Isang linggo na pala 'yung nakalipas mula ng lagi n'yang sineseen 'yung My Day ko. Oh, ano? Nagsisisi ka na ba? Pakihanap 'yung paki ko.
Ako ang magiging pinakamalala mong bangungot. Bangungot na kahit anong takot ay mas gugustuhin mong matulog muli at magbakasali. Magbakasakaling isang masamang panaginip lamang ang lahat. Na bukas paggising mo ay magiging okay din ang lahat.
Ngunit nagising ka kinabukasan at napasabi ng, "Huli na, huli na ang lahat."
Ohhh!! Tarush!! Napahugot si ate. Hahaha. Bukas luluhod ang mga tala, ang peg!
Nandito nga pala ako ngayon sa library para maki-wifi, este mag-aral at maki-wifi na rin. Pero wifi muna, wifi is life. Huehue. Kasama ko sila Nicole at Mae kasi magdodota raw sila Joey at Gerald. Sumama sa kanila si Aly baka raw kasi mag-cutting classes 'yung dalawa kapag hindi s'ya sumama, may klase pa kasi kami mamaya.
"Huy anong ginagawa mo?" tanong sakin Mae habang namimili ako ng picture na ipopost sa My Day ko.
"Mag ma-My Day ka na naman?! Ang dalas mo yatang mag-My Day Lesly ah! Di kita nakilalang ganyan! What's up?"
"People change."
"You're the least person that I have ever expected to change, Lesly!" sabat ni Nicole.
"Don't get overly attached to someone, people wake up everyday with different feelings."
"Masyado namang mabigat 'yung bars mo ngayong araw, men! Suko na 'ko, penge na lang advil. Hmf!"
"Ano ba 'yan, abang na abang pa naman ako sa drama rama session n'yo, suko ka na agad? Hahahaha," pang aasar ni Mae sa nakangusong si Nicole. Hahaha.
Maski ako hindi ko alam saan nanggaling 'yung pinagsasabi ko e.
"Anyway guys nasa akin na nga pala 'yung list ng mga tropa ni Kai na single at gwapo! Hihi. Wanna take a look?" 😁😁
"Teka 'di ba last week pa natin 'yan pinag-usapan?"
"Ay ano 'yan? Sali ako." sabi ni Nicole 🙋🙋
"Oo nga kaso ngayon lang ako nareplyan ni Kai kasi sobrang busy daw n'ya, dami raw pinagagawa sa school."
"Nako sa schoolworks ba talaga busy? Ano naman kaya pinagkakabusyhan n'ya at inabot ng isang linggo bago magreply?" 😏😏
"Okay lang! Bestfriend n'ya ko hindi girlfriend kaya wala akong karapatang magdemand." 😥😥
"Woooh pero aminin mo sa mga dagdaang araw, lagi mong hinihintay ng reply n'ya, 'no?"
"Hi-hindi ah!" 😳😳
"Wala kang maloloko dito, namumula ka na, oh!" pakikisakay ni Nicole sa pang-aasar ko kay Mae. 😂😂
"Oh eto tingnan n'yo na lang 'to!
Candidate number 1: Adri Villegas. Kung isa s'yang inumin, isa s'yang coke," panimula ni Mae habang pinapakita sa amin 'yung picture nung Adri daw."Bakit coke? Sexy ganun? May abs?" nagniningning ang mga matang sabi ni Nicole 😱😱
"Wala bes. Coke kasi sakto lang. Saktong kagwapuhan, saktong katalinuhan, saktong katangkaran. Malakas daw ang sense of humor nito! Kung ito jojowain n'yo para s'yang si Empoy. Remember: Empoy is the new pogi," ani Mae.
"Kung may abs 'yan baka pagtyagaan ko na 'yan, kaso wala." dismayadong pahayag ni Mae.
"Grabe sa pagtyagaan. Hahaha. Naisip mo ba kung gusto ka n'yang pagtyagaan," sabi ko naman.
"Candidate number 2: Eto naman 'yung susunod kung sawa ka ng mag-aral pero gusto mo instant yaman. Meet Kean. Seaman 'yan mga bes, mayaman! Taunan kung umuwi mula sa barko kaso nga lang alam mo na. Medyo kinapos sa kagwapuhan. Pero loyal daw 'yan tsaka mabait! Naghahanap daw talaga 'to ng girlfriend at ingat-yaman."

BINABASA MO ANG
My Day [Short Story (COMPLETED)] 💕
Short StoryThis will appear in Messenger for 24 hours, and you can see who views it.