Kara Angel Rebela.
One week after nangyari ang bagay na yun. Nalaman ng mga kapatid ko ang nangyari at gusto nila akong makita. Sinabi ko na lang na ayos na ako para hindi na sila mag alala. Baka kasi sermonan pa ako ni Kathy kapag nalaman niyang marami akong galos. Kahit papaano ay concern din siya sakin at pati sa kapatid niya.
Nakakapasok na ako ngayon sa klase. Wala na rin naman ng nagawa si Xero nung nagpumilit ako. Like hell, nandito kami para mag aral. Pero malaking pala isipan pa rin sakin ang tungkol sa mga zombies na yun. Bakit ba kasi ako walang maalala? Impossible naman na bigla na lang nawala ang memorya ko. Ano kaya ang ginawa sakin hypnotism? Iniling iling ko na lang ang ulo ko at ibinalik ang aking atensyon sa teacher na nagtuturo ngayon. Eleven forty five na at fifteen minutes na lang ay break time na o sabihin na lang natin na lunch.
"Kagaya ng sinabi ko sa inyo. Maghanda na kayo mamayang gabi para sa laro. Sa tingin ko ay mababawasan na naman ang bilang ng mga estudyante dito sa Merclues University. Alam niyo naman ang rules di 'ba? Kapag oras mo na oras mo na. Dismiss" agad niligpit ng teacher ang gamit niya at lumabas ng room. Kahit naguguluhan ako ay niligpit ko na lang ang gamit ko. Mabilis akong tumayo at lumabas ng room. Wala rin si Xero kaya wala akong mapag tanungan. Kainis.
Habang naglalakad ako ay maraming tumitingin sakin. Siguro hindi sila makapaniwala na napatay ko lahat ng zombies na yun pati na rin ang asong hindi ko alam kung ano. Diretso lang tingin ko sa paligid. Hindi ko pa rin nakikita ang mga kapatid ko. Siguro kagaya ko ay pinagbawalan din sila ng dorm president nila. Kung sabagay... ayaw na namin kasing gumawa ng gulo o hindi sumunod sa mga rules. Kaso ang rules naman kasi nila ay hindi tama.
"Kara!" agad akong napalingon sa likuran ng may tumawag sa pangalan ko. Hinanap ko yun at may nakita akong babae na tumatakbo papuntang direksyon ko. Nung malapit na siya ay dun ko lang siya namukaan. It was Kathy at may kasama siyang lalaki. Nung makalapit na siya sakin ay agad niya akong niyakap. Yung tipong hindi na ako makahinga. Tang ina, alam kong na-miss niya ako pero wag naman niya akong patayin sa higpit ng yakap niya.
Ngayon ko lang nakilala ang lalaking kasama niya. Blake Ryan Ramos. Ang dorm president ng Dorm Santan. Wag niyang sabihin na pati ang dorm president nila ay naka make out na niya? Pero kung sabagay gwapo naman si Blake eh yun nga lang mukhang silent type. Hindi ko type mas gusto ko pa si Xero sakanya.
"Bakit ka nandito?" tanong ko. Kasi ang alam ko ay bawal mag usap ang mga magkakapatid. Goog girl na ako kaya susunod na ako sa rules.
"Nagpaalam ako kay Ryan kaya kasama ko siya. Gusto ko na kasing kamustahin ka kaya kinulit ko. Buti nga pumayag" pagpapaliwanag ni Kathy. Pero napansin ko yung mga tinginan nila at yung ngiti ni Kathy ay may kakaiba. Tumaas ang isang kilay ko. May hindi ata ako alam sakanilang dalawa. Psh! debale na lang buhay nila yun hindi ko naman buhay yun.
"Tara na, Kara. Sabay na tayong kumain ng lunch" hindi na ako nakapalag nung hilain ni Kathy ang kamay ko. Sumunod naman samin si Blake na nasa likuran namin. I wonder kung hindi napapanis ang laway niya dahil hindi siya palasalita.
Nakarating kami sa quadrangle. Makulimlim ngayon kaya baka mamaya ay biglang umulan. Pumunta kami sa table nila. Napansin ko lang na may mga payong ngayon ang bawat table gaya sa mga coffee shop. Nag improve ata sila. Um-order sila ng pagkain pati ako ay tinanong rin nila. Pagkatapos nun ay umalis na ang waiter. Napatingin ako sa table namin ni Xero. Nandun siya. Tatayo na sana ako para puntahan siya pero hindi ko nagawa dahil may kasama siyang babae. Siguro isa sa mga fling niya sa dorm house. Tumingin siya sa direksyon ko kaya umiwas ako ng tingin. Bull shit!
"Hoy! magkwento ka nga. Bakit hindi mo sinabi samin na may nakasagupa kang mga halimaw? Alam mo bang nag aalala kami?" lintanya ni Kathy. Napalunok na lang ako. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pakukwento. At isa pa ay wala akong balak ikwento sakanila ang nangyari.
YOU ARE READING
Merclues University
ActionMonsters? they do not exist. Zombies? is just a legend that people watch. Pero yun ba talaga ang totoong dahilan? Paano kung malaman mo na nag-e-exist pala sila? Sa lugar na hindi mo inaakala? Anong kaya mong gawin para mapatunayan na hindi ito toto...