Chapter 16

10 3 0
                                    

Hay nako! Ano nga ulit araw ngayon? Araw ng mga Sawi este ng mga puso pala. Nagkalat na naman 'yung may mga kabalentong kaya madami naman PDA sa labas ng bahay. Kaya kung katulad ko kayo na bitter, mas makabubuting manatili na lamang kayo sa inyong tahanan. Kaso may pasok ako ngayon. So kapag may nakaharang na couple sa dadaanan ko tapos nakaholding hands, pupunta ko sa gitna nila para sadya nilang paghiwalayin 'yung kamay nila para mag-giveway. Kapag hindi pa rin makabitaw na tila ba nagmamahalang tunay pagbubuhulin ko na sila? G na G si ate mo girl!! Grrr!!!!!

Nako ah may na-experience na kasi akong ganun dati. Palipat ako sa kabilang shelf doon sa Department Store e, ang sikip sikip pa naman ng bawat pagitan ng mga lalagyan ng items kaya ingat na ingat ako kasi nasa babasagin section din ako. Tapos may dumaan na dalawang nag-uusap at naglalandiang magjowa na magkahawak kamay at nagmamadali sa pagdaan e, ang sikip sikip nga! Natamaan tuloy ako, muntik na akong mangudngod sa pag- iwas sa pagtama dun sa mga tinda at baka ako pa pagbayarin! Tapos sabi nung lalake, "Baby mag-iingat ka kase, tingnan mo dinadaanan mo para di ka matamaan." Aba! So ako pa may kasalanan?! Talagang nag-init ang ulo ko! Hindi na nga nag-sorry, pinagpatuloy pa talaga paglalakad ng magkahawak ng kamay na akala mo mawawala e. Akala mo may tangay-tangay na bata at bawal bitawan kasi baka makabasag. Ano tingin mo d’yan sa jowa mo? Toddler? Walang forever, mga hangal! Baby ka pa d'yan, sampalin kita ng cactus d’yan e! Maghihiwalay din kayo sa 23!

Mabuti na lang napigilan ko sarili kong magwala dun sa mall baka magviral pa 'ko e.

Ansama talaga ng gising ko ngayong araw! Tsk! Malaki lang siguro talaga 'yung expectations ko para sana sa araw na 'to. Akala ko talaga ngayong taon ko na ma-eexperience ‘yung nakakakilig na Valentines sa buhay ko pero ayun wala e, naghiwalay kami. Hahahaha. Saya ‘di ba. Nakakairita na nga ngayong araw, mas dumoble pa tuloy dahil sa naiisip ko 'yung mga walang kwentang bagay at inexcept ko na posibleng mangyari sana.

Baka ayaw magastusan kaya ‘di na pinaabot ng Valentines. Oo alam kong kamakailan lang nagdadrama ko na hindi ko kailangan ng lovelife, pero ibahin mo 'yung araw na 'to kasi kaliwa't kanan 'yung krimen ngayon. Harap harap kang babastusin ng mga hampaslupang magjowa.

Ganitong panahon mo maiisip kung panget ka ba at wala kang jowa. Buti pa ‘yung mga mas bata sa'yo at mga bakla samantalang ikaw nga nga! Who you kayo sa aking lahat bukas!

Nandito na nga pala ako sa school. As usual pusong-puso ‘yung kapaligiran habang ako, ngusong-nguso. Mabuti na lang talaga half day kami e. Pagkatapos talaga ng klase uuwi na talaga ko!

"Good morning class!! Mabuhay ang mga single!!" Bungad ni Ms. Dimagiba pagkapasok n'ya ng classroom.

"Woooooooooh!!!" Hiyawan ng mga kaklase ko na may halo pang pagkalabog sa lamesa.

“Tama 'yan! Huwag kayong malumbay sapagkat hindi lang naman para sa mga may jowa ‘yung araw na ito. Araw din ‘to para sa mga imahinasyon n’yong mga boyfriend, asawa at kabet ng iniidolo n'yo. Special thanks sa mga artista, singer, model, o grupo, mapa-dance man 'yan o sports team at marami pang iba na sikat ngayon. Kasi sila ‘yung kadalasang nagpapasaya sa ating mga single!" Masiglang pagsang-ayon n'ya sa kaingayan namin.

"Magdamagang panonood ng kdrama, abang-abang sa comeback ng mga boy band group at adik -adik sa pagbabasa at pagnanasa sa mga fictional character sa wattpad. Hindi ba class???" Dagdag pa ni Miss at hinawakan ang kanyang malaking salamin sa mata upang iangat ng bahagya mula sa pagkakababa nito.

Ang cute talaga ni Miss! Mukha s'yang character sa anime na naging totoong tao. Maputi s'ya at may maiksing buhok na hanggang balikat. May kalakihan din 'yung mga mata n'ya at walang dudang matangos ang kanyang ilong. Medyo maliit din s'ya at may balingkinitan na katawan kaya bumagay sa kanya 'yung malaking bilog n'yang salamin.

My Day [Short Story (COMPLETED)] 💕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon