Halos isang buwan na ‘yung nakalipas mula nung laging sineseen ni Jack ‘yung Myday ko. Halos isang buwan ko na ring pinag- eexperimentuhan ‘yung pangsiseen n’ya. Magmula kasi nung binati ko s’ya nung birthday n’ya, mas lumala 'yung pangsiseen n’ya. Mapapasabi ka na lang ng mamaw kasi one minute palang naseseen na n’ya. Nashoshookt ako bes, tipong kakapindot pa lang talaga ng post as in segundo palang nakakalipas agad-agad na n’yang nasiseen. Nung una aaminin kong ang creepy ng dating kasi parang nakasubaybay talaga s’ya. Lagi pa namang online ‘yun. Kahit anong oras akong nag online, online din s’ya. Bakit hindi n'ya nalang ako ichat kung talagang nahihintay sya ng update tungkol sa akin di ba? Joke lang! Hahahahaha.
Tsaka sa dalas kong mag- My Day pansin ko na kung sino ‘yung mga consistent na nangsiseen at ‘yung naiintriga lang paminsan-minsan kaya nakikiseen. Syempre kadalasan sa mga ‘yun, kakilala ko personally. Bibihira ‘yung nasasalit na hindi ko kaclose o kakilala. So lutang na lutang talaga 'yung mga laging nangsiseen at isa na s'ya doon. Natatangi s’ya kasi kadalasan iilan lang din talaga na lalaki ‘yung nangsiseen ng My Day ko. Kadalasan s’ya, 'yung ex ko, si Joey, Gerald at ‘yung dalawang nakakasalamuha ko sa campus lang ‘yung lalaking nangsiseen kasi 'yung iba walang interes sa mga ganyan. Puro girls lang din minsan nagma-My Day sa mga friends ko. Kaya hindi ko alam kung mafflattered ba ako or what.
Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko to the point na feeling ko s’ya na ata ‘yung dahilan kaya ako laging nagma-My Day. S’ya na ‘yung inaabangan kong mangseen ng My Day ko. Parang s’ya na ‘yung dahilan ng lahat. Tipong parang laging may nag-uurge sa akin na mag-update ng mag-update kasi gusto kong nakikita n.ya mga ginagawa at achievements ko. Iyong parang s’ya 'yung gusto kong unang makakita ng mga pinopost ko kahit hindi naman s’ya nagcocomment or nagrereact. Kapag may maganda akong selfie o picture na kinuhanan, post na nakakuha ng attention ko o kahit ano lang. Gusto ko lahat ishare sa kanya lahat 'yun. Ewan ko din kung bakit.Nararamdaman ko nga na parang naiinis na ako kapag sineseen ng ex ko ‘yung My Day ko e. Parang mayroon pang naging ibang purpose sa buhay ko 'yung pagma-My Day ko na hindi ko pa mahanap 'yung dahilan kung bakit at kung para saan.
Sa halos isang buwan na 'yun, nasubukan ko ng mag-My Day ng limang post sabay-sabay tapos naseseen n’ya lahat. Minsan naman hiwa-hiwalay na post sa isang araw. Post sa umaga, tanghali o gabi tapos lahat ‘yun sineseen din n’ya. Hindi ko alam kung may pagkachismoso lang ba talaga s'ya sa mga pinagkakaabalahan ng mga facebook friends n'ya at lahat ng My Day tinitingnan n'ya o sa akin lang s'ya ganito. Alam ko na a part of me, umaasa na sana sa akin lang s'ya ganon.
Basta naka-online s’ya maseseen n’ya kaagad in one minute, pinakamatagal na naseen n’ya habang naka-online s’ya ay 5 minutes. Award pa din 'di ba! Nasubukan ko na din na mag-My Day ng hindi s’ya nakaonline. May time na hindi n’ya naseseen lalo na kapag gabing-gabi na s’ya nag-online, may time naman na naseseen n’ya pa rin no matter what basta nag online s’ya.
Oo napapansin ko na lahat ng bagay sa kanya. Maski pag-lolog in n’ya at ilang oras na hindi nakalog in sa isang araw nagagawa ko ng alamin. Hindi kasi ako mapakali kapag hindi n'ya kaagad nasiseen kaya chinecheck ko last log in n'ya.
Tipong parang naffeel ko na sayang lang 'yung effort ko ng pogpopost kahit na andami namang nangseen. Napapanatag lang ako kapag nakita ko na hindi pa pala s'ya nag-oonline mula ng ipost ko kaya hindi n'ya pa nakikita. Tapos maya-maya habang nagfafacebook ako makikita ko na 'yung maliit na profile picture n'ya sa preview nung mga nangseen sa post ko.
For a moment in my life naramdaman kong naaadik ako sa ideya ng pangsiseen n’ya kaya kahit mema lang pinopost ko. Dumating pa sa point na kinustom ko ‘yung My Day ko kapag may post ako na gusto ko s’ya lang makakakita. Dual purpose na rin para matest kung nangsiseen pa rin s'ya. Sa loob ng 24 hours na 'yun sa tuwing nag-oonline ako, bumubungad sa akin 'yung maliit na bilog ng profile picture n'ya sa My Day ko. Parang nagagalak 'yung puso ko sa tuwing nakikita ko na naseen na n'ya. Iseen n’ya lang kasi parang okay nako, pwede ko ng idelete tapos post ulit ng panibago para makita n’ya.
For a moment in my life naramdaman kong ang papansin ko. Nagpapapansin ako sa isang taong tinataboy ko nung una.
For a moment in my life naramdaman kong napakastalker ko. Halos araw-araw kong binibisita ‘yung wall n’ya kahit hindi rin naman s’ya mahilig magpost.
Nagawa ko ding isave 'yung screenshot ng conversation nila kasi aaminin kong kinikilig ako sa tuwing nababasa ko 'yun. Para akong tanga na nangingiti mag-isa. Verbatim din na naiisip ko yung buong conversation nila. I must be crazy. Lol.
Syempre hindi alam nila Mae ‘tong nangyayari sa akin baka kasi mas lalo akong maguluhan at madala sa pang aasar nila. Hindi 'to pwede. Hindi pa sa ngayon. Hindi pa kasi talaga ako handa sa ganitong bagay kasi mas pinipili ko ‘yung propesyon ko. Marami na masyado 'yung naisakripisyo ko sa pag- aaral kong ‘to para magpadistract ako sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan.
Isa pa hindi ko pa talaga alam ‘yung mararamdaman ko sa ngayon, I know it's not yet love. Maybe I was just hooked by the idea na crush n’ya ako. Siguro totoo ‘yung kasabihan na kapag nalaman mo na may gusto sayo ‘yung isang tao, a part of you will likes him/her too. Lalo pa at hindi naman maikakaila na pasok sya sa standards ng ideal boyfriend ko interms of physical appearance.Nadala at napaisip din siguro ako sa pangungulit ni Mae na bakit nga ba hindi ko subukan? Pasok naman s’ya sa standards ko kaya siguro naiconsider ko din? Ewan ko. Maski sa sarili ko, in denial ako. Hindi kasi talaga pwede.
Makatulog nga muna.
BINABASA MO ANG
My Day [Short Story (COMPLETED)] 💕
Short StoryThis will appear in Messenger for 24 hours, and you can see who views it.