Chapter 10

14 3 0
                                    

Ahhhhh!! Pasukan na naman. Ang sakit ng katawan ko sa kakalangoy kahapon. Shocks! Sino ba kasi nakaisip na linggo 'yung outing tapos kinabukasan, may pasok? Kahit na after lunch pa 'yung klase ang bigat pa rin sa katawan e.

Makapag-open nga muna ng messenger. Umaasa akong may announcement na walang first subject.

Antahimik ng messenger ko. Walang ganap. Sinunod kong buksan 'yung facebook app ko. 20 notifs. Siguro puro tagged pictures at likes ng mga kafriend ko. Pagkabukas ko, ayun nga. Tama nga ako.

Pero may isang nakahighlight na notif.

Today is Jack Arellano's birthday.

Ohhhh. Okay. Birthday n'ya pala ngayon.

Makabangon na nga para makapag-ayos na. Kahit naman magreklamo ako, papasok at papasok pa rin ako. Never akong umabsent at nagpa-late tuwing first day hanggang buong first week ng klase para makapamili ng magandang pwesto ng upuan per subject sa iba't ibang rooms. Ang patakaran kasi ng klase namin kung saan ka unang naupo, dun ka na sa upuan na 'yun para sa subject na 'yun buong semester. Ayokong maunahan sa magandang spot ng upuan sa klase.

Pagkaupo ko sa kama, itali ko na 'yung buhok. Patayo na ako ng biglang tumunog 'yung messenger tone ng cellphone ko. Pinindot ko 'yung button ng cp ko para makita ko 'yung preview ng chat. o.O

Nagchat si Kai? Hmmm.

Kai: Hi Lesly! Hahahaha.

Lesly: Close tayo?

Kai: Ang sunget. Hahahaha.
Galit ka ba?

Lesly: Obvious ba?

Kai: Sorry na hahahaha

Lesly: Anong
kailangan mo?

Kai: Bakit mo alam?
Hahahaha. Manghuhula
ka ba? Ano kaseee
Bday ni Jack ngayon.

Lesly: Oh tapos?

Kai: Batiin mo s'ya.
Hahahaha.

Lesly: Bakit ko naman
gagawin 'yun?

Kai: Eto naman oh. Isang
beses lang sa isang taon
magbirthday 'yung tao,
ipagkakait mo pa sakanya
na maging masaya.

Lesly: Bakit huling
birthday n'ya na ba?

Kai: Hahahahahaha
loko. Sige na, gusto ka
kaya nun. Bagay kayo.

Lesly: Bored ka ba sa buhay
mo? Wala kang magawa?
Mag networking ka na lang
oh. Please lang. Kikita pa ka. Hahahahaha. Hindi 'yung
ganadong ganado kang
ibugaw kaibigan mo.

Kai: Sinusuportahan
ko lang s'ya sa mga
adhikain at pangarap
n'ya sa buhay. Isa ka na
dun. Yieeeee

Lesly: Ewan ko sayo!
Hahaha tigilan n'yo
nga ako ni Mae.

Kai: Asahan ko 'yan
ah! Huwag mo kong
bibiguin baka mamaya
maiiyak si Jack sa inuman. Hahahahaha.

Hayyy wala na 'kong masabi. Hahaha. G na g masyado, walang magawa sa buhay e. Pagkabasa ko nung nireply n'ya, 'di na ako nagreply. Tumayo na ako para kuhanin 'yung tuwalya at gamit ko para maligo.

My Day [Short Story (COMPLETED)] 💕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon