Chapter 2
MATAPOS NG PITONG TAON
"AT SA GABING IYON AY NAGISING ANG PRINSESA, PINUKAW siya ng magiting na leon, at dinala sa kaharian kong saan niya makikita ang prinsipe," magiliw na pagpapatuloy ni Megumi sa pagkukwento sa kumpulan ng mga bata sa kwartong iyon, sa dulo ng silid, nakatanaw sa kanya si Tita Viola, ang spesyalistang doktor sa puso, habang nakatayo naman at nakamasid ang isang binatilyo sa likod.
"Ano ho ang pangalan ng prinsipe?" taas ng kamay ng isang bata.
"Caspian, Caspian ang pangalan ng prinsipe, at ang leon naman ay si Aslan..." ngiti niya, at ipinagpatuloy ang kwento. Sinabi niyang nakarating na siya sa Narnia ngunit umuwi siya sa Planetang Earth upang tuparin ang misyon niya, ipinadala siya ng prinsipe upang sabihin sa mga batang huwag silang susuko, magpagaling sila at kumain ng masusustansiyang pagkain.
Pag ginawa ng mga bata iyon, at lagi silang ngingiti, ay gagaling ang mga puso nila, at balang-araw ay makakadalaw sila sa sari-sarili nilang kaharian. Matapos, ay napatayo na siya ng palibutan na siya ng yakap ng mga bata. Mga batang katulad din niya, na musmos pa lamang ay may mabigat ng dinadala sa dibdib.
"You did well, Megumi..." tapik sa kanya ng doktor niya na naging kaibigan na rin ng pamilya Israel nila. Makaraan ng ilang taong pagpapabalik-balik niya sa hospital ay naging malapit na nga sa kanya ang babaeng ina na rin ng naging napakalapit niyang espesyal na kaibigan na si Caspian. Halos naging bestfriend na niya ang binata, pati sa High school nga nila, laging ito ang kasabay niya o naghihintay sa kanya matapos ng klase, dahil na rin magkatabi ang subdivision nila, sabay na silang umuuwi tuwing hapon.
Alam nilang laging kakabit ng pangalang Megumi ang Caspian, at ng Caspian naman si Megumi, kumpulan sila ng mahihinang mga tukso, ng papuri, lalo na ng mga lubos na nakakakilala sa kanila sa hospital. Ang prediksyon ng lahat, sila daw ang magkakatuluyan.
"Naku, wala po iyon tita,"lingo ng ulo niya, inayos ang salamin, "talagang si Caspian naman ho' talaga ang nakaisip nitong storytelling session para sa mga bata. Ako lang po ang hinire niyang storyteller ngayon kasi namamaos pa to," tinuro niya ang katabing naka-akbay na sa kanya, napatawa ito.
"Bakit hindi mo sinabing sa ending ng kwento, eh talagang magpapakasal naman talaga ang prinsipe at prinsesa sa huli?" malambing na pagmamaktol ni Caspian. "Dapat sinabi mo yun sa mga bata, dapat yun ang happy ending!" binigyan ng diin ng binata ang huling linya.
Tahimik lamang na napatawa si Megumi. Hindi niya alam kung bakit sa pitong taong lumipas, hindi pa niya alam kung anong idudugtong sa kwento kung saan natapos na siya sa misyon niya sa Planet Earth.
"TALAGA BANG PUPUNTA KA NG AMERIKA?" KUNOT NI MEGUMI na kasalukuyang sipsip ang milk drink sa karton.
Nagpapatulong siya ng assignments niya sa Chemistry sa binata. Magaling ito sa Science, bata pa lang, kwento nito'y gusto na nitong matulad sa mama nito, isang espesyalista sa puso. Hawak naman niya ang project nito sa English, kelangan nitong gumawa ng book report tungkol sa isang nobela. Marami ng nagbago sa kanila, hindi na ito ang dating batang may hawak ng light saber, hindi na rin siya ang batang may hawak ng librong Narnia. They have grown well, and it seemed that everything was matching perfectly well with their world.
BINABASA MO ANG
Written In The Stars (Bookware Publishing MSV)
ChickLitEight years ago, in a magical New Year's Eve, may isang estrangherong bigla na lamang nagnakaw ng halik kay Chloe. Bago paman siya magtitili at magdemanda ng sexual harassment, the stranger grabbed something from his pockets and whispered a dreamy p...