1- back to school

2.7K 25 0
                                    

Sharlene's POV

"Good Morning Shar!!!!" pagbati ng hyper kong pinsan. sino pa ba? edi si Sophia!

"Good Morning din couz! good morning everybody!" masigla ko ring bati sa kanya. pati na rin kay Mommy at Andre.

"mag breakfast na kayo. First day of school niyo ngayon. hindi dapat ma late. remember, seniors na kayo!" nakangiting sabi ni Mommy.

"how about you Mom? kumain ka na?" tanong ko. sabi kasi niya kami yung kakain eh. haha.

"nag coffee na ko, nak. parang ayoko mag breakfast. mamaya nalang lunch siguro." sagot niya.

"ah okay. just make sure na kakain ka ha!" sabi ko naman at tinusok na yung hotdog na nakahain sa lamesa.

"promise baby!" nakangiting sabi ni Mommy. si Mommy talaga... parang bata! hahaha.

"I'm so proud sa inyong tatlo. seniors na kayo. then next year, may college na kaming papaaralin nila Tita Peachy at Tita Rain niyo." tuwang tuwa niyang biglang sabi habang kumakain kami nila Sophia at Andre. tapos hinalikan kami isa-isa sa noo.

"tita naman! di ka pa nga sure kung ga graduate kami. college na agad iniisip mo!" pilyong sabat ni Andre at tumatawa pa. haha. ang aga aga, puro kabalbalan tong pinsan ko!

"at bakit, may balak ka bang mag repeat?!" natatawa ring sabi ni Mommy at sinakyan ang trip ni Andre.

"Hayy naku Mommy! wag mong pinagpapansin yan! hyper yan kasi inspired!" biglang sabi ko.

naku, nadulas ako! oh oh!!!!

"at sino namang inspiration?" nakangiting tanong ni Mommy at tinabihan na kami sa lamesa.

"matutuwa ang Daddy JM mo niyan at binata ka na talaga. naku! sana wag kang magmana sa chickboy na yun!" dagdag pa ni Mommy. haha. nakakatuwa. nagre reminisce nanaman si Mommy!

Beyond Expectations (The Barkada Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon