Kinabukasan......
Gumising ako mga 5:15 am kasi kailangan ko pang mag-aral. Buong maghapon kasi 'yung klase namin kahapon tapos gabi na 'yung uwi kaya hindi ako nakapagbasa. Ansakit kasi ng katawan ko kaya napagdesiyunan kong gumising nalang ng madaling araw para mas fresh sa utak 'yung pag-aaralan ko kasi nakapagpahinga na.
Bago ako bumangon nag-online muna ko. Nagpachat nga pala ko Jack. Hmmm... Dito na tayo magkakaalaman ngayon. Ito 'yung chance na gusto kong ibigay sa kanya at sa sarili ko kung posible nga ba. Hindi ko alam kung anong patutunguhan nito pero atleast kung sakaling iturn down ko talaga s'ya, walang pagsisisi kasi nasubukan naman naming mag-usap kahit papano.
Wala naman kasing kasiguraduhan sa love, kailangan mo lang magtiwala sa INSTINCT mo. At iyon 'yung gagawin ko ngayon. Talent ko 'to guys. Instinct papaganahin natin ngayon kasi wala pa kong balak magtake ng risk! Assuming kayo mga frenny!
Pagkaonline ko hinanap kaagad ng mata ko ‘yung pangalan n’ya sa messenger ko. Sabi nya hello with emoji.
Lesly: Hi Jack!
Nakita ko 14 mins ago lang last log in n'ya kaya siguradong gising na din 'to. Infairness ah ang aga n’yang nagising, baka maaga ‘yung pasok n’ya. Binuksan ko muna 'yung facebook app ko para Makita kung may post ba sa facebook group na hawak ng Dean ng department namin at 'yung ibang Student Council officers.
Maya-maya biglang may lumitaw na chathead na may mukha ni Jack. Mygad! Parang ang awkward sa feeling, hindi ako makapaniwala na kausap ko na s’ya ngayon.
Jack: Kamusta sa
school mo? Nakatulog
ka ba ng ayos?Ano ba naman mga tanungan nito parang tatay na nagtatarabaho sa ibang bansa at ngayong lang ulit sila nagkausap ng anak n’ya. Huehuehue.
Lesly: Ayos lang. Haha.
Napagod ako kagabi
kaya nakatulog na ‘ko.Hindi ko lang masabi na antagal n'ya kasi mag-isip ng ichchat kaya nakatulog na 'ko.
Lesly: Good morning
nga pala!May mga tips ako sa inyo mga beshiecake kung paano n'yo masusubukan kung sinsero ba 'yung mga lalaki sa intension n'ya sayo at kung workable ba kayo kung sakali. Lalo na kung mahilig kayong gumamit ng mga nauusong dating app ngayon.
Paalala ko lang na itong mga tips na ibabahagi ko ay pawang gabay lang. Hindi sa lahat ng panahon at pagkakataon ay applicable lahat ‘to kasi iba-iba ‘yung way ng tao kung paano ka susuyuin. Nakadepende din ito sa ugali nila at kung anong type ng conversation 'yung nabuo niyo. Ilan lamang ito sa mga halimbawa kaya 'wag mag-expect na mangyayari ito ng naaayon sa pagkakasunod. Mahalaga din na magkaroon ng kahit kaunting background manlang dun sa tao bago mo s'ya kausapin para alam mo kung paano mo matetest at papaikutin 'yung pag-uusap n'yo. Iset aside mo muna 'yung feelings mo sakanya. Hayaan mo s'yang magfirst move.
Tip 1: As much as possible subukan mong ikaw 'yung unang bumati sa kanya ng Good morning, good night etc.. in a way na normal lang at hindi mukhang flirt. Kunyare magalang ka lang talaga ganon. Bahala na s'ya kung bibigyan n'ya ba ng meaning 'yun or what. Tayo kasing mga babae madaling magbigay ng malisya sa mga simpleng bagay tulad nun at nag-aassume tayo na satin lang sila ganun. Sa madaling salita, pafall. Kaya kaysa ikaw 'yung makafeel nun, unahan mo na!
Jack: Ako din ihh tapos
kailangan pang gumising
ng maaga. Hahahaha.
Hindi nga ako nakatulog
ng ayos may laban pa
naman kami ngayon
Good morning din! Hihi.
Ang aga mo palang
nagigising. HeheHindi naman halatang parang nagpapabebe s’ya sa ihh at hihi n’ya. So ako ba may kasalanan
kaya hindi s’ya nakatulog ng ayos at kinukunsensya n'ya ko, ganun ba?

BINABASA MO ANG
My Day [Short Story (COMPLETED)] 💕
Historia CortaThis will appear in Messenger for 24 hours, and you can see who views it.