Chapter 3

917 42 5
                                    



SHE HOPPED OUTSIDE THE MINI VAN, tumambad sa kanya ang asul na mataas na gate ng bahay. "Anne Montes", basa niya sa papel na ibinigay ng ate, napatango-tango siya at pinindot na ang doorbell. May kaya siguro ang nakatira dito, naisip niya, malaki ang nababanaag niyang English style house.Ilang segundo pa'y sumiwang na ang gate at napasilip ang isang babaeng tingin niya ay katiwala.


"Cream's Bakeshoppe goodies ho," kaway niya, "um-order po si Anne Montes para sa birthday ng anak niya ng tig one hundred na cookies at muffins, tapos may cake pa ho," ngiti niya at itinuro ang van.


Binuksan naman nito ang gate at pinapasok sa garahe ang behikulo.


"Eto ho," binigay na niya ang resibo kay Mrs. Montes na may kuwarenta na ang edad. Masaya niyang nilingon ang table kung saan ini-set up ang dala-dalang baked goodies at cake, maingay na nagkumpulan doon ang mga batang may suot na party hats na may edad lima hanggang otso.


"Anong pangalan mo hija? Kain ka muna, magsisimula na naman ang party ni Jimmy. Mabilis lang, tutal naman alas sais na," ngiti ni Mrs. Montes. Sa palagay niya ay ampon nito si Jimmy, matanda na ito para magka-anak.


"Ho-ho?" nangiti aiya at napailing, "naku huwag na po, nakakahiya, nagluto po sa bahay si ate..."


"Si-sige na naman," hinawakan ni Mrs. Montecillo ang braso niya, "ano nga ulit ang pangalan mo?" Matipid niyang sinambulat ang pangalan niya.


"Si-sige na, may mga parents naman, tapos may mga pamangkin akong darating, halos mas matanda lang kunti sayo, tapos yung isa, single yun, ipapakilala kita, ahy, single ka ba hija?" Napanganga si Chloe sa tinuran ng babae, at gusto ata siyang i-matchmake sa pamangkin nito!


"Single nga po..." ngiti niya.


"Naku! Tamang-tama! Ang ganda mo kasi eh, naisip ko lang bagay kayo ng pamangkin kong yun! Tapos, pwede mo na ring i-endorse yung negosyo mo sa ibang parents, hindi ba?"


"Hi-hindi po sa akin ang Cream's, sa ate ko po, inutusan lang ako, nagtatrabaho po ako sa isang kompanya, sekretarya po ako."


"Ah, talaga?" maang ni Mrs. Montes, "okay naman yang trabahong yan basta mabait lang ang boss mo, hindi ba, yung ipakikilala ko sayo head ng kompanya yun, napakabait nun..." ngiti nito.


Napangiwi siya, "Naku, kaiba naman po yung boss ko sa pamangkin niyo," iling niya, "saksakan ng sungit, tawag nga nun sa labas ng office naming eh' demonyo, tapos minsan halimaw, o bakulaw, napakababaero pa at mayabang!"


Napatawa ang kausap, mukhang natuwa sa kanya. "Eh di mag resign ka na hija, doon ka na lang mag sekretarya sa pamangkin ko, ahy teka, mag bo-blow na pala ng cake si Jimmy, babalik lang ako, kain ka ha?"


Napatango at napangiti si Chloe, batid niyang magaan ang loob sa kanya ng babae. Gusto sana talaga niyang tumanggi ngunit ng madapuan na ng tingin ang nakahanda sa malaki at mahabang buffet table ay napaupo nalang siya sa plastic chair. 

Written In The Stars (Bookware Publishing MSV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon