Pagdating ko sa library abalang- abala na sila sa pagsusulat, paggugupit at pag-dedesign doon sa project namin sa Filipino.
Bale 'yun na rin kasi 'yung final exam namin kaya kailangan ka-vogue at A for the effort 'yung documentation namin.
Pagkaupo ko kumuha kaagad ako ng gunting para tumulong.
"Oh akala ko ba kakain ka??" sabi ni Joey.
Isa s'ya sa kagrupo namin at kabarkada ko rin.
"Oo nga tapos na. Hahaha," tugon ko. Habang nag-bbeautiful eyes.
Iba talaga nagagawa pag bagong kain e, nakaka-good mood. ^______^
"Ambilis ah," sabat naman ni Aly, kasamahan din namin.
"Syempre ako lang mag- isa di ko kayo kasama, walang chika. Hahaha. Dun tayo nagtatagal e. Himala nga pala hindi kayo sumabay kumain kanina. "
Kapag kasi kami nagkayayaang kumain tuwing vacant, ubos na oras at pera di pa nabubusog 'yung tyan sa sobrang daming kwento. Nagugutom ulit sa kadaldalan. Hahahaha. Akala mo isang taon hindi nagkita eh araw araw namang magkakasama.
"Kumain kasi kami kanina bago umalis ng bahay at pumasok sa klase kaya sogbu pa kami. Hehez." ani Mae.
"Ay kaya! Hahahaha. Okay gwuys tapusin na natin this para di na sumabay sa pagrereview natin sa darating na finals!"
"Okay po Leader! Suweeeeg!" sagot ni Gerald na ginaya pa 'yung boses ni Joon Hyung ng Weightlifting Fairy Kim Bok Joo.
"Oh nandyan ka pala Gerald," sabi ni Aly sabay hawi ng buhok ni Gerald. Hahahaha. Tawanan kaming lahat e. Kanina pa kasi s'ya abalang-abala sa kakaayos ng buhok n'ya. Di malaman gagawing ayos, kanina pinagtataasan 'yung bawat hibla ngayon naman pinadadapa ng husto. Wtf. Hahahaha.
"Wagggg!! Ano ba!! Antagal-tagal kong inayos nito e!" angal naman niya. Hahaha. Ganyan 'yang mag-jowa na 'yan. Away bati, ganyan lang talaga sila maglambingan.
"Chura mo, ano akala mo, Kpop ka? Kpop ka, huh? Sino bias mo?" pagtataray ni Aly.
"Ako ba nagreklamo d'yan sa liit ng biyas mo? Sosolusyunan ko na nga lang kaya lalagyan na lang kita ng dog tag kapag may lakad tayo ang hirap mong hanapin kapag marami ng tao." sarkastikong sagot naman n'ya habang hawi pa rin ng hawi ng buhok n'ya. Mga ilang hawi pa, Ge? 'Yung totoo?
"Oppa-kan na 'yan oh. Wahahaha." sabat ni Joey.
"Aba! Pasikat 'to e! Ano problema mo sa biyas ko, inaano ka ba? Di ka mukhang kpop mas kamukha mo si Xander Ford! Oh ano, ayaw pa?"
"Alam mo mahal, mahal bagay sayo endearment natin. Mehehehe."
"Ikaw bwisit ka talaga e!" Akmang guguluhin ulit ni Aly 'yung buhok ni Gerald ng biglang hawakan n'ya 'yung ulo ni Aly para hindi s'ya maabot.
"Oh ano?! Palag! Bwahahahaha." humahagalpak sa tawa na ganti ni Ge. Habang galit na galit si Aly kasi di n'ya maabot. Hahahaha. Ang cute nilang tingnan. Respeto naman sa mga single!
"Get a room guys!" paninita naman ni Mae.
"A moment of silence para sa mga taong nag-momove on," sabi naman ni Joey.
"First of all hindi naman naging kami. Pangalawa di s'ya kawalan at higit sa lahat marami pakong extra. BWAHAHAHA," pagtatanggi ni Mae. Kunyare pa e.
"Tama na masakit sa mata, guys! Haharot n'yo."
Napatingin kami sa bagong dating na si Nicole. Here comes our bessiewap na hugotera. Kung makahugot 'tong babae na 'to kala mo pinagtaksilan ng tadhana pero sa totoo lang NBSB 'yan.
Binitawan na rin ni Gerald si Aly.
"Cole, san ka galing?" tanong ni Mae.
"Sa lugar kung saan pwedeng makalimot."
Sabi sa inyo e. Kinain na 'to ng mga secret files kaya kung maka-emote kala mo s'ya 'yung mga babaeng brokenhearted na nagko-confess dun. Tsk tsk.
"Naglakwatsa ka pa dapat tinext mo na lang ako, piniem ko sana sa'yo address ko," sabi ko naman sabay kindat kay Nicole.
"Ehe! Enebe! Buti ka pa," kinilig na sabi n'ya sabay hampas ng mahina sa braso ko. Hahaha.
Oh ano boys! Akala n'yo kayo lang pwedeng manlandi ah.
"Guys may proposal ako!" sigaw ni Joey. Napatingin kaming lahat sa kanya at nagtataka.
"First of all wala ka namang gelfren," pambabara ni Gerald.
"Kapag proposal, wedding ba kaagad? Ano ba 'yan pre! Balik nga kitang high school."
"Hoy bungol! Yun kasi pinakacommon edi sana lininaw mo kung anong klaseng proposal."
"Eto na nga, I would like to propose to you guys na tapusin na natin 'to para makauwi na tayo, mahirap ng abutan ng gabi sa kalsada. Delikado sa mga panahon ngayon, laganap ang krimen tulad na lamang ng pag-kidnap sa mga bata, tumataas na bilang ng mga masasamang loob, biktima ng rape at EJK dahil sa war on drugs. Given ang mga ganitong klaseng sitwasyon ay nararapat lamang na manatili tayo sa ating mga tahanan bago sumapit ang dilim. What do you think guys, para sa ekonomiya?"
Lahat kami iba-iba naging reaksyon namin sa sinabi n'ya. Nashookt ako.
"Akala ko naman kung ano!" sabi ni Mae sabay irap.
"Walang magkakainteres sa'yo, pre wag kang mag-alala. Mukhang mas useful pa 'yung poste kesa sayo pre," tatawa tawang pahayag ni Gerald.
"Kunyare ka pa mag-dodota ka lang naman," dagdag pa ni Aly.
"Look guys I'm trying to be professional here!" may awtoridad na sabi ni Joey. In character pa rin s'ya. Ano akala n'ya business proposal 'to sa isang kumpanya? Hahaha.
"Professional... gamer?" tugon ni Nicole.
"Guys ba't kayo ganyan? Mga basher! Hirap n'yo pakisamahan." maktol nya sabay walkout.
"Oh san ka pupunta?" nakangising pa ring tanong ni Gerald.
"Mag-CR lang ako!" inis na sabi n'ya. Hahaha.
"Ambully n'yo guys! Hahaha." nasabi ko na lang bago tuluyang umalis si Joey para mag-CR.
And with that, pinagpatuloy na namin 'yung paggawa habang binubully pa rin si Joey. Hahahaha.

BINABASA MO ANG
My Day [Short Story (COMPLETED)] 💕
Cerita PendekThis will appear in Messenger for 24 hours, and you can see who views it.