Stardust in Her Heart

42 3 0
                                    

Chapter 4


 ILANG ARAW NG HINDI TALAGA UM-A-ATTEND NG KLASE ang seatmate niyang si Basty, at kinalaunan, nalaman na lamang nilang ta-transfer na ng Cebu si Basty, kaya't mukhang ayaw niya man o hindi, magiging seatmate niya itong si Michael ng buong taon!


Physical Education class nila ngayon, kaya't ang lahat, nagkakagulo na sa classroom nila habang ina-ayos ang gamit at ang iba'y galing sa comfort room ay bihis na ng P.E uniform nila, ready na papuntang field, para sa track and field session. Nanatili siya sa upuan niya, tahimik lamang na pinagmamasdan ang lahat.


"Hindi ka pa ba magbibihis?" biglaang pukaw sa kanya ng katabi, na ngayo'y naka P.E get-up na. Inilingo niya ang ulo, sinabing hindi na siya nagdala ng uniform dahil aatasan rin lang naman siyang maging time keeper ng P.E teacher nila.


"Oh, bakit? May favoritism ba dito?" ngisi ng kausap.


"May sakit ako-"matipid lang niyang sagot, nasulyapan ang bahagyang pagtaas ng kilay ng kaharap niyang si Savannah, na kanina pa nagsusuklay ng buhok. Ang totoo'y hindi na niya dapat na kelangan pang magpaliwanag. Hindi man lang ba ito nakwentuhan ni Caspian?



"May sakit siya sa puso, kaya't hindi niya kayang sumali sa mga extreme sports at laro-laro, tulad na lamang ng cheerleading..." ekstra ni Savanah kahit hindi naman talaga kasali sa usapan. Gusto niyang mapasimangot at isulsol dito na hindi na dapat nito ipanglandakan ang hindi niya kayang gawin, at sabihin dito na hindi naman classified sports ang cheerleading ng biglang humirit ulit ang antipatikong seatmate-


"Ah. Akala ko kasi, sakit sa mata..." usal nito, at napatuon sa mata niyang nahaharangan ng salamin. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang napatayo ng wala sa oras. Naramdaman niya ang pag-init ng pisngi niya. Sa unang pagkakataon sa buhay niya, gusto niyang bumunghalit ng 'shit!'





NAKAPOSISYON NA ANG MGA KAKLASE NIYANG LALAKI, INIPIT niya sa legs niya ang palda upang hindi ihipin ng hangin. Hawak-hawak niya ang cellphone ng titser nilang si Mrs. Paulina, doon siya magta-timer. Sariwa pa sa ala-ala niya ang ginawa ni Michael matapos siya nitong laitin kanina:


Ayun na nga, nakatayo na siya, sasabog na ang turnilyo ng utak niya. Nang bigla na lamang sa panlalaki ng eyeballs ng mga kaharap nila ay lapitan siya ng binata, mabilis siya nitong inakbayan.



"Biro lang!" bigla itong naglabas ng tawa, "Ikaw naman oh, for me," napayuko ito, "You have the most beautiful eyes and the strongest heart, promise..." napa-wink ito. "Pag nanalo ako sa mamaya sa lapse record, sabay tayo ng snacks ah?!"


"A-ano?" nganga niya, biglang kung sa blood pressure pa ay bumulusok ng baba ang highblood niya.


"Didn't I tell you? Inihabilin ka ni Caspian. Ako na muna ang bestfriend mo," usal nito habang akbay parin siya. Binitiwan siya nito, kasabay ng pag-exhale ng mga kaklase niya. Nang lumabas na si Michael bitbit ang sportsbag nito, mapagtanong ang mga matang iyon ng lahat.

Written In The Stars (Bookware Publishing MSV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon