Chapter 7
SEVEN YEARS AFTER
"CASPIAN!" HINABOL NI MEGUMI ANG BULTO, "CASPIAAAN!" napahingal ang babae, ngunit hindi tulad noon, malaya na siyang nakakatakbo, malaya na siyang napapahingal.
Napabuga siya ng hangin at hinabol ang may limang taong batang lalaki, na paakyat ng hagdan ng fire exit.
Kanina lamang ay kasama niya ito sa storytelling session niya sa mga bata. Kare-release lang ng ikatatlo niyang children's book, ngayong buwan.
Eksaktong tumama sa release date, na maituturing niyang espesyal ngunit sa ngayon ay pinakapangit na araw na sa kanya. March 31, iyon ang araw na grumadweyt sila noon sa High school, ang araw na napatakbo siya kay Michael, matapos ihagis ang graduation cap at sinagot ito.
Ang ikatatlong kwento niya ay tungkol sa paglalakbay ng leon sa mundo, na nagbalatkayo bilang tao sa pangalang Michael, upang protektahan ang prinsesa. Sa pagtatapos ng libro, magiting na namatay ang leon upang iligtas ang prinsesa sa napakalaking kapahamakan. At sa huling installment ng libro niya sa trilogy na iyon, muling bumalik ang prinsesa sa kaharian ng prinsipe at doon sila nagpakasal.
Maliksi ang bata, at may ilang minuto pa ay natagpuan niyang inihip na ng hangin ang maiksi at hanggang balikat na niyang buhok, wala narin ang noong una'y suot niyang salamin, she has grown a lot, more beautiful and more strong.
"Ate Megumi! Te-telescope ohhh!" anas ng bata at napadiretso sa teleskopyong iyon, na naroon parin pero kinakalawang na. Ni minsan, hindi dumating na katanungan sa isip niya kung bakit may inilagay na malaking teleskopyo doon, o kung naroon na ba iyon ng itayo ang hospital noon.
"Ahy, bakit may ganyan na?!" reklamo ng cute na bata sa kalawang. Napangiti lang siya at hinaplos ang buhok ng bata na kapangalan ng taong nagbigay sa kanya ng itinitibok na niyang puso ngayon. Matapos ng operasyon niya noon, ay nag-ampon si Tita Viola niya ng isang sanggol, na ipinangalan kay Caspian.
Noong ibuka niya ang mata noon, ay wala na si Michael sa tabi niya.Ipinaliwanag ng mga magulang niya sa kanya ang lahat.
Napahagulgol siya at pakiramdam niya noon, pinagkaisahan siya ng lahat, lalung-lalo na ni Michael.
Mas nawasak ang puso niya ng minsang mabalitaan niyang nakita ng isang dati niyang kaklase si Michael at Savannah sa Amerika, magkasama ang dalawa at mukhang magkasintahan na daw, dahil nakita ang dalawa na magkahalikan.
Inimbestigahan niya lahat ng nangyari, at doon, halos magimbal siya sa katotohanan.
Simula noon, dahil sa lahat ng naganap, at dahil sa pagkakakilanlan ng tagapag-may-ari ng bago niyang puso, ipinangako niyang bilang respeto sa puso niya, hinding-hindi na maisisilid sa puso niya si Michael, pati sa ala-ala.
Hindi na siya nagtanong pa kahit kelan kay Michael. Hindi rin naman ito nagbigay ng sulat o kahit isang tawag simula ng umalis ito, maaaring masayang-masaya na ito at tapos na ang lahat ng pagpapanggap, nabayaran na nito ang konsensiya nito!
BINABASA MO ANG
Written In The Stars (Bookware Publishing MSV)
ChickLitEight years ago, in a magical New Year's Eve, may isang estrangherong bigla na lamang nagnakaw ng halik kay Chloe. Bago paman siya magtitili at magdemanda ng sexual harassment, the stranger grabbed something from his pockets and whispered a dreamy p...