Stardust in Her Heart

32 5 0
                                    


Chapter 6


 "HUWAG MONG SABIHING NAGUGUSTUHAN MO NA ANG PRINSESA?" matinis na napatawa si Savannah, kanina'y kinukuha lang niya ang librong naiwan ni Megumi sa locker nito. Iniwan niya na muna ang dalaga sa gate at siya ang nagprisintang kumuha ng libro nito. 


Nai-lock niya ulit ng malakas ang locker. Matalim na pinukulan ng titig si Savannah. "That is one big hell of a joke..." labas lang niya bilang komento.


"Siguraduhin mo lang," matamis na ngiti ng dalagang nakapang-cheerleader attire pa. "Wouldn't it be a big disaster to fall inlove for real sa isang taong iiwan mo lang, let's say, two, three or whatever years after this?" taas ng kilay nito.


"Huwag ka ng makialam pa, shut up and stay silent Savannah, that's all I ask of you..."singhap niya. Bakit ba kelangan pang dagdagan ng tadhana ang mga excess baggage pasakit sa buhay niya? Bakit ang kelangang mabangga ng kotse nila ay ang van kung saan lulan ang pamilya at kababata ni Savannah na si Enrique? May pagtingin si Savannah kay Enrique, he was Savannah's first love. Enrique was killed on-the spot. At pati iyon, kelangan niyang pagbayaran. Isa si Savannah sa mga taong alam kung anong ginagawa niya sa buhay ni Megumi.


"I know..." ngisi nito, napalingon at itsinek ang paligid sa maaaring makakita sa kanila, "I'm just reminding you na hindi lang si Megumi ang kelangan mong bawian Michael, ako rin..."


"I know, alam ko yun, Savannah. I know what I have to pay dahil buhay pa ko, pero sana diba? Sana ako na lang ang namatay!"ganti niya.





NAPABUNGAD SA KANYA ANG ISANG NAKASIMANGOT NA MICHAEL, ng mapalapit ito, ipinansak nito sa dibdib niya ang English Lit nila na libro. "Ito lang ba ang nakalimutan mo? Ano pang nakalimutan mo? Meron pa ba?! Kung meron pa, sige, I'll run for it, kukunin ko!" matigas nitong usal, napatiim-bagang at masama ang tingin sa kanya.


"Michael..." tulala niya, biglang nagulumihan sa nakaplaster na kinang sa mga matang iyon, mukhang kagagaling lang nito ng iyak. Mukhang namumula ang mata nito, basa rin ang manggas ng polo nito. Nanghilamos ba ito? Kaya siguro ito natagalan ng kaunti. "Salamat, pe-pero sana ako na lang ang kumuha kung a-ayaw mo pala..." yuko niya. Unang beses niyang nakita ang ganoong mata nito, at napagtanto niyang hindi niya kayang salubungin ang matang puno ng hindi niya ma-esplikar na emosyon. "Ma-may problema ka ba?" marahan niyang dagdag.


"Hindi ka pa ba nai-inlove?" out-of-the blue nitong tanong.


"Ha?" napataas siya ulit ng ulo.


"Ano ba talagang ayaw mo kay Caspian at sa tingin ko hindi ka talaga nagkagusto sa kanya?"


"Ha?"


"Bakit 'ha' ka ng 'ha', are you that fragile and level-headed?" simangot na nito.

Written In The Stars (Bookware Publishing MSV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon