Chapter 3
KUNG PAPASAGUTAN NG SLUMBOOK SI MEGUMI, ITO MARAHIL ANG mga sagot niya in audio form: Megumi Israel, yan ang buo kong pangalan. One fourth-Japanese ako, yun na ang sagot kung kaya't Megumi ang pangalan ko. Ang mama ko talaga ang half-Japanese, Aya naman ang pangalan niya. Mas singkit ang mata niya sa akin, at descendant iyon. Si papa ko, isang matiwasay na half-Bicolano at half-Manilenyo, negosyante silang dalawa, car rental at may mangilan ngilan ding taxi si papa.
Nag-iisa akong anak kaya't napapa-aral nila ako, kasama ni Caspian. Hindi ko alam kung bakit maliit pa lang ako'y nakasalamin nako, wala parin akong balak magpa-contact lens. Yung asset ko? Siguro yung kutis ko, tsaka yung buhok. Minsan, pag tinatanong ko ang sarili ko kung anong gusto ko sa buhay? Wala akong masagot.
Minsan kasi, dumadating yung pangamba na baka gulatin na lang ako ng puso ko, baka tumigil bigla sa pagtibok, at matatanong ko sa sarili ko, para saan pa ba ang lahat ng pangarap ko?
Pero gusto kong gumawa ng kwento, para sa mga bata. Tulad na lang ni C.S Lewis na sumulat ng Narnia, I wanted all childhood to be happy, and magical, tulad ng naranasan ko, kahit pa may sakit ako. Siguro nga, tama si Caspian, magiging children's book writer ako.
Hmmm. Who is my crush? Nagtataka ako kung bakit tutuntong na ako ng Senior ngayong taon eh' wala parin akong maisagot diyan. Siguro nga si Caspian, pero nagdududa parin ako, kung baga sa text questionnaire pa ay wala akong choice, blank line lang ang meron, dahil siya lang naman ang matino ata sa eskwelahan namin, pero sabi ko nga diba? Bestfriend ko yun.
Pero may limang buwan na rin akong walang balita dun, saan ba talaga iyon inilagay ng kapalaran? Oh eto naman, what is love? May epic akong sagot diyan, pero kinopya ko lang talaga to sa ewan: love is like a screwdriver, paluluwangin ang turnilyo ng utak mo.
Kita niyo na? Hindi naman talaga melodrama itong buhay ko.
Answer ko nga sa favorite quote ko daw ay ito: Happiness depends upon ourselves. Kanino galing? Kay Aristotle.
MATITIGIL ANG AUDIO-FORM SLUMBOOK NA IYON NI MEGUMI AT I-A-ANGULO ang kamera ng tulad sa mga pelikula sa pagkukumpulan at bulongan ng mga kaklase niya sa bintana, na para bang mga bubuyog na naka-amoy ng nectar.
Mapapalingon siya, ngunit dahil sa personalidad niya, hindi niya papansinin ang 'buzz' na iyon. "Ang guwapo niya! Ti-tingnan niyo! Papalapit na talaga siya sa main entrance ng building ng seniors!"
Mapapalingon si Megumi, kukunot ng saglit ang noo. Iniisip pa niya ang sinabi ni Tita Viola sa kanya kahapon ng mapadalaw siya sa ospital, tinanong niya kung saan na ba si Caspian, sinabi nitong baka doon na daw magtapos ng pag-aaral ang kaibigan niya.
Hindi naman siguro tama iyon hindi ba? Dapat ay inabisuhan man lamang siya ni Caspian. Napaka-unfair nito. Totoong nawili ba ito sa mga blonde? O ganun ba talaga kaganda at kalayo ang Amerika sa Pinas? Normal naman siguro kung makadama siya ng tampo ano?!
BINABASA MO ANG
Written In The Stars (Bookware Publishing MSV)
Chick-LitEight years ago, in a magical New Year's Eve, may isang estrangherong bigla na lamang nagnakaw ng halik kay Chloe. Bago paman siya magtitili at magdemanda ng sexual harassment, the stranger grabbed something from his pockets and whispered a dreamy p...