Chapter 2: King.

49 3 0
                                    

Kara Angel Rebela.

"Tara na,Kara" hinawakan ni Kristel ang kamay ko. Bahagya akong nanginig sa hindi malamang dahilan. Kinakabahan lang siguro ako.

Naglakad kami sa eskinita na yun hanggang sa makarating sa dulo. Nasa tapat na kami ng isang pintuan ng bigla akong napatigil. Napansin ni Kristel ang pagtigil ko kaya napatingin siya sakin. Mukha siyang nag aalala para sakin. Ngumiti ako ng pilit bago buksan ang pinto. Pagbukas ko ng pinto ay wala kaming nadatnan.

"Wala sila dito,Kara. Alam mo ba kung saan sila pumunta?" tanong sakin ni Krisha. Inilibot ko ang paningin sa paligid. I know nandito sila ayaw lang nila magpakita.

Lumapit ako sa isa sa mga computer dun at nakitang may mga nakakabit na CCTV cameras sa labas. Napangiti ako. Mukhang nag improve na ang technology nila dito. Mas humigpit ang mga seguridad nila. Napalibot ako sa malaking kwarto. Kinuha ko ang isang shotgun at saka ko ito hinawakan. Kinasa ko ito nang may yumakap bigla sa likod ko. Nabigla ako at nabitawan ko ang hawak kong shotgun. Hinawakan niya ang kamay ko. Naamoy ko ang pabango niya.

"I miss you,Ace" tila hindi ako nakagalaw dahil sa sinabi niya. It was him. Ang lalaking gustong-gusto ko makita mula kanina pa. King.

Pinatong niya ang baba niya sa kanang balikat ko.Inamoy niya ang leeg ko.Shit lang!hindi ako makapag react sa ginagawa niya.I admit I miss him so much pero parang kinakabahan akong tumingin sakanya.Maybe because iniwan ko sila?O hindi naman kaya sa nararamdaman ko sakanya?Yeah,I like him from the start.

Pinilit kong gumalaw at humarap sakanya.Nagulat ako dahil sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa like anytime we can kiss each other.Nakangiti siya sakin.Hindi pa rin nagbabago ang features ng mukha niya.Dark brown eyes,perfect jawline,long eyelashes,pinkish lips,blonde hair.Lahat na nasa kanya.Hindi ko mapigilan mamula dahil sa lapit naming dalawa.Nakaka ilang kasi tapos nakangiti pa siya yung ngiti ng prinsipe.

"Oy!anong ginagawa niyo diyan ha?wag dito dun kayo sa pribado!"sigaw ni Kathy at malakas na tumawa.Yung iba ay tumawa din lalo namang ngumiti ng malapad si King.Tang ina!lalo akong namumula dahil kay Kathy.Lagot talaga siya sakin mamaya!

"Umm.........King kamusta.........ahh.........yung organization..........ok lang ba?"tanong ko.Putang ina lang talaga!bakit ba ako hindi makapagsalita ng tuloy-tuloy?Kainis naman.Get yourself Kara!ano bang nangyayari sayo?Si King lang yan,oo yung gusto mong lalaki.Tanga.

"Hindi ka makapagsalita ng maayos,siguro mas magandang hindi tayo dito mag usap.Ayoko pa namang ganyan ka,Ace"nakangiti niyang sabi.Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sakanya.Siguro tama siya naiilang kasi ako kapag may ibang tao sa paligid namin lalo na't nandito ang mga kapatid ko.Panigurado aasarin lang ako ng mga yun.

"Punta lang kami ni Ace sa room.Maiwan muna namin kayo"sabi ni King sakanila.Mukhang hindi naman nila narinig si King dahil busy sila sa makikipag usap sa mga gang mate namin.About the organization siguro.

Pumunta kami sa isang room.Nagulat ako dahil isa yung bed room ang pinasukan namin.Napalunok ako bigla.Tang ina,isa pang tang ina!ano bang balak sakin ni Ace at dito niya ako dinala?Oh,shit!baka may balak saking masama si King.Putang ina,bakit masyado akong assuming?baka friendly talk lang ang gagawin namin o hindi naman kaya pag uusapan namin ang tungkol sa organization.Wag na akong assuming alam ko namang niya ako eh.Pero gusto nga ba?

"I miss you so much,Kara to the point that I want to kiss you"nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni King.Konti na lang bibigay na ako.Kasi naman eh,ano bang ginagawa sakin ni King?Shit!oo pumapatay ako ng tao pero iba din ang dating sakin ng lalaking 'to.Iba talaga siya sa lahat eh.Mabait,gentleman,magalang tapos matalino pa.Oh,ano san ka pa?

Merclues UniversityWhere stories live. Discover now