Chapter 8: It Started.

30 2 0
                                    

Kara Angel Rebela.

Marami kaming nakakasabay habang naglalakad sa malawak na quadrangle. Most of them are staring at me. Parang ako ang pinupuntirya nila. As if naman kaya nila akong patayin sa mga titig nila. And one more thing is magkahawak kamay kami ni Xero. Yeah, may saltik talaga siya sa utak niya.

"They are staring at us" bulong ko kay Xero na parang walang pake sa paligid niya. Tumango lang siya ng marahan at hindi nagsalita. Puta naman! siniko ko siya pero wala talagang epekto ang ginawa ko. Anak ng demonyo!

Habang naglalakad kami ay hindi pamilyar ang dinadaanan namin. Parang we are headed to something na sobrang layo at isa pa hindi pa ako napupunta sa lugar na 'to. Tuloy tuloy lang sila sa paglalakad not minding the appearance of this creepy place. Maski si Xero ay tuloy tuloy lang sa paglalakad kung sabagay ay matagal na siya sa impyernong university na 'to. Pero ang iniisip ko ngayon ay ang venue kung saan gaganapin ang laro. Siguro ay sa isang malawak na arena? sa kagubatan? o sa impyerno?

Bawat madadaanan namin tinitignan ko. Parang nasa kagubatan na kami. Lumingon ako sa likod at nakita ang silhouette ng mataas na mga gusali. Malayo na nga ang nilalakad namin. Siguro ay pwede akong makatakas dahil nasa kagabutan kami pero paano naman ang mga kapatid ko? Medyo malalim na rin ang gabi kaya bigla akong nakaramdam ng lamig. Mabuti na lang at naka jacket ako kaya ang hampas ng hangin sa mukha ko lang ang iniinda ko. Parang nasa isa akong horror movie dahil sa dilim ng dinadaanan nami. Yeah, it is so creepy here.

"Were here" napalingon ako kay Xero ng magsalita siya kanina kasi habang naglalakad kami ay hindi siya nagsasalita at parang ang lalim ng iniisip niya. Nakatingin lang siya sa harap kaya napatingin rin ako.

Merong maliit na stage sa harapan pero sapat na iyon para makita ang nagsasalita sa harap. Napapalibutan kami ng mga student meron yun iba ay sadyang dumidikit samin para lang maka chansing kay Xero. Nagulat na lang ako ng hawakan niya ako sa bewang at hinapit palapit sakanya. Hokage moves rin itong pangit na 'to.

"Good evening ladies and gentlemen. We are celebrating the 20th anniversary of our respective university. And now we are here to celebrate it through a game. And all of the students who will survive in this game will receive a special award and maybe one of the Special Bloody Students. Good luck everyone and I hope many of you can pass this game" namatay ang ilaw pagkatapos niyang magsalita. Hindi ko kilala ang lalaking yun. Maybe he is the headmaster.

"Anong gagawin natin?" tanong ko habang palinga linga sa paligid. Ang ilaw lang stage na yun ang nagsisilbing liwanag sa madilim na lugar na 'to. May mga naririnig akong bulungan ang iba naman ay humihikbi na animo'y natatakot na mamamatay. Sino bang hindi matatakot kung si Kamatayan na mismo ang naghahanap sayo?

"Waiting for the game to start" casual niyang sabi. Hawak pa rin niya ang bewang ko kaya medyo naka ramdam ako ng awkwardness sa paligid. Pero para sakanya ay wala lang yun.

Nagulat ako ng may musika na tumugtog. It was a creepy a song that blend in the atmosphere here. Masyadong nakakakilabot na parang ang tugtog na iyon pa ang papatay sa iyo kung matatakutin ka. I wonder kung ayos lang si Kristel dahil sa aming magkakapatid siya ang pinaka matatakutin sa lahat. Maybe her perverted dorm president can calm her.

"Stay close to me, get it?" tanong niya sakin. Tumango naman ako kahit hindi niya ako nakikita. Nagsimula na ring mag adjust ang paningin ko sa dilim. Siguro sinadya talaga nilang umpisahan ang laro ng may ilaw para matagalan ang pag a adjust ng mga mata namin sa dilim. In some way they are insane clever.

Narinig ko ang ilang mga yapak. Maraming tuyong dahon dito kaya hindi mabilis mong maririnig ang mga taong palapit sayo. Ang pinagtataka ko lang ay bakit hindi kami kumikilos. Ilang minuto ay may mga nakita akong ilaw. Para siyang alitaptap pero hindi naman ganun ang nakikita ko. Mga numbers na nakalagay sa bilog tapos may mga kanya kanyang kulay ito. Ang pinakamababang number ay one na kulay white at ang pinakamataas naman ay ten na kulay red. Ang galing naman ng laro na 'to.

Merclues UniversityWhere stories live. Discover now