Chapter 7

1K 39 7
                                    


"MOCHO?!" GILAS NIYA NG BIGLANG umeksena ang aso ni Cream. Imbes na ang braso ni Nathan ang matamaan ng latigo niya, walang anu-anong lumipad sa hangin si Mocho at ito ang sumalo ng latigo. Bigla itong bumagsak at nangisay-ngisay na animo'y mamamatay na.


"Mochooo!" tili niya, bigla niyang naibukas ang talukap ng mga mata at napahingal.


Panaginip lamang pala. Isang napaka-weird na panaginip, pati pa ba sa pagtulog niya ay umeeksena si Nathan? Nakakapagtaka, mukha ngang sidekick talaga nito ang asong iyon! Napatayo siya at napalakad-lakad, napalingon siya sa pinto ng marinig ang isang ingay sa kaharap na kwarto. Kwarto iyon ng boss niya. May naisip siya kaya biglang napatakbo sa pintuan ng silid at sumilip doon. Nakita niya ang pagbukas ng pintuan at ang paglabas ng matikas na bulto ni Nathan doon. Isinara niyang muli ang pintuan at kinausap niyang muli ang sarili.


Ano? Susundan ko ba yung hudyong yun? Bahala na nga si Sailor moon!


Sinipat niya ang faded shirt niya at pajamas, at inayos ang buhok. Isang minuto pa'y maingat siyang lumabas ng kuwarto. Saan na kaya yun? Lumabas? Magsta-stargazing ba ito? Maingat rin siyang naglakad hanggang maabot na ang entrance ng building, ang tanging nakabukas na ilaw ay ang ilaw mula sa lobby. Ng tuluyan na siyang makalabas, nagitla siya sa pagdapyo ng napakalamig na hangin sa katawan, madilim sa paligid at nabanaag niya ang nakasinding sulo di-kalayuan sa ilalim ng isang niyog.


Hindi naman siya nangiming tuluyang lumabas, natukso siya ng marinig ang mahinang pagaspas ng alon sa di kalayuan.


Tuluyang napabuka ang bibig niya ng masilayan ang kabuuan ng langit na puno ng kumikinang na mga bituin,may last quarter moon na nagbibigay ng kaunting ilaw, animo'y isang napakalawak na diyamante na nag spa-sparkle ang dagat.

"Beautiful!" bulong niya sa hangin.

"Katulad mo..."bulong ng isang tinig sa tenga niya. Napatalon siya at napatili, ng ilingon niya ang mukha, ang nakangising si Nathan ang nasilayan niya.


"Talagang ganyan ka ba talaga ka-desperada, sinusundan mo ko noh?"


"Excuse me, Nathan! Hindi kita sinusundan, masama bang mag-star-gazing?!"pagmamalinis niya.


"Na-nathan?!" takang sambit nito.


"Oh, bakit? Tapos na ang office hours, kaya pwede na kitang tawagin ng kung anu-ano!" pandidilat niya dito.


"Whoa!" bulalas ng kausap, "You're really something Ms. Dizon," narinig niya ang munting tawa nito. "I mean Ch-Chloe..."


Hindi niya maintindihan kung bakit sa pagkalamig-lamig na gabi ay naramdaman niya ang biglang pag-init ng pisngi sa pagtawag nito sa pangalan niya. "I-ikaw, bakit ka nandito, sir?" tanong niya at pinagmasdan ang mukha nito na medyo naaaninag niya mula sa ilaw ng sulo sa kalapit na niyog nila.


"Binangungot ako, kaya napa-isipan kong magpahangin muna."


Written In The Stars (Bookware Publishing MSV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon