After three hours.......
"Guys san tayo?" Tanong ni Gerald. Nakababa na kami dito sa ground floor mula dun sa 3rd floor na room namin kanina. May vacant kaming isang oras kaya nag-iisip kami kung saan kami kakain. Nakakaubos ng utak at enerhiya 'yung tatlong oras na klase na walang pahinga kaya kailangan naming kumain para sa susunod na klase.
"Tara dun sa labas ng school kain tayo dun sa turo-turo," suhestyon ni Mae.
"Ayoko hindi naman masarap yung sawsawan dun e!" Angal naman ni Nicole.
"Edi sawsaw mo sa basurahan!" Pamimilosopo ni Joey.
"Ayoko kakagaling mo lang dun," sarkastikong tugon ni Nicole.
"D'yan nagkatuluyan kapitbahay namin e. Nagtatalo kung saan kakain pero puro reklamo kaya ang ending namatay silang dalawa sa gutom!" Pakikisawsaw ni Gerald.
"Tara na dun gusto ko ng kwek kwek. Bahala nalang tayo kung anong makakain natin sa labas ng school pero magkita kita tayo dun sa spot natin. Sabay sabay tayong kumain," pahayag naman ni Aly
"Oh! Arats na nagsalita na si Boss!" Sabi ko naman. Gusto ko rin talagang kumain sa turo-turo dun sa labas ng school.
Habang naglalakad kami binuksan ko muna ulit 'yung messenger ko para makita ko kunsakaling nag-online na s'ya. Hindi kasi ako na sanay na ako 'yung last chat. I hate waiting!
Tip 13: Remain yourself sa pag-oonline maya't maya kakahintay sa reply n'ya. Magfocus ka sa studies mo o kung ano mang pinagkakaabalahan n'yo kasi malamang ganun din 'yung ginagawa nung tao. Dahil katulad din sa ibang naunang tip, wala kang karapatang magdemand sa time n'ya at wala din s'yang obligasyon na replyan ka kaagad.
Ayun nag-online na nga s'ya sa wakas! Ang kaso hindi naman nagreply! Tsk tsk. Kapag ako inignore nito katapusan na n'ya. Sa aming dalawa ako lang ang may karapatang mag-ignore!
Tip 14: Kahit na anong kagustuhan mo na mag-online para makita kung rereplyan ka na ba n'ya kapag nag-online na s'ya ulit, pigilan mo 'yung sarili mo na masabik sa reply n'ya. Kapag kasi hindi ka nakapagpigil matakot ka na para sa sarili mo. Isipin mo nalang ginagantihan ka n'ya.
Natapos na 'yung klase ko para sa araw na 'to at nakauwi na ko at lahat lahat wala pa rin s'yang reply. Pero pagkatapos naman n'yang mag-offline mula nung nag-online s'ya kanina na hindi ako nireplyan, hindi pa s'ya nag-oonline ulit. That's a relief, tho! Kakain muna ako ng dinner.
Habang nakaharap ako sa laptop ko at sarap na sarap sa pagkain ng chips kahit na kakatapos ko palang magdinner ay biglang nagvibrate 'yung cellphone ko. Pagbukas palang ng screen ng cellphone ko ay bumungad na 'yung chat ni Jack.
Jack: Snr. Kakauwi ko
lang galing school e.
Hahahahaha. Ay ganun,
sayang naman. Lagi pa
naman akong pakalat
kalat sa campus.
Hahahaha.Bakit naman
hindi ka nagtake?Tip 14: Kapag sinabi n'ya 'yung reason n'ya kahit na valid kaya hindi ka n'ya kaagad nareplyan, ignore mo lang. Kunyare wala kang pakialam at hindi mo naman hinihintay 'yung reply n'ya kahit na kanina ka pa gigil kakahintay sa reply n'ya.
Lesly: Nung una kasi gusto
nila Mama na sa Manila
ako mag-aral kaya sa mga
University dun ako nagtake.
Bale sa dalawang school na
nag-exam ako, isang
conditional 'yung score ko
tsaka isang 'yung second
choice ko 'yung napili.
Kaya ayun.Jack: Sayang naman.
Hahahaha. Bitin!Lesly: Oo nga e. Haha.
BINABASA MO ANG
My Day [Short Story (COMPLETED)] 💕
ContoThis will appear in Messenger for 24 hours, and you can see who views it.