ya," komento ko habang nakataas 'yung kilay ko.
"Hahahaha grabe s'ya. Lagi naman kasing naka-wacky pagmumukha n'yan kahit na straight face lang. Pinaglihi yata sa clown 'yun!"
"Ay may pogi. Hahahahaha," nasabi ko bigla. 😱😂
Dalawa sa lima n'yang tropa 'yung nakita kong pogi. Napukaw ng atensyon ko 'yung naka-sumbrero sa picture. Eto yata si cancer boy! Iyong naka-bonnet sa isang picture kanina. Hahahaha. Infairness nag-improve s'ya, 'di na bonnet. Iba rin ang pagtama sa kanya ng pagbibinata, gumwapo at pumuti s'ya. Hmm.. Parang medyo pamilyar 'yung mukha n'ya.
"Nako bes! Mga gwapo talaga mga tropa n'yan sya lang ata nasalit."
"Ang hard nito, parang walang pinagsamahan. Hahaha."
"Hahaha. Lahat 'yan schoolmate natin may common na kaagad kayo, sino d'yan bet mo?"
"Pogi lang kako di ko pa bet! Baka mamaya may girlfriend na pala 'yan. Quota na ako sa mga may jowa."
"Edi paghiwalayin natin!"
"Ano? Hahahaha lakas mo rin e!"
"Hihingi ako ng list ng mga tropa n'yang single tapos tingin tayo baka may iba pang pogi."
"Talaga ba? Parang kahit makakita ka ng ibang gwapo sa isa lang nakatingin 'yang mga mata mo e."
"Di kaya!" pagdedeny n'ya.
Pagkasabi n'ya nun ay nagtipa na s'yang muli sa cellphone n'ya para magreply kay Kai.

BINABASA MO ANG
My Day [Short Story (COMPLETED)] 💕
Cerita PendekThis will appear in Messenger for 24 hours, and you can see who views it.