"PAPA, NAKIKINIG KA BA?" pamaktol na inabot at kinuha ni Chloe ang pinag-kakaabalahan ng ama sa overbed table. Kasalukuyan itong nakaupo sa higaan sa silid ng hospital habang nasa gilid naman siya at nginunguya ang isang mansanas.
"Wow, mukhang country house ba to?" gilas niya ng matunghayan ang animo'y blueprint ng isang bahay na hindi pa natatapos.
Napatango ang ama na may limampu't siyam na ang edad at napangiti, "sila Mrs. Smith, naalala mo yung kaibigan ng mama mo sa high school, yung laging tinitirintas ang buhok mo pag dumadalaw ka?"
Sandaling nahinto sa pagnguya si Chloe at napatango rin at napangiwi. Naalala nga niya si Ms. Alvarez na mahilig tirintasin ang buhok niya tuwing dumadalaw siya sa teacher's office ng ina noon.
"Hindi mo nababalitaan eh' nakapangasawa na yun ng kano, tapos gagawa raw sila ng vacation house sa Tagaytay kaya ako ang kinumisyon," galak na wika ng ama, matagal-tagal na ring walang kliyenteng lumalapit dito simula ng magka-renal failure ito at manghina. Inayos ng ama nito ang salamin at kinuhang muli ang iginuhit.
"Eh' di masaya na kayo, naku basta pa', huwag lang kayong masyadong magpapagod ha?" may lambing niyang tugon.
"Hindi na, hindi ka ba nakinig sa doctor kanina anak? Ma-di-discharge na ako bukas, kaya wala na kayong dapat ipag-alala," puno ng confidence na tugon ng ama.
"Tama yan! Mabuti naman at sa wakas ay naging mabait kang pasyente kasi alangan namang dito mo kami pagpaskuhin at ipag-New Year ni Ate at ni Cream noh!" pabiro niyang pinagalitan ang ama, na matigas ang ulo pagdating sa pag-inom ng prescribed medications nito.
"Asus! sige na, ipagpatuloy mo na ang kuwento mo, nakikinig naman ako sayo eh, yung sa Na-Nathan ba yun?"
Kung masakit sa kanya ang pagkamatay ng ina, batid niyang mas doble ang mararamdaman niyang sakit kung mawawala ang ama, she grew up as his daddy's girl, naaalala niya noon, nagseselos pa ang ate niya sa kanya dahil laging siya ang pinapaburan ng ama.
Her papa was also her silent listener, mas nakakapapahayag siya dito, simula pa noon, naging habit na niya ang pagkukuwento dito, pero siyempre naman may tinitira siya sa sarili, lalo na yung mga censored.
Tulad na lang kanina, bumagal ang pagpapak niya ng hawak ng mansanas ng bumalik sa guni-guni ang matamis este maasim na alaala:
Habang sine-set-up ang laptop at projector sa conference room para sa gagawing presentation ni Nathan ukol sa bagong Del Cielo project sa board, hindi na napansin ni Chloe na nasagi ng heels ang wirings, at dahil tatanga-tanga ay napasigaw siya ng biglang matipalok at unti-unting naramdaman niya ang katawan na pumapadausdos sa tiled floor.
In a flash, an arm grabbed her waist from the back, mabilis siyang naipaling sa hangin at napatayo, nabangga ang likod niya sa animo'y isang matigas na dingding.
She lowered her eyes at namataan ang isang medyo mabalahibong braso na mahigpit paring nakalikos sa bewang niya. She gasped at napalingon sa likod. Her eyeballs almost bulged out ng madiskubre kung sino ang superhero niya, it was Nathan! At ang bango, bango, bango pala nito kung ganoon kalapit...
BINABASA MO ANG
Written In The Stars (Bookware Publishing MSV)
ChickLitEight years ago, in a magical New Year's Eve, may isang estrangherong bigla na lamang nagnakaw ng halik kay Chloe. Bago paman siya magtitili at magdemanda ng sexual harassment, the stranger grabbed something from his pockets and whispered a dreamy p...