Krisha Grace Rebela.
It took me an hour to get to sleep at night. Marami pa ring bagay ang gumugulo sa isipan ko ngayon. At gusto kong masagot ang mga iyon. Pero paano? Curiosity is eating me. Hindi naman pwedeng magtanong ako kay Tyrence dahil wala naman siyang sasabihin sakin at isa pa abala siya sa mga babae niya. Kahit na sabihin na medyo okay na kami ay hindi pa rin ako pwedeng magpadalos dalos. Ikakapahamak ko kapag hindi ako nag ingat and knowing him. Baka kung ano ano lang ang sasabihin sakin.
"Oy, Tyrence." tawag ko sakanya at ang gago hindi ako pinansin. Naka headset at hawak ni Tyrence ang cellphone niya. Baka mamaya porn lang naman ang pinapanood ng gagong 'to. Mas masahol pa siya sa dorm president ni Kristel. At least nagbago yung dorm president ni Kristel. Pero yung president ko? Baka sa end of the world pa yan magbago.
"Tyrence, gago." tinapik ko siya sa balikat pero walang epekto ang nangyari. Tumawa lang ng malakas si Tyrence na akala mo ay mamamatay na sa kakatawa. Tang ina, nababaliw na naman ang isang 'to. Palibhasa kagaguhan ang pinapanood niya kaya walang pakelam sa mundo.
Isang ngisi ang bumuo sa aking labi ng maka isip ako ng isang kalokohan. Lumapit ako sa kanang tenga ni Tyrence. Agad kong tinanggal ang headset sa kanang tenga niya at sumigaw ng pangalan niya.
"Tyrence!"
"Fuck!"
Mabilis akong lumayo sakanya dahil baka ambahan niya ako ng sampal. May pagka bakla pa naman ang isang 'to. Umiiral lang ang pagkabakla niya kapag naiinis siya sa isang tao o ayaw niya ang ginagawa ng isang tao. It's either the two pero sa tingin ko ayaw niya sa ginawa ko kaya nagiging bakla siya.
"Bakit mo ako sinigawan?!" tumaas ang isang kilay at napangisi na lang dahil naiinis na siya. Geh, mainis ka wala akong pakelam sa'yo. Kanina pa kita tinatawag tapos hindi ka namamansin. Serves you right, jerk.
"Wala lang. Gusto lang sanang sabihin na lalabas lang ako." mabilis ako nagtungo sa pintuan at pinihit ang door knob nito. Wala naman akong narinig na salita mula kay Tyrence kaya tuluyan na akong lumabas ng dorm house. Pasikat na ang araw ng lumabas ako ng dorm house. Marami ring students ang busy sa pag aayos para sa papalapit na birthday ng headmaster ng school na 'to. I get that information from Kathy na nakuha lang din niya kay Blake. Buti pa ang dorm president niya binibigyan siya ng konting information tungkol sa nangyayari pero ang dorm president ko? Wag na nating pag usapan dahil makakasapak lang ako ng mukha ng tao.
"Hey." nabaling ang tingin ko sa babaeng nagsalita. When I saw her face my blood suddenly boiled. Bakit ba sa dinami dami ng tao ay yung mga taong ayaw mong makasalubong ang nakakasalubong mo? Nakakasira kaya ng araw kapag ganun ang nangyayari sa'yo. I just look at her not daring to speak. Baka kung ano ano lang ang lalabas sa bunganga ko.
"Where is Tyrence?" tanong niya na nakapagpataas ng kilay ko. Ano naman ang kailangan ng babaeng 'to kay Tyrence? After what she do to Kara ay may mukha pa siyang ihaharap samin? Ang kapal naman ng mukha niya. So, andito siya para landiin si Tyrence? Pagkatapos kay Xero kay Tyrence naman? Hell, I can't stand with the girl like this.
"Why on hell, I will tell you?"
"Because I was asking you? It's obvious you know." she said. Napa irap na lang ako sa sinabi niya. Kapag hindi ako nakapagtimpi ay masasakal ko ang babaeng 'to. Akala mo kung sinong kung makapagsalita eh isa lang naman siyang aliparot na babae. Bullshit!
"Obvious my ass, slut." pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon ay tinalikuran ko siya at naglakad. Ha! tang ina niya, ayoko talaga sa mga malalanding babae, specially those girls who want is to flirt. Nakakapang init sila ng dugo. Ang aga nga ng gising ko pero nakaka inis naman ang mga nangyayari sakin ngayong araw. Bullshit lang talaga.
YOU ARE READING
Merclues University
ActionMonsters? they do not exist. Zombies? is just a legend that people watch. Pero yun ba talaga ang totoong dahilan? Paano kung malaman mo na nag-e-exist pala sila? Sa lugar na hindi mo inaakala? Anong kaya mong gawin para mapatunayan na hindi ito toto...