Chapter 11

17 3 0
                                    

"Napakatakaw mo talaga Lesly! Kawawa magiging jowa mo n'yan, mamumulubi! Gosh, girl!" Iiling iling na sabi ni Mae habang nakatingin sa dalawang box ng walang laman na pizza. Dalawang pizza kasi 'yung inorder n'ya, baka daw kasi hindi ko s'ya bigyan maski isang slice at magmukha lang s'yang chaperone ko na sinamahan lang ako para kumain. Hahahaha. Halos ako din umubos ng isa pang box ng pizza. Nakadalawang slices lang ata s’ya kasi hindi naman s'ya mahilig sa pizza at busog pa daw s'ya.

"Kaya nga maghahanap tayo ng jowang mayaman," biro ko bago ko isubo 'yung huling kagat ng pizza.

"Oh dali na, 'yung usapan natin," wika n'ya sabay abot sa akin ng cellphone ko.

"Saglit lang. Busog na busog pa 'ko oh. Di ko mastretch kamay ko," umarte pa 'ko kunyare na 'di ko maabot phone ko.

"Akin na nga ako na magchchat. Andaya mo e," inis na sagot n'ya.

"Ako na, teka. Ba't ba nagmamadali ka? May lakad ka ba? Tch!" Sabi ko sabay agaw ng phone ko. "Ano ba sasabihin ko?"

"Sendan mo ng LSW!" Tugon n'ya.

"Hah? Anong LSW?" Takang tanong ko. Outdated na talaga ko sa mga nauuso ngayong mga millenial's acronym.

"Long sweet message. Hoy sa dami ng kinain mo, deserve n'ya 'yun!" Nakangusong pahayag n'ya.

"Bakit s'ya ba nagbayad nito?" Gulat na tanong ko. Sineryoso ko e, alam ko kasing hindi manlilibre si Mae ng ganun ganun lang. Baka mamaya sa Jack nga na 'yun galing tong pinangbayad n'ya dito.

"Hindi. Hahaha. Palibre ni Mayor 'to," tumatawang sagot n'ya.

"Anong palibre ni Mayor?" Tanong ko.

"May month end bonus kasi akong pizza sa restaurant na 'to. Ngayon ko lang inavail. Hahaha. Hindi ko naman kasi makakain mag- isa 'yan, kaya sinama kita," sagot n'ya sabay kindat sa akin.

"Ay magaling! Hahahaha sabi na e. Dual purpose talaga 'to. Lalagnatin ka pag nagkataon!"

"Go na, wala ng bawian," taas kilay n’yang saad. Moody talaga nito few seconds ago tumatawa ngayon tinatarayan na ako.

"Ayan natype ko na, 'Hbd'. Hahahaha," sabi ko sabay pakita ng chatbox namin ni Jack Arellano.

"Ang cold naman ng 'Hbd' hahaha buuin mo man lang na happy birthday. Hahaha," sagot naman n'ya at nagtipa akong muli.

"Sige wait. Antayin muna natin s'yang mag- online," sabi ko pa.

"Oh bakit hihintayin mo pang mag-online?" Takang tanong n'ya.

"Para mabasa n'ya kagaad at mareplyan," bored kong sagot.

"Aba aba! Hindi pa kayo demanding ka na ah! Hahaha. Gusto reply kaagad," panunukso n'ya sa akin.

"Eh paano kung 'di ako replyan nito? Mainis n'ya ko ibblock ko sya," seryosong sagot ko. Kaya against ako sa plano nila na batiin ko 'yun kasi may karapatan s'yang isnob 'yung chat ko kasi hindi naman kami magkakilala personally.

"Kalma hahahaha magrereply 'yan! Oh ayan naka-online na. Send mo na! Lagyan mo naman ng emoji. Hahaha," kinikilig na tugon n'ya sabay agaw ng phone ko. "Ayan! Happy birthday Jack! 😊 mas maganda! Hintayin natin reply n'ya," patuloy n'ya pagkatapos iedit 'yung ichchat ko dapat kay Jack na walang kaemo-emosyon na happy birthday lang.

"Kapag ako hindi nireplyan n'yan, pag uuntugin ko kayo ni Kai," banta ko sa kanya. Ayoko sa lahat iniignore ako o kaya sineseen e.

"Oh ayan na! Sineen na," excited na sabi n'ya at tinuro 'yung preview ng reply n'ya tsaka n'ya pinindot.

"Hoy ialis mo nga sa chatbox! Napapaghalataang nakaopen at hinihintay e! May bilog sa videochat. Hayaan mo s'yang magtype," reklamo ko sa kanya.

"Yieeee conscious s'ya," panunukso n'ya sabay sundot sa tagiliran ko at binigay na n'ya 'yung cellphone ko. Buti naman naisipan na n'yang ibalik sa akin. Siya 'tong excited batiin 'yung tao, account ko pa ginamit. Hays.

My Day [Short Story (COMPLETED)] 💕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon